<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d12329769\x26blogName\x3dTutsang+Kulot\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://tutsangkulot.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_PH\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://tutsangkulot.blogspot.com/\x26vt\x3d2595693058098382631', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

Wednesday, February 15, 2006

Serbey, serbey: Masaya ka ba na nung balentayms mo o hindi?

Ako, ayos lang. Isang ordinaryong araw. Tama Myke, mag isip ka ng mas maganda iselebreyt sa araw na to, para yun na rin ang iseselebreyt ko. :D

Kahapon, nakita ko kung gaano kaganda at kahaba, ka-shiny at ka-straight ang buhok nung mga babae na hindi naman ako nagagandahan. Kahapon nakita ko rin kung gaano ako kapangit. NO JOKE TO, maniwala ka dahil minsan ko lang sabihan ang sarili ko ng pangit. Anchaka chaka ko talaga kahapon!

Kahapon pa, naglalakad kami sa bayan. Kasama ko yung mga kaibigan ko. Yung isa kong kasama beauty queen ang dating. Katabi ko sya habang naglalakad, nagmukha akong PC at PA-slash-P-slash-atbp, Personal Chimi-a-a at Personal tiga gawa ng Assignments-Projects-atbp. Hindi naman sa ginawa nya nga akong utusan nung araw na yun, anchaka ko lang talaga, dinagdag pa sa physical appearance ko yung oh-so-extravagant-but-very-nerdy glasses ko at ang pagkadumi dumi kong bag pack na katerno pa sa kulay ng uniform namin. Baduy diba?

Pare, ANG GANDA MO TALAGA KAHAPON!!! I lab yu. :* At salamat sa pagshare ng cake. Hahaha.


Kahapon din, nakita ko ang importansya ng bulaklak, chocolates, cakes, candies, teddy bears at kung ano ano pang nakabalot sa pulang box at gold na ribbon o kaya naman sa paper bag ng blue magic. Sarap ng feeling no? Sayang hindi ko naramdaman!

54 Comments:

At February 15, 2006 4:53 PM , Blogger babaeng pusit-saging said...

wahaha. pareho tayo, di ko rin naramdaman..haayy, bayaan mo next balentayms mararamdaman na natin...isang ordinaryong araw din kasi ung akin, tas nagLLQ pa ung mga klasmeyts ko na may boypren..nyak..balentayms nga naman..

waah, di ko naimagine na napapangitan ka sa sarili mo..maganda ka!!!...totoo yan..ahaha...=P

 
At February 15, 2006 7:55 PM , Blogger yayam said...

di ka nag-iisa aia..di ko rin naramdaman. pero ansarap pa rin maging single noh! ;)

aia, maganda ka noh. sexy pa. trust us. ;)

 
At February 15, 2006 8:12 PM , Anonymous Anonymous said...

Mabuhay ang mga single, ang mga nag-iisa, ang mga loner! (?)

Maganda ka kahit ano pang mangyari (?) Kung makikita ka ni Ricky Reyes sasabihin niya sayo, "Gon-daaahhh!!!"

 
At February 15, 2006 8:33 PM , Blogger Aia said...

johanna: pero ayos lang. di ko malaman kung ito ang dahilan kung bakit ayoko ng balentayms. ngayon ko lnag to hindi nagustuhan e. dati lagi ako kinikilig. ngayon ala ng spark.

 
At February 15, 2006 8:33 PM , Blogger Aia said...

yayam: ahay na ko, kung alam mo lang. (basahin mo reply ko kay paoe)

SALAMAT. :D

 
At February 15, 2006 8:35 PM , Blogger Aia said...

paoe: ito ang masakit e. IM NOT SINGLE!!! taken na kayo ako for almost seventeen months. (kita mo yayam)

bakit ganun...

yak drama itech.

at ang sasabihin ko kay Ricky Reyes ay... Wala lang. Wala ako maisip e. hahaha.

 
At February 16, 2006 1:06 AM , Anonymous Anonymous said...

Hmm... Taken ka pero ordinary day lang ang ika-labing-apat ng Pebrero?

