<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d12329769\x26blogName\x3dTutsang+Kulot\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://tutsangkulot.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_PH\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://tutsangkulot.blogspot.com/\x26vt\x3d2595693058098382631', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

Thursday, February 23, 2006

Noong bata pa ko, nung mga panahon na bulag pa ko sa mga kabaklaan ng teletubbies, Precious ang palayaw ko na hindi ko malaman kung saang planeta ng mga pangalan ng galing, ni wala ngang "p" sa buong pangalan ko e. At pinagtatakahan ko pa e pagkahaba haba ng Precious para sa isang palayaw, medyo may pag ka engot pala nanay ko no? (Sssh.) Pero yan talaga e! Bata pa ko kaya wala akong magawa kung hindi tumingin, lumapit at sumunod tuwing tatawagin ako nun. Pero dahil superstitious ang nanay ko at ang ancestors niya, pinalitan niya dahil lagi daw akong nagkakasakit simula nung tawagin niya ko nun kaya naman naging isang ordinaryong bata ako, batang walang palayaw.

"AILAH BUMABA KA JAN!"
"ANG GULO GULO MO AILAH, BEHAVE NGA!"

Wala naman talaga akong pakielam sa tawag sa akin noon, nung kinalaunan nalang! Tsaka ko lang narealize na ang pangit pala ng pangalan ko. Iniisip ko kasi sisikat ako, e ayoko namang sumikat ng AILAH ang isinisigaw ng fans ko! Ang chaka kaya.


First year kami nung simulang gumagawa na ng kung anu-anong alias sa amin yung kaberx ko. Noong first year, Gelli. Sa totoo lang hindi ko trip yan. Masyado nilabas ng palayaw na yan ang pagiging selosa ko. Noong second year, Iggy. Ayan, gusto ko yan. Pero aaminin ko, pinilit ko lang siya na yan nalang. (Haha!) May dahilan yan kung bakit, cheesy kaya wag mo nang alamin. Sa aking palagay sumikat din naman ako sa tawag na yan, ito na rin kasi yung taon na rising star ako sa mundo ng blogging. Kaya lang, gusto ko sana yung mga kaibigan ko sa totoong mundo yan na rin ang itawag sa akin, kaya nga lang hindi sila masanay sanay. Tinalo pa nila ang Parrot bird! Nung katagalan, paunti-onti ng nag-fe-fade ang IGGY! Nawala na rin ang pagkautal ng mga kaklasmeyt ko tuwing tatawagin nila ako (kasi diretsong Ailah nalang talaga) at nabura na rin ako sa buhay ng mga tabulas friends ko. BACK TO AILAH nanaman.


Isang araw, naalala ko na ang tawag sa akin ng isa kong tito at isa kong tita ay AIA-TOT! Nag-isip ako, siguro mga sampung minuto yun, at WA-LA, AIA NA KO. I-dineclare ko sa mga kaibigan ko. Maganda to dahil malapit lapit sa pangalan ko. Sanay akong tinatawag nun kaya naman ayos talaga. At sa hindi ko malaman na kadahilanan na ikinatuwa ko naman ay madaling nasanay ang mga kaibigan ko, kahit mga pinsan ko. AYOS TALAGA! Sabi ko sa sarili ko sa harap ng salamin, sisikat ako sa ngalang AIA, OO SISIKAT AKO!



Sa totoo tungkol dapat sa grad song ang topic ng entry ko. Nakita ko yung link ko kay ate MERI at dito ako nagkaroon sensible entry na pwedeng i-post. Share lang. :)



edit
Oo nga nakalimutan ko (angela). Kilala rin ako noong SOLIS sa classroom namin. Para tuloy akong sikat na varsitarian, apelyido ang tawag sakin. Tapos yung adviser namin na lab na lab ko nung grade 5 at 6, GESTA naman ang tawag sakin. Ibang klase kapag may kaparehas ka ng pangalan, medyo nakakainis! Akala ko kasi noon ako lang ang nagiisang AILAH sa mundo, aba ang dami pala namin. Buti nalang asa ibang planeta na yun kapangalan ko, JOKE. Bati kami nun, bestfriend ko nga yun e.
/edit

52 Comments:

At February 23, 2006 11:26 PM , Anonymous Anonymous said...

