<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/12329769?origin\x3dhttp://tutsangkulot.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Monday, October 30, 2006

Laro daw tayo sabi ni Clara and Johanna.

List down nine weird things about one's self:
1. Naked ang selpown ko. Wala syang front casing.
2. Mas takot ako sa bulate kesa sa ahas.
3. Takot ako sa mariposa. hindi paru-paro ang tagalog ng butterfly!
4. Takot ako dun sa batang babaeng nagbebenta ng rosaryo sa tapat ng McDo Antipolo na hinabol ako once. Aktwali, takot ako sa kahit sinong streetchildren na namamalimos.
5. Hindi equally distributed sa katawan ko ang mga pagkaing nilalamon ko. tiyan ko lang ang lumalaki e.
6. Defense mechanism ko ang pananakot kapag takot ako.
7. Nasasarapan ako kapag ini-injection ako, o kaya kapag kinukuhaan ng dugo gamit yung malabolpen na pag tusok. Masokista sa karayum!
8. Never pa kong dinisminoriya.
9. Naging hobby ko na ang pag gupit ng kuko. Pudpod lagi. Laging nagdudugo kapag may nail cutting session ako.

Mag tag daw ako ng siyam na tao pero wag na! Kunin nyo nalang kung gusto nyo.


Missing tumtums.. *sigh*

7 Comments:

At October 30, 2006 9:36 PM , Blogger CLARA said...

Hmm ... nagsalita ang "sinipag" nng ipakita sa akin ang picture. Hehe. dyok lang. Infairness bumabawi ngayon si Lianne. Ang NOBELA "ever" nng kanyang mga reply sa akin. Hahahah :)) Ang saya.

Haha. Naalala ko lang yung Superman- Superman na yan kasi nung nagmeeting kami para sa debut ko. Tas description ko sa Daddy niya *18 roses ko din kasi Daddy niya eh.* Sabi ko ... "Parang si Superman sa sobrang bilis rumusponde." *parang ganun.* tas sabi niya "EHHH ... ako si Superman eh!" *parang ganun ata sinabi niya?* hehe. Kaya yun. Oh d'ba? Ang galing, galing 18 roses ko din ang Father niya. Hahahah :)) Siyempre :D

BUTI NGA KAYO ni Darbs ganun eh. Eh KAMI? Huhuuu. Wawa kami :,( Walang usap sa phone. Tas nagt-text siya di ko naman ma-text kasi wala akong load. Huhuuuu! Kaya email na lang ... ang sosyal ano? Hahaha :P Imagine napakalapit lang naman nng bahay nila sa amin tas nagsasayang pa kami nng kuryente para lang makapag-communicate sa isa't-isa. Sabi nga naming dalawa kami na ata ang pinaka-weird na mag-bestfriends eh. Tsaka ... takot din kasi siya tumawag dito sa bahay. Dahil sa aking mga tatlong KUYA. Hahahaha :))

Promise talaga. Matatawa ka ... alam mo ba? Ang dami na ngang prof na nagsasabi patingin ko na itong boses ko! Meron pa nng freshie pa lang ako patingin na daw ako sa St.Lukes pa-opera ko na daw 'to or something. Tas sabi ko "Ganito na po talaga boses ko, Mama ko nga po ganito din po boses eh." HMPPPFFFF ... NO WAY, wala silang magagawa ganito talaga ka-cute ang boses ko. Hehehe :))

Ummm ... ganun? Ako rin ayoko rin nng may utang. Actually, lahat kami sa barkada namin ganun. Alam mo ba? Ultimong 25 cents binabayaran pa namin sa isa't-isa. PROMISE! Kunwari kulang nng 25 cents yung pambayad mo sa dyip, tas hihiram ka sa isa sa amin dapat bayaran mo yun! SERYOSO AKO! Kasi ... parang nakatatak na sa isip naming magkakabarkada hindi mabubuo ang piso kung walang 25 cents. Masyado kaming mababait. Hehehe ...