Ganern? (nyak "ganern")

Lagyan ng ispisiya (spice) ang buhay... =)

Pero teka... specifically, what seems to be the problem ba..?

 
At February 16, 2006 2:10 AM , Anonymous Anonymous said...

aia? kelan ka pa naging panget hah? hahaha. kng panget ka, sa tingin mo bah pagaaksayahan ko ng oras para lamang masilayan ang iyong mga litrato sa KAIBIGANster? hehehe. dbah..?

so ayon, tungkol nman sa araw ng puso, wala din akong masabi,nagdate kami ng aking term paper magdamag. masayahin nman sya kasama. kakatuwa. ambait pa. hahaha.

o sya, sya, tama na ito. nababaliw na ako. matagal-tagal na rin kasi akong di nakadaan sa iyong munting paraiso.
paki palitan na po pala ang aking yoo-ar-el, http://mart.is-explicit.net
salamat lakambini!

 
At February 16, 2006 7:32 AM , Anonymous Anonymous said...

ay nako. ako naman kiligs na kiligs nung valentines ! kaloka ! LOl ampraning ng site ko. 3 days na atang down eh

 
At February 16, 2006 6:10 PM , Blogger Aia said...

Paoe: oo yun nga e. GANDA DIBA!!! espesyal sa mga kopols yun tapos ayun. anchaka.

ummmmmmmmm.. di ko alam. walang spark?? (?)

 
At February 16, 2006 6:13 PM , Blogger Aia said...

marty: pero anchaka ko talaga nung 214. (pebrero portin). alam mo yun, anchaka talaga! basta chaka talaga. :|

nagdate din kami nung ng term paper. wahahhahaha. wala tayong mga sosyal life, YAK! JOKE. hahaha.

sige. papalitan ko na.:D

 
At February 16, 2006 6:15 PM , Blogger Aia said...

gee: HAY NAKO SINABI MO PA!!! GRABE, hindi ako makapunta sa site mo. kainis! nu ba problema dyan?


WAAAAAA. ako hindi talaga. Nako buti ka pa. ang papalicious pa ng boyplen mo. >:( kadepres tuloy.

 
At February 16, 2006 7:20 PM , Blogger Aia said...

bian: malamig ang balentayms natin. ito talaga si balen, artista. may sarili syang oras. EKEKEK! whahaha.

 
At February 16, 2006 7:43 PM , Blogger yhum said...

anu vez! panget ka na nun??? asa!! di rin no!

nlulungkot din aq! well hindi ng 14, ngaun.. waaaaaaaaaaaaaaa namromroblema aq.. sa tingin mo? honor roll o si migz???

 
At February 16, 2006 10:22 PM , Anonymous Anonymous said...

hahahaha. sus! ikw chaka? ang pinaka-pangit mo na atang itsura eh yng display picture mo. sa lagay na yan, ang panget-panget mo na tlga. yakkkkk. hehehehehe.

cge, napatae lng ulet ako eh. aun, ikw di ka tumae sa blog ko. hahahahah. ampanget ng term. hehehe.

aun lng, salamat sa pagchange.

 
At February 16, 2006 10:42 PM , Anonymous Anonymous said...

aia, ano nga pala ang iyong ym? nais ko lng malaman upang ikaw ay aking mai-add.
cge, aun lng.

 
At February 16, 2006 11:39 PM , Anonymous Anonymous said...

Walang spark...? Siguro kayo ay nasa isang "plateau" stage kung saan ang lahat ay parang stagnant, na parang walang rise at walang fall. Palagay ko natural lang yang phase na yan... Pero malalampasan niyo rin yan. Hindi ko alam kung ano ang dapat niyong gawin para magkaroon ng spark, pero may paraan dun siyempre... =)

Wala naman ba kayong problema or anytihng?

 
At February 17, 2006 4:30 PM , Anonymous Anonymous said...

aw ako hindi happee nun balentyns ahuhuhuhuh

 
At February 18, 2006 1:50 PM , Blogger Maelou said...

haha...valentines.. yung friend ko nge eh, sinurprise nung suitor nya... chocolates and flowers! grabe!

so yun...nkikijoin n lng!hahaha... okei lng yan aia! parepareho tayo!