Yun pala ang Hx (history) ng "Aia". May isasagot na ako sa exam namin (?) Hahaha =)

 
At February 24, 2006 12:58 AM , Anonymous Anonymous said...

huwaaaw. HISTORY.

goddamnit. andami mong palayaw. hahaha.

pero pinaka-cute nga ung 'AIA' mo ngaun. =p

 
At February 24, 2006 7:07 PM , Blogger Aia said...

paoe: Hx, yun ba yung nakasulat sa mga gamot? =))

 
At February 24, 2006 7:09 PM , Blogger Aia said...

marty: wahahahha. ganyan talaga. para masaya! uyy lalagay kita sa daily reads ko. wala lang, lab mo kasi ako lagi kang nagcocomment. :P

 
At February 25, 2006 2:05 AM , Anonymous Anonymous said...

"Rx" yung nasa gamot, which means... uhhh... Ano nga ba... Uhhh... Meaning kailangan ng prescription para makuha.

Yung Hx ay "history". =)

Others:

Tx = treatment
Sx = symptom/s
Bx = biopsy
Dx = diagnosis
Ax = palakol (ngeeee!!!)

 
At February 25, 2006 11:42 AM , Blogger Aia said...

paoe: tinanong ko mga kasama ko, parang may Hx daw sa mga gamot. ulol yung mga yun a. hahahahha.

WAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAH. infairness natawa ako dun ha.

HAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHHAHHAHAHAHSHAHAHHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA.

 
At February 25, 2006 1:31 PM , Blogger babaeng pusit-saging said...

bwahaha..sisikat ka sa aia!! inaasahan ko yan..tas makikita ko nlng sa philippine history books natin ang history ng pangalan mo..=) weee!

 
At February 25, 2006 1:52 PM , Blogger Aia said...

johanna: nako, anchaka pag naabutan mo pa ang pangalan ko sa phil history books, parang ang aga kong kinuha ni papa God. hahaha.:P

 
At February 25, 2006 1:52 PM , Anonymous Anonymous said...

ahaha ! kinareeer eh no lol

 
At February 25, 2006 2:11 PM , Blogger Aia said...

gee: para masaya. haha.

 
At February 25, 2006 2:38 PM , Blogger Aia said...

bian: ang matatanda talaga. wahahahaha.:P

 
At February 25, 2006 7:14 PM , Anonymous Anonymous said...

ang haba pala ng story ng nickname mo, aia.. pero i like "aia" better, for you.. kasi mas bagay eh.. hehe!! ^_^ anyways, daan lang. miss na kita sis! musta na? tc! ^_^

 
At February 25, 2006 11:27 PM , Anonymous Anonymous said...

Magagamit mo sa narsing ang mga symbols na yan... Sa amin tinatawag yang "abbreviations". Pati mga acronyms tinatawag na rin nilang "abbreviations". Hehehe...

Natawa ka nga dun..??? (?)

 
At February 26, 2006 11:26 AM , Blogger fivestarmaria said...

aia, we lab you. nako, nakikita ko na sarili kong humahawak sa isang banner na yun ang nakalagay, nakikipagsiksikan sa mahabang pila ng mga taong dumadalo sa concert ni AIA SOLIS! ohoyeah..:D

bat wala yung tawag namin sayo dati na "solis"? nung si ayla nasa skul pa. ehhe.:)

iaia, kinuha ko pic natin sa mult mo ah..:)

 
At February 26, 2006 11:31 AM , Blogger Maelou said...

ah... may history pala ang aia..hahaha.. ako nga eh,kung anu-anong binibigay na palayaw sa kin,buti ka pa AILAH, kaw ang namimili ng itatawag sayo...