At aba ... naglaro ka na rin pala? Hahaha. Let me see ...
Bakit naman naked ang selpown mo? Lagyan mo naman nng talukbong! Maawa ka! Hahahaha :))
Takot ka sa bulate? Kesa sa ahas? WEIRD NGA.
Ahhh ... dun sa higanteng butterfly? Yung mariposa. Hahaha ... naalala ko elem days ko sa St.Scho nagkalat ganun dun eh. Hehe :))
Actually, ako rin di lang halata pero ... medyo takot ako sa mga street children. Ewan ko kung batet. Di naman talaga takot, parang ... ewan. Basta iba! Bakit ka naman niya hinabol? KATAKOT NGA.
Ako rin ganun nangugulat ako pero totoo takot na ako nun. Hehehe :))
Trip ko rin magpakuha nng dugo ... yung para kasing hinihigop ako eh. Ang saya :D

AYUN. Nobela ito ah. Sensya na! Hehehehe :))
UYYY ... miss na niya si DARBS :D

 
At October 31, 2006 11:09 AM , Blogger Gwapings Kami said...

oy! aia! musta? la lang!
long time no kwentuhan ah! hehe. ..

nga pala!wag kang mag alala, sa pasko, pag nakaburles pa yang selpown mo! magdodonate ako ng damit para sakanya! pamasko ko nalang sayo! hahaha. ..


(astig naman ni clara! parang nagpost sa sariling blog ah! astig!hehe. ..)
-ayban

 
At November 01, 2006 12:43 PM , Blogger Maelou said...

ako din dati eh pudpod ang mga kuko, nagkasakit din kasi ako ng tulad sayo, buti na lang naagapan ko! pero meron pa rin akong dalang nail cutter kahit saan ako magpunta.. haha,
ingatz aia!

 
At November 01, 2006 1:30 PM , Blogger Aia said...

clara: WHOA!!! di naman kahabaan yang comment mo. hahahaha! mahaba pa sa mga post mo sa blog mo a.:p hahaha.

teka nalilimutan ko yung mga sinabi mo lahat.

naaku.. masasabi ko lang ha. MAGING KAYO NA!!! Dali na.:p hahahah. bestfriend bestfriend pa. kalokohan. hahahaha! joke. hahaha. tsaka dagdagan nyo yung komunikasyon nyo.. para masaya. ^_^


whoa!! exage sa berx nyo. hindi naman ganun samin. kapag mga P5 pataas.. yan. dapat bayaran mo na. pero paminsan nga di pa e. puera nalang kung biglang nagipit yung pinagutangan mo. ahhaha.


hmmm. kasi ganito yan.. sobrang gasgas na ng screen nya e nayayamot ako gusto ko malinis kaya inalis ko. tapos paminsan naman kapag may mga formal gathering dinadamitan ko sya. (JOKE!!! KORNY! ahahaha).

hindi..iba pa rin ang tawag sa malaking paruparo. hindi sya mariposa.. nalimutan ko. sabi lang ng english prof namin.

oo. miss ko na.:( ikaw rin e.. miss mo na papa ***. hahahah!

 
At November 01, 2006 1:33 PM , Blogger Aia said...

ayban: aasahan ko yan ha. gusto ko original.:p joke lang. hahahah!

ang kulit ni clara ano? hahaha!

 
At November 01, 2006 1:35 PM , Blogger Aia said...

maelou: apir! hahaha.

ako di nagdadala, nawawala kasi e. meron naman ako built in sa katawan ko e.. yung ngipin ko. HAHAHA! pero seryoso yan.

 
At November 06, 2006 8:51 PM , Anonymous Anonymous said...

Hmm... Ok ka palang maging pasyente kapag kailangang kuhanan ng dugo o kailangang pasukan ng swero (?) / intravenous catheter, at baka sabihin mo pa "More!". Haha =p

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home