 
At February 18, 2006 2:23 PM , Blogger fivestarmaria said...

aia, nahawa ka na sakin??? wagg. hahah.:D bumubuti na lagay ko. hahaha.:D dika pangit ano ka ba . ssssssssssssh.:D

 
At February 18, 2006 2:26 PM , Blogger fivestarmaria said...

akin vday ko e normal lang din. if not for mm, i would not have received any rose.:)) haha.:) nevertheless, masaya parin. kahiyt nabadtrip ako nung araw na un. hehe.:D

 
At February 18, 2006 5:14 PM , Anonymous Anonymous said...

alam ko na!

vanity day.
v pa rin naman a.

araw yan ng mga magaganda at gwapo sa mundo na matataas ang standards kaya single pa rin.

tatalunin natin ang lovapalooza...
love-us-palooza.

lol. gutom ako e, walang merienda pagkatapos ng siesta. ^_^

 
At February 18, 2006 7:26 PM , Anonymous Anonymous said...

ako kahit papano masaya valentines kahit walang kadate. hehe.. basta with my family, oki na ko. hehe.. pero kakamiss din syempre may kasamang special someone. pero ok lang un bata pa tayo, lalo ka na. haha.. parang tatay no? tagasan ka ba? gusto mo ba talaga ulit mafeel ang mabigyan ng flowers and stuffs? ako nalang bibigay sayo! hahahah! joke!

 
At February 19, 2006 3:25 PM , Blogger Aia said...

yhum: besy. saya sa camp no? kurakot lang. alam mo na yung sagot sa tanong mo, tinanong mo na kay idol e. heheh.

 
At February 19, 2006 3:27 PM , Blogger Aia said...

marty: waaaa. di ako nakatae, sobrang nagmamadali na kasi ako nun. next time, dadaan ako run para makitae. (YAK) hahahahah.

 
At February 19, 2006 3:29 PM , Blogger Aia said...

paoe: okay na kami paoe...:D hehehhe. wala lang. nagbati na kami nung asa beach kami. yikeee.:P

baka nga ganun lang talaga yun. dumadaan sa ganun.

 
At February 19, 2006 3:31 PM , Blogger Aia said...

ayeka: di ka rin happy? bakit?

bumawi yung gago kong boyplen. kaya happy na ko.:D

 
At February 19, 2006 3:33 PM , Blogger Aia said...

stefhamae: kilig talaga kapag ligawan pa lang.:D hehehe.

 
At February 19, 2006 3:39 PM , Blogger Aia said...

aunj: nako, nahawa na talaga. hahahhaha.

waw. sweet naman ni mm. heheheh.:D

bakit ka nabadtrip? hmmmm.

 
At February 19, 2006 3:43 PM , Blogger Aia said...

myke: TAMA!!! TAMA!!! bagay na bagay satin yun. hahahah.:P

 
At February 19, 2006 3:45 PM , Blogger Aia said...

shardon: nagkaron pa ko ng tatay bigla. hahahahahhaha!

 
At February 19, 2006 3:47 PM , Blogger Aia said...

am: donya perpatua??

 
At February 21, 2006 10:32 PM , Anonymous Anonymous said...

Oh well (English yun ah! haha), mabuti't naayos din ang lahat. At masaya na ulit kayo. =)

Tagal mo nawala sa sirkulasyon ah. Hehehe...

 
At February 22, 2006 5:53 PM , Blogger Aia said...

paoe: mabuti talaga.:) sobrang saya. ikee.:D

matagal ba?

 
At February 22, 2006 9:51 PM , Anonymous Anonymous said...

I hope lagi kayong ok para... lagi kayong ok. (yeah!)

Medyo matagal kang nawala sa sirkulasyon.. Medyo lang naman. Kasi lately ay di ka nakakasagot sa mga "comments" na minsan hindi naman talaga comment at hindi ka nakakapag-update lately. Yeah, "lately". Naging gasgas tuloy yung "lately". Hahaha =)

 
At February 22, 2006 10:43 PM , Blogger Aia said...

paoe: lately??? ayan nag update na ko. comment ba to? chat na to e. wahhahahah. kulit! nako, dahil sayo nagmumukhang sikat ako. mukhang marami ang commentators. SAYA!:) hahahha.