 
At February 26, 2006 11:48 AM , Blogger yayam said...

cute naman ang 'aia.' i like it. if i had a daughter, id probably name her 'aia.' hahaha! :D

 
At February 26, 2006 9:41 PM , Blogger Aia said...

sandy: yeah, medyo mahaba nga sya.:P wahahhahaha.

tama. SOLIS din pala tawag sakin noon. tapos yung titser ko na lab na lab ko tawag sakin yung hate na hate kong pangalan ko. GESTA!!! nice.

wahahhaha. ayos lang ako. ikaw? uyy mag sesecond year na sya. grabeng sikat mo sa blogging world, di ko macarry.:P

 
At February 26, 2006 9:42 PM , Blogger Aia said...

paoe: wahahaha, oo nga bakit naging abbreviation? teka, astig ka. andami kong natutunan sayo sa nursing dahil lang sa comment chatting natin.:P wahahha.

promise, natawa ako dun. inaasahan ko medical term pa rin. whahahahahah.

 
At February 26, 2006 9:48 PM , Blogger Aia said...

aunj: ngak, pwede ba yun. Malamang mas una kang sisikat sakin. mga naka limang album ka na siguro bago ako sumikat. Yikkeee ^_^ hahaha.

anong pic? sige kuha mo lang. ^_^

 
At February 26, 2006 9:49 PM , Blogger Aia said...

maelou: pansin ko nga. teka ano ba talaga ako pangalan mo. stefhamae or maelou? lito na rin ako. hahaha.

 
At February 26, 2006 9:49 PM , Blogger Aia said...

yayam: yikeeeee.. talaga??? naks. pwede mo kong alalahanin kapag nagkaanak ka.:P heheheh.

 
At February 27, 2006 7:16 PM , Blogger Maelou said...

hahaha...nick name ko ung maelou,pero ang pangalan ko talaga lou stefhamae... :D

 
At February 27, 2006 7:17 PM , Blogger Maelou said...

iniba mo pala pic mo...close up na ngayon..hehehe :P

 
At February 28, 2006 12:32 AM , Anonymous Anonymous said...

aia, lab tlga kta kaya read ako ng read dto at palaging napapa-tae sa tuwing nagbabasa ng iyong entry.

 
At February 28, 2006 3:01 PM , Blogger Aia said...

maelou: AHHHH. sa wakas na liwanagan na din ako. hahhahaha.:P

anong picture??

 
At February 28, 2006 3:03 PM , Blogger Aia said...

marty: waaaa. lab na din kita. :D

nga pala, pasensya hindi pa ko nakakatatae sa blog mo! kasi sobrang busy, onting oras lang ang naka laan sa pag oonline ngayon!

 
At February 28, 2006 8:17 PM , Blogger Maelou said...

yung nasa moi mo :D

 
At March 01, 2006 9:26 PM , Anonymous Anonymous said...

Yun na yung nakasanayan nilang tawag dun e, "abbreviation". Lahat ng pinaikli ay "abbreviation" na. Hahaha =)

Mas magandang matuto habang maaga pa, kasi baka dumating ang time na kayo ay uulanin (?) ng impormasyon, at baka hindi mo ma-process lahat (ako marami akong hindi matandaan haha)... Kung kailangan mo ng tulong na may kinalaman sa nursing, sabihin mo lang sa akin, at tutulungan kita in any way I can. =)

Terms:
*cyanosis = bluish color (halimbawa hindi makahinga)
*pallor = whitish color (namumutla)
*jaundice = yellowish color (halimbawa may Hepatitis-A)

Ayan may bago na namang info. Hehe =)

 
At March 02, 2006 8:46 PM , Blogger Aia said...

maelou: aaaaah. kala ko kung ano. ahahhaha.:P oo pinalitan ko na. sawa na ko dun sa luma e. heheh

 
At March 02, 2006 8:48 PM , Blogger Aia said...

paoe: kapag nakalimutan ko yung terms, alam ko na yung pupuntahan ko para maalala. ang aking archives. woohoo.

adik, hindi mo pa maalala yung iba nyan ha. hehehe.

