<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/12329769?origin\x3dhttp://tutsangkulot.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Wednesday, July 12, 2006

Sinong may sabing hindi mo makukuha ang gusto mo sa pag iyak?

I cried for 15 minutes.. at ito ako ngayon nakakapag kompyuter. Nagkakuryente habang nilalabas ko sa iyak lahat ng hinanakit dahil kaninang umaga pa ako empty battery! Wooohoo.

Pero hindi ganun kaganda ang araw ko. Actually kasing pangit ni !@#$%^&*, may dumagdag pang text. Tsk!

Langyang yan, akala ko malilibot ko na bawat estasyon meron ang LRT line 2 e. Una sa Santolan, CODE RED. Tip ni manong guard (sa kaibigan ko) Katipunan na daw ang magsisilbing terminal sa umagang yun. Sugod lahat ng masa sa Katipunan Station acting terminal station. Natuwa pa ko nung una, pers taym akong mapapadpad dun e. Buti napigilan ko sarili ko, bubulungan ko sana yung katabi ko, "Ang cool pala dito, parang esteyts sayd. Subterranean ang way." Nakapila na ako ng matiwasay, kahit buong mamayan ng karatig bayan ay katabi ko ayos na ang pakiramdam ko, di na ako malelate nito. Biglang pag dating ng oh-so-mega train di daw magsasakay. Ready na ko makipag siksik ng biglang sabay yung dalawang pasahero lumabas, "Nagspark yan kanina e!". Waw, praktisado. Sigaw ng speaker, CODE RED. Nays!

Si inay hindi na nakapagpigil, inaway yung babae dun. Buti at mukhang hinasa yung babae sa pagsagot sa mga ganung feedbacks. Sa Harvard siguro nagtapos yun. Nanay instant star e. Naghakot ng audience. Kung nagdala ako ng panindang popcorn, chicharon at softdrinks may pang tuition na ko.

Muntik ko ng kaladkarin nanay ko palabas ng estasyong yun pero nauna ang respeto ko sa kanya. Pumangalaw ang pamumula at panghihina ko sa hiya.

Sa Anonas Station ang bagsak namin. Di na code red dun (sobra ka naman). Nang inis lang yung mamang tren drayber. Biruin mong punuin ng mga nanlilimahid na pagod na pagod at parang hindi nagalmusal at naligo na mga tao ang tren. Pakiramdam nya ata isang byahe lang yun. Nakaligtaan atang may iba pang estasyon. Lumipas ang mga taon at lumisan rin ang tren.

Pagdating ko sa aking butihing eskwelahan. WALANG prof. Di ko alam kung matutuwa ako o dapat na ba akong mag scout ng malilipatang unibersidad. DAMNET talaga! At kala nyo jan lang nagtatapos ang misadventures ko, nagkakamali ka. Pero di ko na ikwekwento kasi ang haba na nito at dumidilim na at any moment feeling ko mag bbrown out nanaman at.. at.. SIKRET!

33 Comments:

At July 12, 2006 6:43 PM , Anonymous Anonymous said...

kaya pla, wala ka palang baterya :D haha

huwag ng malumbay...

 
At July 12, 2006 7:33 PM , Anonymous Anonymous said...

at hindi pa pala tapos ung kanina.. haha marami ngang nabwiset sa pangyayari sa butihing LRT ng bayan haha. marami ang na leyt.

at wala pala kayong titser. malas T_T

at ano ba yang sikretong malupit na yan? baka sakaling maambunan ako ng kung anu mang kwento dyan :D

^^

 
At July 12, 2006 7:36 PM , Blogger yayam said...

ok lang yan aia...minsan talaga sa buhay ganyan. life is unfair.x_x im sure sa susunod na araw maganda na araw mo.:)

 
At July 12, 2006 8:03 PM , Blogger Aia said...

kuya mervin: bwisit talaga. napaka bulok ng sistema sa pilipinas. kaya maraming pilipino ang sinsuka ang sarili nilang bansa e.

kwento.. kuno lang yan.. para mag ask for more ang nagcocomment. pero joke lang tong sinabi ko baka mabuko e. hahahahhaah!