 
At February 23, 2006 9:04 AM , Anonymous Anonymous said...

Haha... Ok di ba? Umaabot ng 40+ ang mga "comments". =)

Sa blog ko kakaunti lang nagko-comment... Pakiramdam ko tuloy kakaunti lang ang nagmamahal sa akin *hikbi* (ngek! haha) =)

 
At February 23, 2006 7:56 PM , Blogger Aia said...

paoe: oo nga e. astig ka, pinaabot mo ng 40!

ngak, kapag nagko-comment ako sayo hindi ka nagrereply. baliw ka ba?

 
At February 23, 2006 11:34 PM , Anonymous Anonymous said...

Baliw ako... Well muntik nang maging baliw (this is a true story)... Nung mga January muntik na talaga. UNFORTUNATELY hindi natuloy. Haha "unfortunately" pa talaga... =)

Pag nag-comment ka sa blog ko, dito sa blog mo ako nagrereply e. Hehehe...

 
At February 24, 2006 6:58 PM , Blogger Aia said...

paoe: weh? joking ka nanaman e? anong nangyari? wag mong sabihin nag drugs ka?

oo nga, dito ka nga nagrereply, mukhang ewan.

 
At February 25, 2006 2:15 AM , Anonymous Anonymous said...

Dito ako nagrereply para dumami lalo ang "comments" dito. Ok di ba? Hehehe =)

Yung muntik na akong mabaliw, dahil yun sa sobrang pressure, sobrang gulo ng buhay, at kung anu-ano pa nung may nagawa akong mali sa aking hospital duty nung January. Sa loob ng 3 araw hindi ako mapakali nun, maraming tumatakbo sa loob ng utak ko. Pero nakaraos din naman. =)

 
At February 25, 2006 11:57 AM , Blogger Aia said...

paoe: oo sabagay ayos na din yun. pero dapat dun ka nalang nagrereply sa blog mo, para masaya! hahahaha.

WEH??? sobrang stress ka lang nun. anxiety.... and faithless youll be. hahahahaha.

 
At February 25, 2006 11:34 PM , Anonymous Anonymous said...

Sige pag nag-comment ka sa blog ko, dun na ako magrereply. At magrereply din dito pamparami (?) Hahaha...

Bukod pa yung stress nun, kasi ang nangyari, nag-iingat na ako nung time na yun dahil medyo nasa "watch list" ako (salamat sa clinical instructor ko dati na galit sa akin sa kadahilanang di ko alam)... At kung kelan nag-iingat ako saka pa ako nagkamali. Nabalewala ang pag-iingat ko. At naisipan ko pang itigil na ang nursing.

 
At February 26, 2006 9:35 PM , Blogger Aia said...

paoe: hayaan mo simula sa march 2, sisimulan ko ng makipagchat sayo sa blog mo.

grabeng dagok sa buhay pala ang pinagdaanan mo. buti at tinuloy mo pa ang nursing. (may matatakbuhan ako pag may problema ako sa pagaaral sa kolehiyo. woohoo) hahahah.

 
At March 02, 2006 4:51 PM , Anonymous Anonymous said...

March 2... ang tapos ng inyong exams? (Tama ba?)

Yeah. Pag may problema ka o kahit wala, sabihin mo lang. Pwedeng sa Friendster, sa e-mail, sa blog, sa snail mail, o kahit sa eroplanong papel. NGEEEE!!!

Oo malaking dagok nga hehe... At hindi ko pa nababayaran (literal) ang aking pagkakamali. May bayad kasi makeup duty, P320 sa amin bawat araw. E 5 araw yun. So P1,600 lahat. Tsk.

