Practice na nauwi sa tugtugan. Uwian na na uwi (?) sa childrens party at antok na nauwi sa pagtawa, pagsigaw at pagdaldal.:D
Kahapon ay napakasayng araw. Umalis ako ng bahay bago mag 11. As usual late nanaman ako. Lagi akong late. Masyado akong naglalamira sa harap ng salamin kaya hindi ko napapansin ang oras. Pagdating ko sa McDo muntikan na kong buhusan ng sundae ng mga kasama ko, kaya lang naisip nila na sayang at sa buhok ko lang mapupunta. Pero syempre joke lang yan kasi labs ako ng mga yun. Umalis na kami at pumunta kanila Fibs. Una pinapanood namin ang video ng Thriller ni MJ. Tapos sinayaw nanamin sya, ayy hindi pala ako kasama kasi busy ako kakakuha ng pictures nila. Ang lunch namin McDo nanaman, at pagtapos nito lahat kami tinamad na. Wala naman kaming masyadong nabuo *ayy sya sa thursday na yan*. Nauwi ang lahat sa tugtugan. Pwede na ngang studio bahay nila. Ang ganda ng tunog, ang galing galing. Band in the making, we are The Crablets, btw. Hahahahaha.
At sa sobrang yaman ng kaibigan kong to, tig-isa sila ng pc ng kapatid nya kaya naman kinuha na namin ang oppurtunity na magDotA. Kampi kami ni besprin at wala ata kaming kalaban na hero. Hahahaha, nakakatawa. Dots, pagtatawanan lang kita ha? Napatay ng scourge. Nyhahahahaha. Okay tama na, ang yabang ko na.
Umalis na kami dahil sabi ng tatay ng may ari ng bahay ang kapal na ng mukha namin at magsi-alis na daw kami. Pero joke lang ulit yan. Kaya dumiretso kami sa bayan at nagpaalam si besprin na makiki [childrens] party kami sa kapatid nya. ANG SARAP NG CALDERETA. Ahay, nagugutom nanaman ako. Brown out dun kaya naman nakaupo lang kami. Tinawagan ako bigla ng nanay ko at pinapawi na. Nangpaalis na kami biglang syang nagtext:
"Asa court na kami, sarado ang bahay".Una nawindang ako, eventually nagets ko din. Binulong sakin ng konsensya ko na fiesta nga pala bukas at may kontes ngayong gabi. Syempre medyo natuwa ako kahit inaantok na ko dahil makikita ko nanaman ang aking tatlong gelprens na labs na labs at miss na miss ko na talaga. Kumpleto nanaman kami.:D Nung pagdating ko may kumakanta, ANSARAP BATUHIN NG OKRA!!! Ang tigas ng mukha para sumali sa singing kontes. Actuali isa lang ang nagustuhan kong boses, yung kay Ate Helen, yung nakikisali sa laro namin dati. Hehehe. May mga nagsayaw rin. Isa yung TYPICAL Contest tuwing fiesta.
P100. Gaano pa ba kalaki yan ngayon? Malaki parin. Nung umaga, pagbunot ko ng shorts ko nakakuha ako ng isang daan sa bulsa aba syempre natuwa ako dahil alam kong paubos na internet card ko. Nung nanonood na kami ng kontes, nakita namin yung EX CRUSH nila-slash-Ex kalaro namin:
Jeni: Uyy tignan nyo, pustahan hindi si Paolo yan.
Ako: *sabay sabay kaming tatlong tumingin dun sa lalaki* SYA YAN!
Jeni: Hindi sya yan. Ano pustahan, tatlong daan.
Ako: Call.
Liway: Si Paolo yan.
Ana: Oo nga, si Paolo yan.
Jeni: Hindi nga. Pustahan ha?
Ako: Sige pustahan tayo.
Mga 38 minutes din kaming ganyan. Tinanong naming yung isa pa naming kaibigan. Hindi daw talaga si Paolo yun. Pero ako pinaninindigan ko na sya yun. Tinanong din namin yung isa naming kaibigan na si Gelo na crush na crush ko talaga. Nilapitan nya at sobrang titig ang ginawa nya tapos sabay tabi dun sa Paolo na pinagpupustahan namin at sabay dura sa gilid. Hindi daw talaga. Hindi parin ako kumbinsido. Kaya nilapitan na nila.
Gelo: *makikipag Apir* Uyy Paolo.
Paolo: *windang*
Gelo: Hindi ba ikaw si Paolo?
Paolo: Hindi. Allan.
*sabay alis ni Gelo at ng klasmey nya*
Wahahahahaha. TALO AKO NG ISANG DAAN. At syempre pinaninindigan ko ang pakikipagpustahan ko kaya binayaran ko muna sya ng P20 as down payment. Joke lang ulit. Binayran ko sya ng isang daan. Gagong yun, nakahuthot ng tatlong daan samin.
Kaya pala nakita ko yung isang daan na yun sa bulsa ko, mapupunta pala yun sa kaibigan ko. Tsk. Pero hindi ko pinagsisisihan ang lahat. Para kasing naging entrance fee ko yun para sa kasihayan ko noong araw na yun.. Kaya its all worth it.:D