<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/12329769?origin\x3dhttp://tutsangkulot.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Sunday, January 15, 2006

Practice na nauwi sa tugtugan. Uwian na na uwi (?) sa childrens party at antok na nauwi sa pagtawa, pagsigaw at pagdaldal.:D

Kahapon ay napakasayng araw. Umalis ako ng bahay bago mag 11. As usual late nanaman ako. Lagi akong late. Masyado akong naglalamira sa harap ng salamin kaya hindi ko napapansin ang oras. Pagdating ko sa McDo muntikan na kong buhusan ng sundae ng mga kasama ko, kaya lang naisip nila na sayang at sa buhok ko lang mapupunta. Pero syempre joke lang yan kasi labs ako ng mga yun. Umalis na kami at pumunta kanila Fibs. Una pinapanood namin ang video ng Thriller ni MJ. Tapos sinayaw nanamin sya, ayy hindi pala ako kasama kasi busy ako kakakuha ng pictures nila. Ang lunch namin McDo nanaman, at pagtapos nito lahat kami tinamad na. Wala naman kaming masyadong nabuo *ayy sya sa thursday na yan*. Nauwi ang lahat sa tugtugan. Pwede na ngang studio bahay nila. Ang ganda ng tunog, ang galing galing. Band in the making, we are The Crablets, btw. Hahahahaha.

At sa sobrang yaman ng kaibigan kong to, tig-isa sila ng pc ng kapatid nya kaya naman kinuha na namin ang oppurtunity na magDotA. Kampi kami ni besprin at wala ata kaming kalaban na hero. Hahahaha, nakakatawa. Dots, pagtatawanan lang kita ha? Napatay ng scourge. Nyhahahahaha. Okay tama na, ang yabang ko na.

Umalis na kami dahil sabi ng tatay ng may ari ng bahay ang kapal na ng mukha namin at magsi-alis na daw kami. Pero joke lang ulit yan. Kaya dumiretso kami sa bayan at nagpaalam si besprin na makiki [childrens] party kami sa kapatid nya. ANG SARAP NG CALDERETA. Ahay, nagugutom nanaman ako. Brown out dun kaya naman nakaupo lang kami. Tinawagan ako bigla ng nanay ko at pinapawi na. Nangpaalis na kami biglang syang nagtext:

"Asa court na kami, sarado ang bahay".

Una nawindang ako, eventually nagets ko din. Binulong sakin ng konsensya ko na fiesta nga pala bukas at may kontes ngayong gabi. Syempre medyo natuwa ako kahit inaantok na ko dahil makikita ko nanaman ang aking tatlong gelprens na labs na labs at miss na miss ko na talaga. Kumpleto nanaman kami.:D Nung pagdating ko may kumakanta, ANSARAP BATUHIN NG OKRA!!! Ang tigas ng mukha para sumali sa singing kontes. Actuali isa lang ang nagustuhan kong boses, yung kay Ate Helen, yung nakikisali sa laro namin dati. Hehehe. May mga nagsayaw rin. Isa yung TYPICAL Contest tuwing fiesta.


P100. Gaano pa ba kalaki yan ngayon? Malaki parin. Nung umaga, pagbunot ko ng shorts ko nakakuha ako ng isang daan sa bulsa aba syempre natuwa ako dahil alam kong paubos na internet card ko. Nung nanonood na kami ng kontes, nakita namin yung EX CRUSH nila-slash-Ex kalaro namin:

Jeni: Uyy tignan nyo, pustahan hindi si Paolo yan.
Ako: *sabay sabay kaming tatlong tumingin dun sa lalaki* SYA YAN!
Jeni: Hindi sya yan. Ano pustahan, tatlong daan.
Ako: Call.
Liway: Si Paolo yan.
Ana: Oo nga, si Paolo yan.
Jeni: Hindi nga. Pustahan ha?
Ako: Sige pustahan tayo.

Mga 38 minutes din kaming ganyan. Tinanong naming yung isa pa naming kaibigan. Hindi daw talaga si Paolo yun. Pero ako pinaninindigan ko na sya yun. Tinanong din namin yung isa naming kaibigan na si Gelo na crush na crush ko talaga. Nilapitan nya at sobrang titig ang ginawa nya tapos sabay tabi dun sa Paolo na pinagpupustahan namin at sabay dura sa gilid. Hindi daw talaga. Hindi parin ako kumbinsido. Kaya nilapitan na nila.

