<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d12329769\x26blogName\x3dTutsang+Kulot\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://tutsangkulot.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_PH\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://tutsangkulot.blogspot.com/\x26vt\x3d2595693058098382631', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Friday, July 28, 2006

Bakit kung sino argabyado sya mas naiintidihan? Hindi ba nila nakikita na paminsan ang argabyado pa ang may kasalanan kung bakit sya naargabyado? Tss.

Basta ako ngayon masaya. YUN NA YUN! I dont owe anyone an explanation, so fuck off!!! Scratch that.. wala nga naman palang nangaaway sakin. Hahaha. Pinapangunahan ko lang. (BG: suntukan nalang labanan)


Ansaya saya ko ngayong mga nakaraang araw. Sa sobrang saya natatakot na ko! Baka isang araw bawian ako ng pagkakataon, i-wantaymbigtaym ako! T_T Kaya dapat ihanda ang sarili sa mga posibilidad...baka hindi kayanin ng aking kapasidad. Haaaaay. I'm so happy.:)

Bait bait talaga ni Papa God. Dami dami ko ng kasalanan, naguumapaw na sila pero nagagawa parin nya akong pagbigyan. Kaya bukas...dapat magpasalamat. :)


MMK. GOT TO GO! (hoooo. ingles yan!)

Tuesday, July 25, 2006

Sabi ko sa sarili ko hindi muna ako magpopost hanggat hindi nababasa nung isa jan yung previous entry ko. Pero dahil wala nanaman kaming pasok, popost nalang ako. Hahahaha!

Si Glenda hindi parin umaalis.. at feeling ko matatagalan pa yan ng pagalis.. kumanta kasi ako kanina e. !@#$%^&*() KORNY NUN. Nahahawa na talaga ako sa kakornyhan at kabaduyan nung isang tao jan. Hahaha. Puro parinig yung post ko!

Kahapon daming nakisabay sa pagbuhos ng ulan.. at isa na ko dun. Kalahati sa tinuturing kong berx sa kolehiyo e naki ride din. Pati ang Tres Marias ng artista family ay naka on din ang melancholic mode. Dala na rin siguro nung panahon. Daming nangyayari kapag umuulan.. but I know good things are bound to happen. :)


P.S.
Alam kong lahat kayo hinover yung isa dun sa post ko. Kayo ha??!! Mga tsismakers.. intrigero.:p At para sayo naman isa bumili ka na kasi ng net card ng mabasa mo na to. Alam ko namang atat na atat ka ng basahin yung previous post ko e. SAYA KO!!! Hooooo.


P.P.S
Ang ganda nung Look Into My Eyes ng Outlandish. :p


P.P.P.S
.... nakalimutan ko yung sasabihin ko. Alam ko meron e! >_<


P.P.P.P.S
ahh basta... YUN NA YUN nalang. :x


P.P.P.P.P.S
Last na to.. at hindi rin ito yung nakalimutan ko. Gusto ko lang sabhin na masaya ako.:) PROMISE.

Monday, July 24, 2006

Andito nanaman ako dahil wala nanamang pasok. Hooooo! Saya ko! Tinatadtad ata kami suspension of classes. Saya namin!

Pero yang sayang yan expression lang yan. Masaya ba talaga ako ngayon? Tanong nyo sa mga Tala! Hahaha. Uyy, may kinikilig! Hahahahaha. Yun na yun! :p


Kagabi yung tatay ko lasing nanaman. Ang kulit! Nakakatawa talaga. Bigla akong inakbayan habang asa hapagkainan:
Itay: Itong anak ko, mahal na mahal ko to. *ngisi* *ngisi*
Anak: Hahahahah!
Itay: (lapit sa tenga ni nanay) Ikaw... WALA ka. Mawala ka na wag lang anak ko.
Anak at si Inay: Hahahahaha!

Hindi ko pinagsisisihan yung mga ginawa namin nung asa Tagaytay kaming pamilya kahit na lahat ng gospel e na-i-sermon samin. Sakto at fathers day nun, nakapag misa kami ng walang pari. Apat na long neck brandy lang ang katapat ng isang magandang simula. YAK ANG BADUY NUN! Pero dahil dun, dahil sa sermon nagkabati kami ni itay. Hindi ko na ikwekwento dahil long story at tinatamad ako at walang kwentang away yun at nakalimutan ko na at.. ano pa ba? SAYA KO! HOOOOO! (espiritu ni Tolentino sumasapi talaga)


Talo kami sa USTE.. Tae, parang di ko matanggap. No offense sa mga ustenians. Peace tayo lahat. Saya ko! Galing ng uste! Pati FEU natalo na nila. Lupit sa 3points. :)


P.S.
Pangalawang tao na ang naturuan kong wag maging masyadong mabait. At infairness sila ang nagsabi sakin na naturuan ko sila nun. Hmmm. Ito ba ang purpose ko sa mundong ibabaw? Hahahaha.