WOY!!! TAPOS NA LAHAT!!! YIKEEE ANSAYA. PARA NA RIN AKONG GRUMADUATE!! TAPOS NA EXAMS.:D

 
At March 02, 2006 8:49 PM , Blogger Aia said...

moey: wahahahah. ganun talaga kapag maganda.:P

nako.. hindi ako makakapunta! tang ina. mamall dapat ako bukas, kaya lang hindi pwede. muntik na kong mahuli na uminom. naamoy ako ng nanay ko. buti todo deny ako. hahaahahahah!

 
At March 02, 2006 8:50 PM , Blogger Aia said...

am: turuan ng alin?

 
At March 03, 2006 8:49 AM , Blogger fivestarmaria said...

hello ia ia. haha.:) ganon? di ako papayag, dapat sabay tayo. lika sali tayo PBB! haha.:)

yung pic na nasa blog ko.:)

hoy aia, mag update ka naman ano bee..:) haha.:)

 
At March 03, 2006 8:53 AM , Blogger fivestarmaria said...

haha. :) special mention pa ko sa post mo.:) love you solis. haha.:)

update!!:D

 
At March 03, 2006 5:29 PM , Blogger Aia said...

aunj: tara, sali tayo? hahahahah. astig yun! magdala nalang tayo ng napakaraming libro. hahahaha.

nyahahah. syempre.:) love you paguio.

 
At March 03, 2006 7:45 PM , Anonymous Anonymous said...

Masyadong technical at magulo ang buhay Medical-Surgical Nursing, dahil wala akong angking kakayahan na mag-memorize ng napakaraming terms. Hahaha... =) Kaya hindi ko malaman kung ano ba ang pericarditis, myocarditis at endocarditis. Ang alam ko lang ay pag may "-itis" sa dulo, inflammation yun. Haha. =)

Wow tapos na lahat... Kaunti na lang, gradweyt ka na. =) Mami-miss mo siguro ang iyong alma mater. Hehehe.

 
At March 03, 2006 11:52 PM , Blogger Aia said...

paoe: hindi mo memorize yan ng dating na yan ha. hahahah.

malapit na talaga! mamimiss.. SOBRA!!!

 
At March 04, 2006 9:15 PM , Anonymous Anonymous said...

Lasapin mo ang iyong natitirang mga araw sa iyong alma mater, ang iyong bakasyon, at lahat na ng pwedeng lasapin. =)

At oo, hindi ko matandaan yung mga impormasyon (mga details) na may kinalaman sa nursing... Mga basic info lang talaga natatandaan ko. Hehehe. Pero kung sakaling may gusto kang malaman na details, pwede kong i-research. Hehehe =) Itanong mo sa akin, sasagutin ko din. (?)

 
At March 06, 2006 3:22 PM , Blogger Aia said...

paoe: hmmmm.. pero nakakatamad pumasok!! sobra. lalo na ngayon, puro practice, paulit ulit yung ginagawa, nakakairita lang! ayoko ng paulit ulit!

hmmmm. humanda ka na sa mga tanong ko kapag nag simula ng ang college life ko. ahahaha.

 
At March 07, 2006 1:11 AM , Anonymous Anonymous said...

Naalala ko tuloy mga practice din namin dati ng graduation... Nakakatamad nga talaga. Hehehe. Ansusungit pa nung mga tao nun. Pero ok lang, nakaka-miss nga e. =)

Handa na ako sa anumang katanungan na iyong.. uhh.. itatanong. Hahaha... =)

Ex.

Q: Bakit bilog ang sago?
A: Dahil... iyan ang itinakda ng tadhana. (ngeeeeeee)

 
At March 07, 2006 6:49 PM , Blogger Aia said...

paoe: ayy buti nalang samin mabait yung mga nagtuturo. half day lang ang praktis, pero kalahatiin mo pa yan, yun ang totoong practice. hahahah.

Q: bakit mabaho ang kulangot???
S: [insert here]

 
At March 08, 2006 8:59 PM , Anonymous Anonymous said...

Naks half day lang... =) Kami whole day. At most of the time nakaupo lang kami sa mga monobloc. Tapos tatayo. Uupo. Tatayo. Balik sa pila. March. Tayo at upo ulit.

