Hoy, naka sun ka ba? Oo ikaw! Pwede paki explain naman to sakin. Di ko kasi nagets e. Hehehe. "Load the number string you receive like a regular call card. P20 will be deducted from your load when you avail of 24x7 Text Unlimited LITE. DTI Permit 1879" Ahh, wait... Hindi ko pa rin gets.
Wahahaha. Sa totoo lang hindi ko alam kung paano sisimulan yung kwento ko. Mukhang ewan. Napiga ata utak ko dun sa post ko kahapon sa berx blog namin. Tama napiga nga, ingles yun e. Sige simulan na natin ang mahabng kwentuhan. Ayy, may nagbago dito, pansinin mo!
Kagabi, unang beses ko nakapanood ng "Stripperella". Isa syang stripper, obvious ba?, at isa rin syang agent. Hindi ko alam kung spy, basta nakikipaglaban sya. WAHAHAHA! Unang beses ko rin nakapanood sa Jack TV. Puchang patawa yung cartoons. Patawa yung channel na yun. Kung wala kayong Jack TV, you're missnig half of your life. Exage. Sa sobrang aliw ko sa channel na yun, lahat ng pinapakitang cartoons na mukhang aliw e nilagay ko na sa calendar ko.
Wednesday 8pm - Dr Katz
Thursday - South Park
8:30pm - Cranky Yankers
Friday 8pm - *I didnt get the title*
Saturday 10pm - Drawn Together
Sunday 10pm - Shorties Watchin' Shorties
10:30pm - The Man Show
Monday 8pm - Kid Notorious
Tuesday - South Park
10pm - Stripperella
[Masaya yan. Puro kalokohan yan. Kung sun cable kayo channel 25.] At sa sobrang aliw ko nakatulog na din ako.
Tapos...
Nagising ako sa mahimbing kong pagtulog kagabi. May mga maiingay ng teenager, pamilyar yung mga boses, tapos nagbabatuhan sila ng bote ng beer, take note yung malaki. Hindi ko masilip natatakot kasi ako baka mamaya sobra lasing yung mga yun tapos nakita nila ako sa balkunahe namin at batuhin din ako. Loko kasi yung mga yun, parang hindi tao. Notorious talaga yung lider nila. Gusto na nga yun ipatapon ng tatay ko sa Dapitan e! HAHAHAHA. May nakaaway daw silang tryke drayber. Naiimagine ko tuloy, kawawa naman yung manong tsuper!
Naaawa din ako dun sa isang bata. Ewan, ibang awa. Kasi ang pathetic nya! Sobra. I pity her. Hahaha. Maldita talaga ako. Kasi hindi ko maintindihan kung bakit nya pinagsisigawan na may "N-E-W" sa kanya. Tsaka nung espesyal na araw nya, hindi raw sya excited pero walang ginawang araw ang Diyos na hindi nya binilang ang oras bago yung espesyal na araw nya. Hindi sya excited nyan, what if kung excited pa sya.
Hindi ko kasi maintindihan sa mga tao kung bakit ayaw nalang nilang hayaan na mapansin yung bago sa kanila. Parang yung isa pang bata na kilala ko. Kadadating lang namin nung kaibigan ko, napansin na namin na nagpagupit sya pero hindi namin binabanggit kasi magpapacute nanaman yun, AND I HATE HER pag nagpapacute sya. Aba hindi napakali ang loka, sya na mismo ang nagsabi na nagpagupit sya. HDP?
I'm guilty, I've been bad but I just cant help myself. I needed to style my hair. Nagpapacute din ako kapag may bago sakin. Pero hindi dumadating sa point na ilang araw ng nakalipas at pinagsisigawan parin sa status ko. At hindi tumatagal ng ilang oras yung pagpapacute at pagfflaunt ko sa BAGONG BAGAY na iyon. *Evil Laugh*
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home