Friday, July 14, 2006

Di ako pumasok. Artista kasi ako! (Sobra ka naman) Syempre biro lang. Pwede kaming di pumasok ngayon, di dahil suspended parin. Wala na si Florita, bye bye bye na sa kanya. Dahil to sa prof namin. Asa Tokyo sya at required lang kami mag online ng 1-2pm at solve na. Swerte talaga! Long weekend.. na sana pero may pasok kami bukas. Scheduled chorvaness tapos UAAP. Woohoo. Unang UAAP game na mapapanood ko sa buong buhay ko. GO RED WARRIORS!!!

Dahil nga wala naman kaming pasok ngayon sinulit ko yung oras na pwede ako magpuyat. Nagulat ako dahil hindi ako sinita ni inay, nung mga bandang alas dos nalang. Ano ginawa ko? Wala.. nag internet. Blog hop, hop, hop at chat. At..



kinulayan yang litrato. Ang galing no. Ganyan talaga ang kulay ko sa personal. Joke lang lahat ng pictures kong kayumanggi ako. Maiitim talaga ako. Ganyan ang kulay ko. Kyut diba? Yung kachat ko ang nagdrawing at ako naman ang nagkulay. Ang galing namin, pero mas lamang sya ng mga tatlung pung pursyento.;)

Bagong lay out. Wala akong magawa! Kahit prelims na next week.. ito muna!

Wednesday, July 12, 2006

Sinong may sabing hindi mo makukuha ang gusto mo sa pag iyak?

I cried for 15 minutes.. at ito ako ngayon nakakapag kompyuter. Nagkakuryente habang nilalabas ko sa iyak lahat ng hinanakit dahil kaninang umaga pa ako empty battery! Wooohoo.

Pero hindi ganun kaganda ang araw ko. Actually kasing pangit ni !@#$%^&*, may dumagdag pang text. Tsk!

Langyang yan, akala ko malilibot ko na bawat estasyon meron ang LRT line 2 e. Una sa Santolan, CODE RED. Tip ni manong guard (sa kaibigan ko) Katipunan na daw ang magsisilbing terminal sa umagang yun. Sugod lahat ng masa sa Katipunan Station acting terminal station. Natuwa pa ko nung una, pers taym akong mapapadpad dun e. Buti napigilan ko sarili ko, bubulungan ko sana yung katabi ko, "Ang cool pala dito, parang esteyts sayd. Subterranean ang way." Nakapila na ako ng matiwasay, kahit buong mamayan ng karatig bayan ay katabi ko ayos na ang pakiramdam ko, di na ako malelate nito. Biglang pag dating ng oh-so-mega train di daw magsasakay. Ready na ko makipag siksik ng biglang sabay yung dalawang pasahero lumabas, "Nagspark yan kanina e!". Waw, praktisado. Sigaw ng speaker, CODE RED. Nays!

Si inay hindi na nakapagpigil, inaway yung babae dun. Buti at mukhang hinasa yung babae sa pagsagot sa mga ganung feedbacks. Sa Harvard siguro nagtapos yun. Nanay instant star e. Naghakot ng audience. Kung nagdala ako ng panindang popcorn, chicharon at softdrinks may pang tuition na ko.

Muntik ko ng kaladkarin nanay ko palabas ng estasyong yun pero nauna ang respeto ko sa kanya. Pumangalaw ang pamumula at panghihina ko sa hiya.

Sa Anonas Station ang bagsak namin. Di na code red dun (sobra ka naman). Nang inis lang yung mamang tren drayber. Biruin mong punuin ng mga nanlilimahid na pagod na pagod at parang hindi nagalmusal at naligo na mga tao ang tren. Pakiramdam nya ata isang byahe lang yun. Nakaligtaan atang may iba pang estasyon. Lumipas ang mga taon at lumisan rin ang tren.

Pagdating ko sa aking butihing eskwelahan. WALANG prof. Di ko alam kung matutuwa ako o dapat na ba akong mag scout ng malilipatang unibersidad. DAMNET talaga! At kala nyo jan lang nagtatapos ang misadventures ko, nagkakamali ka. Pero di ko na ikwekwento kasi ang haba na nito at dumidilim na at any moment feeling ko mag bbrown out nanaman at.. at.. SIKRET!

Monday, July 10, 2006



... di ko naman kasi alam kung bakit ako naaapektuhan e.


Friday, July 07, 2006





:(






... ..if only I have the strength..