Hooo! Nakaraang ang ilang dekada at sinipag din akong mag update. Nakapunta ako sa berday party ni Kuya. Nabili ko din yung dalawang buwan kong pinagipunang regalo sa kanya at syempre nagustuhan nya. Sapatusin ko sya kapag di nya trip yun e. Hahaha!
Uyy. 12 na pala ano! Apat na araw nalang pala... Yikeee. :"p At maligayang bati rin sa pinakamamahal kong insan kahit di nya mababasa to.
Kanina tinanong ko nanay ko kung kailan pa sya may false teeth.. nung hayskul pa daw. WHOA! Buti hindi ganun kapangit ipin ko. Meron daw syang itim sa gitna nung dalawang bug bunny teeth natin pero tatlo yung asa false teeth nya. Bakit kaya?
...kasi daw ang bunot ng isang ipin noon P50, e dalawa lang yun. Yung dentista nagbigay ng promo tatlong ipin para sa P100. Edi nakamura ng isang bunot! Kaya kahit hindi pa bulok yung isa, pinatos ng lola ko e wala namang magawa si inay. Ayun! Edi ang happy ng ipin nya pati ng bulsa ni lola. =))
Sige.. :h