Ganito ang magandang gawin pagpasok mo ng kolehiyo... Kung may kilala ka na sa mga upper/higher/older (?) years, magtanung-tanong ka na kung ano na mga nangyayari sa buhay nila. Para hindi ka matulad sa akin na parang na-culture shock (?) pagdating ng 3rd year. Hahaha =)

 
At March 02, 2006 8:59 PM , Blogger Aia said...

paoe: nax!!! hahahaha. :D

bakit may bayad? sobra naman yun. anlaki. mamumulubi ata ako sa ganyan e. hahahaha.

hmmmm. yung klasmeyt ko may kilala na higher batch sa uerm, buti nalang. ahahha. ayos!

 
At March 03, 2006 7:51 PM , Anonymous Anonymous said...

Ang mga madalas magkaroon ng makeup duty ay yung mga nale-late at mga umaabsent sa duty... Pero ako walang late o absent... Nakuha ko ang lahat ng yan sa isang iglap lang... (argh) Paalam P1,600. (kung ire-rephrase yan (kahit na hindi naman yan phrase), "Paalam barya." hehehe)

Yeah may koneksyon ka na hehe... Hingi ka agad ng tips at kung anu-ano pa. At ito pa ang mahalaga para sa survival sa college: MANGHIRAM NG NOTES NG IBA. Hehehe. =)

 
At March 04, 2006 12:44 AM , Blogger Aia said...

paoe: huwat??? hindi ko naget kung pano ka nagkaroon ng instant make up classes? weirdo.


iba ka talag amag advice. hahahaha.

 
At March 04, 2006 9:22 PM , Anonymous Anonymous said...

Kaya karamihan sa amin ay nakaka-survive dahil sa panghihiram ng notes hehe... Although dati galit na galit mga professors namin kasi may lecture na daw kami. Argh. Parang ansamang gumawa ng paraan para pumasa.

Sa amin ganito ang sistema:
1 absence = 3 makeup duty days
1 late = 1 makeup duty day
1 katangahan sa duty = maximum of 5 days duty
1 major katangahan sa duty = suspension or expulsion

E sinagad nila sa kaso ko yung maximum 5 days... =(

 
At March 06, 2006 3:45 PM , Blogger Aia said...

paoe: sinasabi lang siguro ng prof nyo maging responsible kayo. hahahaha.

anlupit naman yan! ano bang ginawa mo an nagkaroon ka ng 5 days make up duty?

 
At March 07, 2006 1:17 AM , Anonymous Anonymous said...

Sasabihin pa nila "ninakaw" daw yung notes... Parang plagiarism... Pero wala naman silang copyright. At ang mga lecture nila, based din sa mga libro, kaya hindi rin yun kanila. Hehehe...

Ano ginawa ko? Hmmm... Dahil sa "lapse of judgment" (?), nagkamali ako ng bigay ng isang gamot. Sa sobrang dami ba naman ng gamot na binibigay at sa sobrang dami ng alalahanin... Argh... Puyat pa ako ng araw na yun... Kaya ayun... Mangiyak-ngiyak nga ako nun e (?)

 
At March 07, 2006 7:12 PM , Blogger Aia said...

paoe: plagiarism na yun? nyahhahahahaha. natawa ako dun! tama! ipa-copyright muna. :P

HUWATTTT???? anong nangyari sa pasyente mo? e baliw ka pala. isang malaking kaboplax-an nga.

 
At March 08, 2006 9:31 PM , Anonymous Anonymous said...

Walang nangyaring masama sa pasyente, fortunately. At dahil ata dun sa nabigay kong gamot, gumaling siya agad. Noong sumunod na week nakita ko na siyang naglalakad, e nung bago mabigay yung gamot, nakaratay lang siya. Hehehe...

So ayun... bawal magpuyat pag duty. Pero puyat ako kanina. Argh.

Plagiarism daw. E di naman namin inaaangkin na amin yung lecture nila. At yung lecture nila, hindi naman kanila talaga yun. Hehehe..

 
At March 10, 2006 12:03 PM , Blogger Aia said...

paoe: edi ibig sabihin mas tama pa yung gamot na binigay mo?

baka naman medyo taliwas sa pagkakainitindi ng prof mo sa totoong meaning ng plagiarism. hahahah.

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home