<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d12329769\x26blogName\x3dTutsang+Kulot\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://tutsangkulot.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_PH\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://tutsangkulot.blogspot.com/\x26vt\x3d2595693058098382631', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

Friday, September 02, 2005

CARD'S DAY. Bukas. Paktay! Hahahaa! Pero maayos na ang aking dalawang grade. Physics and English, kung saan medyo pagewang gewang ang grade ko. Nagtatalon ako sa tuwa kanina ng biglang akyat ng grado ko sa Physics. At ng tanungin ko ang aming English teacher, above 85 ang grade ko. WOOHOOO.:D Nahatak ng IW yung IP grade ko sa tiyak na kamatayan. Math na lang. Haaaayy. Sana mahal pa ko ni Sir Dom, sana above 85. Sana bigyan ako ng Panginoon ng lakas tanggapin ang grado ko bukas sa Math.

KAGABI. Nalinis ang mata ko! Umiyak ako ng sobra tapos may oras na humagulgol ako ng wala masyadong luha na pumapatak sa mata ko. Nakakatawa. Pero pagkatapos nun, hindi ko makuhang ngumiti hindi katulad dati na pagkatapos kong panoorin yung Maalaala Mo Kaya at tumingin ako sa salamin ay bigla nalang akong matatawa dahil sa itsura ko.

Hindi ko talaga kinaya, isa sa mga pinaka nakakaiyak na napanood ko sa MMK. Sobrang lungkot talaga. At ang hindi ko maintindihan kung bakit nung naririnig ko pa lang yung storya sa patalastas, nalulungkot na ko. Nung nagumpisa na yung palabas at wala pang nakakaiyak, gusto ng tumulo ng luha ko. KAKAIBA!!!

For Girls Only. Nalulungkot ka ba kapag nakakakita ka ng lalaking umiiyak? Ako, sobra. (Sinagot ko siya kahot walang nagtatanong. :P) Lalo na kapag tatay ang role nung lalaki, o kaya lover. :(( ilang beses umiyak si Joross. Ang lungkot talaga. Ang masaklap pa, siya ang namatay. Ang (pangalawang) masaklap ay hindi man lamang nakapag I LOVE YOU TOO o MAHAL DIN KITA si Roxanne kay Joross. Nung binabasa ni Roxanne yung letter ni Joross, dun nagstart ang hagulgol ko. Parang gustong lumabas nung puso ko sa dibdib ko sa sobrang kabog nya. Hindi talaga ako makahinga. Nakakatawa yung itsura ko dahil hindi ko sya mapigilan. At hanggang ngayon kapag naaalala ko yung storya, nalulungkot parin ako. Kaya ngayon, medyo malungkot ako. :(


Haaaaaaaaayyyyyyyyyyyy.


BUKAS ay PHOEBE DAY!!!! Gagawa kami ng report para sa El Fili. Ayos, parehas nanaman kami ng report nila Phoebe.:)

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home