Gelo: *makikipag Apir* Uyy Paolo.
Paolo: *windang*
Gelo: Hindi ba ikaw si Paolo?
Paolo: Hindi. Allan.
*sabay alis ni Gelo at ng klasmey nya*

Wahahahahaha. TALO AKO NG ISANG DAAN. At syempre pinaninindigan ko ang pakikipagpustahan ko kaya binayaran ko muna sya ng P20 as down payment. Joke lang ulit. Binayran ko sya ng isang daan. Gagong yun, nakahuthot ng tatlong daan samin.

Kaya pala nakita ko yung isang daan na yun sa bulsa ko, mapupunta pala yun sa kaibigan ko. Tsk. Pero hindi ko pinagsisisihan ang lahat. Para kasing naging entrance fee ko yun para sa kasihayan ko noong araw na yun.. Kaya its all worth it.:D

48 Comments:

At January 15, 2006 5:02 PM , Anonymous Anonymous said...

Ano ba yung dota (DotA ba yun?)? *ignorant look*

Hmmm sayang nawala pa sayo yung P100 pero at least masaya ka naman... "Sa pagkain sana, nabusog pa... ikaw." (?)

 
At January 15, 2006 5:10 PM , Blogger yayam said...

yan kasi...nagpustahan... hehehhe.. ;p sana pinangkain mo na yun! ;p

 
At January 15, 2006 5:42 PM , Blogger Aia said...

paoe: ahahahha. masyaa naman ako e. kaya ayos lang.:D

 
At January 15, 2006 5:44 PM , Blogger Aia said...

yayam: aahahahah. ayos lang. masaya naman ako. teka parang parehas lang yung sinabi ko ha.

basta masya. walang kahit isang katiting na pagsisisi sa katawan ko.:D

 
At January 15, 2006 6:20 PM , Anonymous Anonymous said...

ang tagal ko ng nde nakapunta dito ah.. hehe! sobrang namiss ko tuloy ang net. anyways, just droppin by aia! ingat nalang.. ^_^

 
At January 15, 2006 7:54 PM , Blogger Aia said...

sandra: masyado ka kasing busy sa skul. tsk tsk. update ka na.:P

 
At January 15, 2006 9:59 PM , Blogger Aia said...

moey: ayy saya, di nagbabasa. hahahahha. SOBRANG WALA TALAGA KAHIT ANONG REGRET SA KATAWAN KO. as in wala talaga. masaya naman ako nung angpupustahan kami e. di talaga sya sayang.:D

 
At January 16, 2006 7:04 AM , Anonymous Anonymous said...

nakuuuu u play dota? lamo bang sinusumpa ko na yang mga computer games na yan? especially ragnarok! woohooo. mga hayuf! McD? shet. fattening yan!=/ ahaha.

laughtrip ka ha. 38 mins. talagang may butal pa e no? lol

 
At January 16, 2006 7:21 PM , Anonymous Anonymous said...

I've heard about DotA, but I still have no idea about it. ^^ Online game? Oh yeah, my friends and I also meets at mcdo everytime we have gimik or something. :) Lols!

 
At January 16, 2006 9:27 PM , Blogger yhum said...

hoi! ok lang na na dedz aq! di q nmn gs2 ung gmit q e! may bgo na aq gs2! hehe.. pkita q sau pag nag laro nga tau!

jr: hi! wla pa aq mkita sa DOTA na gs2 ko gmitin!

gie:hi! DOTA!

 
At January 16, 2006 9:56 PM , Anonymous Anonymous said...

What is DotA? (English yan... inabot ako ng 3 hours mabuo lang ang tanong na yan hahaha)

Well your happiness is the most importantest of allness nga naman. (?!?!?!)

 
At January 16, 2006 10:39 PM , Blogger Aia said...

BesyJeGie: ahahahah. adik kayo. si balanar. yan lang yung second kong alam e. hehhehehe.

 
At January 16, 2006 10:41 PM , Blogger Aia said...

paoe: di mo alam yun? ayy nako,kasi lahat ng oras mo asa harap ka ng mga pasynete.:p joke.

game. lan, pede ding net. heheheh. basta. warcraft [frozen throne] yan. heheheh.

tama, that is the most importantest.:D

 
At January 17, 2006 7:06 PM , Blogger Euro_Fritz said...

SAyang P100 mo kung sa pagkain sana, or kung akin nalang... nasayahan ka pa...