Mabaho ba ang kulangot..? *sabay kuha ng sample* (haha) =)

 
At March 09, 2006 9:34 PM , Blogger Aia said...

paoe: yan ang pinaka ayaw ko. upo, tayo, upo, tayo, upo, tayo. aba para kang nag pumps ng 15254298535384 weeks. hahahaha.

oo mabaho!! nalaman ko sa kung sino [di ko lang alam kung binabarbero ako] na ang ilong daw ang pinaka mabahong part sa katawan. nayanahahaha.

 
At March 11, 2006 4:17 PM , Anonymous Anonymous said...

At least meron kayong exercise kakaupo at kakatayo. Hehehe...

Hmmm... hindi naman siguro totoo na ilong ang pinakamabaho... Pero kung sakaling may naamoy na mabaho na hindi naman naaamoy na iba, sa ilong na malamang galing yun. Hehehe...

 
At March 11, 2006 5:31 PM , Blogger Aia said...

paoe: di kaya sya masaya! gusto ko naman nageexercise, lalo na kapag PL namin [practical living yan pero ang ginagawa dyan pang CAT]. nyahahahah.


teka, kumuha ka ba talaga ng sample? nahahahhahhahahahahhahaa.

 
At March 12, 2006 4:21 AM , Anonymous Anonymous said...

Practical living..? Anong meron dun? Hehehe...

Kumuha ako ng sample. Amoy sabay subo. (dyok!) Hahaha. =)

 
At March 12, 2006 5:30 PM , Blogger Aia said...

paoe: practical living. noong 1st-2nd year hindi ko malaman kung bakit practical living ang pagbibilad sa amin sa araw. ang pagmamartsa. ang pageexercise. ang naitulong lang sakin ng subect na yun ay ang matutunan ang first aid. hahahaah.

ISANG KALOKOHANG SUBJECT!!! dating CAT ata talaga ang pangalan nun, pinalitan ng PL dahil inalis na ng DepEd and CAT. e yung guru namin dun, devoted militar ata. pero sabi ng classmate ko, kalokohan daw mga tinuturo samin nun. wahahhaha. [sino kaya nagsabi sakin nun, aunj.:P]

uyy, sundot kulangot. YUM!!

 
At March 12, 2006 8:59 PM , Anonymous Anonymous said...

Practical living... Hindi ba dapat ang mga tinuturo sa subject na yan ay yung mapapakinabangan sa buhay, tulad ng pagluluto, paglilinis, paglalaba, pagbubunot, pagwawalis, paggawa ng cellphone, pag-aayos ng sirang TV at radyo, pagpapalit ng gulong ng sasakyan, bedmaking, etc. (?)

Speaking of bedmaking, may maarteng paraan ang nursing para lagyan ng bedsheet ang mga kama sa ospital. Pero pag actual duty na, hindi rin nasusunod ang kaartehan na yun. Hahaha =)

Maalat daw ang kulangot?

 
At March 13, 2006 3:54 PM , Blogger Aia said...

paoe: yun na nga e. mukhang gago kasi eskwelahan namin e. nako! hahahah.


may maarte aglagay? e bakit hindi nasusunod?

 
At March 14, 2006 10:05 PM , Anonymous Anonymous said...

Kakaiba ang inyong paaralan. Hehehe...

Bedmaking... Hindi nasusunod sa tunay na buhay dahil hindi praktikal na sundin iyon... Kapag staff na kasi sa isang ospital, masyadong maraming ginagawa, masyadong maraming pasyente na hinahandle. Ayun. Tinuturo habang estudyante pa ang mga "ideal" na paraan para sa ganito ganyan, pero pagdating sa actual, kung ano ang time and energy efficient, yun ang ginagawa. =)

 
At March 14, 2006 10:13 PM , Blogger Aia said...

paoe: bakit pahirapan ba yung tinuro sa inyo?

 
At March 17, 2006 7:49 PM , Anonymous Anonymous said...

Oo pahirapan... Pero balita ko pag 4th year na, maluwag na... Mahigpit lang daw talaga sila pag 3rd year, dahil iyon ang "formative year", kung saan hinuhubog ang mga mag-aaral para maging disiplinado... at problemadong mag-aaral. Hahaha =)

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home