 
At January 17, 2006 8:04 PM , Blogger Aia said...

jopoy: di sya sayang.:)

 
At January 17, 2006 8:45 PM , Anonymous Anonymous said...

Ahhh Warcraft... Hindi kasi ako mahilig sa mga computer games e hehehe... Pero may kinalaman sa mga ganyan ang ginagawa naming thesis ngayon haha...

Hmm... sa duty nga namin hindi ako laging nasa tabi ng pasyente dahil sa sobrang dami ng mga pinapagawa sa amin na paper work (?) at kung anu-ano pa... Tapos magrereklamo yung mga clinical instructors bakit daw hindi namin inaasikaso yung mga pasyente namin... Labo nila. Hahaha =)

 
At January 17, 2006 10:07 PM , Blogger Aia said...

paoe: about sa warcraft, panong related??

talaga, talo pa ata kita. hahahahahah.

 
At January 18, 2006 9:58 PM , Anonymous Anonymous said...

Related sa computer games yung thesis namin, at most probably madadamay (?) ang Warcraft na yan dun. Hehehe...

Talo..? Huh?

 
At January 19, 2006 5:57 PM , Blogger Aia said...

paoe: ahh talaga. astig. dapat matuto ka. masaya yun sobra! hehe.

talo pa kita kasi ako nakakahandle dati ng pasyente pero hindi yung sobrang pang nurse na talaga. hahahah.

 
At January 19, 2006 7:45 PM , Anonymous Anonymous said...

Hindi masaya maging nurse na may clinical instructor ka na uulanin ka ng mga requirements at activities na kung anu-ano, kaya may mga oras talaga na napapabayaan yung pasyente hehe. Pero sige na nga, talo na ako sayo. Hahaha.. =)

Warcraft... Wala ako niyan e. Kaya di rin ako matututo. Haha =)

 
At January 19, 2006 10:41 PM , Blogger Aia said...

paoe: hindi nga naman masaya yun.:p hahahaha.

ngak, pc shop. di rin naman masaya kung mag dodota ka mag isa. mas masaya kung lan ka. hehehe.

 
At January 20, 2006 4:22 PM , Blogger babaeng pusit-saging said...

wahaha...wawa si aia...hehe..grabe naman...nangyari na rin yan sa akin..ako mismo ung nakipagkwentuhan..aba ang dami ko na nasabi, di pala sya un..nyahaha..asteeg pangalan ng banda ah...kakagutom..(pagkain ba yan?) =P misyah aia...=)

 
At January 20, 2006 10:18 PM , Blogger Aia said...

johanna: medyo hindi ko nagets?? hmmmm. hahahahah.


wahahaha, nagugutom nga din ako e.:P

 
At January 20, 2006 10:43 PM , Anonymous Anonymous said...

Pero wala rin akong pera pang-computer shop... Ang pera ko ay nakalaan lang para sa mga daily expenses tulad ng pagkain at pamasahe (massage fee). Hahaha =)

At baka pag naglaro ako nun, hindi ko masulit yung ibinayad ko kasi di ako marunong (?) at baka di ako matuto hehehe...

 
At January 20, 2006 10:56 PM , Blogger Aia said...

paoe: himala, paoe ang gamit mo. ahahaha.:D

hmmm. di rin. masusulit mo. yun nga lang, kapag naadik ka. wahahaha

 
At January 21, 2006 3:00 PM , Blogger fivestarmaria said...

tsk tsk tsk. pustahan pa kasi. buti ngat nadale. wahahaha.:D

 
At January 21, 2006 3:18 PM , Anonymous Anonymous said...

I have legally changed my name to Paoe (dyok.. haha)

Kailangan pa maging adik ako? E adik na ako ah... (?) Hehehe...

 
At January 21, 2006 4:11 PM , Blogger Aia said...

aunj: uyy. masaya kaya ako nun. im with my 3 gelprens.:D kaya worth it talaga.:D

 
At January 21, 2006 4:12 PM , Blogger Aia said...

paoe: uyy, paoe na sya. hindi na keo. wahahahahhaa.:P

ayy oo nga no. sabi ko nga!!

 
At January 21, 2006 5:04 PM , Anonymous Anonymous said...

weeee, alam ko yung dota na yan!! hehehe..

sayang 100.. pinustah kasi.. tsk tsk.. hehehe... :P

 
At January 21, 2006 6:13 PM , Blogger Aia said...

johnalynne: astig. dota ka din? ayos.

di talaga sya sayang swear.:D

 
At January 22, 2006 3:36 PM , Anonymous Anonymous said...

Oo Paoe na ang aking legal name (?)... Hassle nga ang pagpapabago ng pangalan e... Lahat ng legal documents kailangan asikasuhin pa (?)

 
At January 22, 2006 4:39 PM , Blogger Aia said...

paoe: hindi lang yun. sanay pa ang ibang tao na yun ang tawag sayo.

 
At January 23, 2006 12:02 AM , Anonymous Anonymous said...

Kaya ipapabago ko ulit pangalan ko, gagawin kong "Kyopaw"... Pag-iisipan ko pa ang spelling. (?)

 
At January 23, 2006 7:32 PM , Blogger Aia said...

paoe: another case nanaman yan. aba mayaman ka. wahahhahaa.

 
At January 23, 2006 9:09 PM , Anonymous Anonymous said...

Hindi ako mayaman... Rich lang. Hahaha (?)

 
At January 25, 2006 6:08 PM , Blogger Aia said...

paoe: fine, rich ka.:P

 
At January 25, 2006 9:15 PM , Anonymous Anonymous said...

Oo rich nga ako. Hahaha... Rich nga ako pero... ok ka ba tiyan?

 
At January 26, 2006 5:55 PM , Blogger Aia said...

paoe: oo nga. rich ka na. hahahahahahahhahaha..

hindi nga. ansakit ng tagiliran ng tiyan ko. nu ba ibig sabihin nun???

 
At January 27, 2006 1:36 AM , Anonymous Anonymous said...

Masakit ang tagiliran ng tiyan mo? Maraming pwedeng dahilan yan. Pwedeng may acute appendicitis, pwedeng may liver cirrhosis, pwedeng may bowel obstruction, kidney problems, strained muscle, etc.

Isa lang solusyon diyan para hindi na sumakit yan: TANGGALIN ang tiyan. Hahaha =)

 
At January 28, 2006 10:32 AM , Blogger Aia said...

paoe: WOAH!!! pero sa tingin ko sa kidney sya. kasi nung bata ako nagkasakit na ko dun. wahaahah.

oo nga, tanggalin na ng wala ng problema. hahahaha.

 
At January 29, 2006 5:24 PM , Anonymous Anonymous said...

Yun ang ina-advice ko sa lahat ng nagrereklamong may masakit sa kanila: Ang tanggalin ang masakit na bahagi (yeah bahagi) ng katawan. Tulad ng pag sinabi nilang, "Masakit ang ulo ko...". Papayuhan ko agad sila na "Tanggalin na yan para hindi na sumakit!" Hahaha =)

Kaya kung sa kidney masakit... Kailangan na ng "nephrectomy". =)

 
At January 29, 2006 6:10 PM , Blogger Aia said...

paoe: adik ka. ahhahahahaha!

nephrectomy? wag mo ko kausapin gamit ang medical terms, di pa ko nurse. JOKE. ahahhaaha.

 
At January 30, 2006 9:23 PM , Anonymous Anonymous said...

Oo adik ako... Adik sa kaalaman (nerd?! joke lang... haha)...

Nephrectomy = removal of the kidneys (part or buong kidney)

Nephro = pertaining to kidney
ectomy = removal

*pa-double check baka mali... hehe... pero pag nasa college ka na, ipakita mo sa kanila na alam mo kung ano ang "nephrectomy"* =)

 
At January 31, 2006 4:17 PM , Blogger Aia said...

paoe: ayos yun ha. hayaan mo, ipapamalas ko sa kanila ang kaalaman ko kapag asa kolehiyo na ko.:P

 
At January 31, 2006 5:21 PM , Anonymous Anonymous said...

Galingan mo pag ikaw ay nasa kolehiyo na. Gusto ko maging tulad mo ako: future board topnotcher. Hahaha =)

 
At February 03, 2006 6:33 PM , Blogger Aia said...

paoe: future ba??? kala ko ba lagapak ka. ahhahahha. yaan mo. uunti unti ko. una deans lister... tapos board topnatcher. ayop! hahaha.

 
At February 05, 2006 7:12 PM , Anonymous Anonymous said...

Lagpak ngayon, pero in the end, ako ay magwawagi... At walang makakahila sa akin pababa. Kundi ang gravity. (nyak)

Gusto ko maging tulad mo ko na future board topnotcher. Sa listahan ng mga pumasa, sa atin yung pinakamalaki. Ayos yun! Hahaha =)

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home