 
At July 12, 2006 8:04 PM , Blogger Aia said...

yayam: tama tama!!! pag fair, walang thrill.:p

 
At July 12, 2006 8:46 PM , Blogger babaeng pusit-saging said...

hay naku..sa pinas talaga..kainis, pramis ko pa nama sa sarili ko di ako aalis dito..dito talaga ako mamatay dahil dito rin ako nabuhay..haayy..yaan mo..tulad ng 3rd law ni newton (tama ba?) "for every action there is an equal but opposite reaction"..kaya magiging masaya ka na after nyan! promise..ingat ka lagi ah!! labyuu! =D

 
At July 12, 2006 9:01 PM , Blogger Aia said...

johans: iba talaga mga tiga up. iba ang kagustuhan mag serve dito.

aba, pwede pala sa layp yun no. kala ko puro sa science lang yun.:p

naku.. napaghahalata na na nerd ka. hahahaa.

 
At July 13, 2006 6:53 AM , Anonymous Anonymous said...

okei lang yan..ganyan talga sa pinas..hmpss! pero madalas akong naaliw sa mga kwento mo...:) hehe

 
At July 13, 2006 9:51 AM , Blogger fivestarmaria said...

hay nako! ako mas nakakainis. kasi nung umaga pa lang, edi signal#2 dito sa min (uy joke lang), nakinig agad ng radyo yung nanay ko. wag na nga daw akong pumasok eh, e sabi ko, may quiz kami sa CA kaya kailangan kong pumasok. sabi daw sa radyo nakidlatan yung sa santolan. PERO PERO PERO, ayos ang Katipunan. edi ayun, tinawagan ko pa yung UST para itanong kung me pasok, parang naasar pa ngayung babaeng sumagot e, yung parang joke-ba-yan na tono. sabi meron daw. edi ayun.

sumakay na ko ng jeep papuntang cubao, tapos, lumagpas na ng santolan. sunod, katipunan na. ang tigas pa kasi ng ulo ko. nakita ko na ngang sobrang daming tao sa labas ng katipunan station, bumaba pa rin ako ng jeep. ayun. napagsabihan pa ko ng guard, mag anonas na lang daw. buti na lang may mga kasabay akong bumaba sa anonas. kundi naligaw na naman siguro ako.


pagkapasok ko, ayun. suspendido din pala. isang klase lang yung napuntahan namin. ang saya diba. sayang sa pamasahe. napa gateway pa tuloy ako. :))

 
At July 13, 2006 10:43 AM , Blogger CLARA said...

Aia! KAMUSTA KA NA? Okie ka na ba? Haha :P Ganyang-ganyan din nangyari dun sa kabarkada kong si Pen! Haha :P 9:00 am na siya nakarating sa school, pagdating pa niya basang-basa siya. Lalo na sapatos niya, buti na lang yung isa naming kabarkada may dalang tsinelas kaya pinahiram siya. Tsaka buti na lang ano, may kasama si Pen na kaklase namin nagkasabay sila sa LRT --- kaya sabay silang dumating sa school. Malas nga nila, kasi yun nga d'ba? Sa Santolan sira tas sabi nga Katips daw bago dumating sa Katips tumirik pa yung dyip na sinasakyan nila. KAMUSTA NAMAN YUN D'BA? Kaya naglakad na lang sila hanggang JP Rizal, malapit sa may Anonas eh may dyip na papuntang school namin dun. Sumakay na lang sila.

Haha :P Ayos, adventure na ito 'nu?

Kami rin, isang subject lang yung na-attend-an namin! Tas around 12 noon, nag-announce si Manong Soulmate Guard, wala na daw klase!

Grrr ... kumain pa nanaman ako nun nng Lunch! Sayang sa per :,(

Missyou!

 
At July 13, 2006 11:19 AM , Anonymous Anonymous said...

Wow. Code Red. Kunwari alam ko kung ano yan. Hahaha... =p

At naiimagine ko sarili ko na nagpapasalamat sa in-house review mga June or July 2007... Bale ipo-post ko muna yung entry ko na ayoko sa in-house review bago ang pagpapasalamat ko. Hahaha! Diyok. Haha...

Di ko kilala yung tinatanong mo e hehehe... Dun din siya sa school namin nag-aaral? Masyado kaming marami sa paaralang iyon kaya hindi ko kilala mga tao e hehe... Pati nga mga batchmates ko hindi ko kilala yung iba... Hahaha...

 
At July 13, 2006 3:59 PM , Anonymous Anonymous said...

nakakatwa mga linggwahe mo!.. natae ba ako? wakekekek

 
At July 13, 2006 4:18 PM , Anonymous Anonymous said...

aia aking mahal, mabuti naman at OK ka na! sana nga OK ka lang talaga!! :D

wag kang mahiwagaan sa akin pagkat ako'y hindi isang kathang isip lamang! hahaha! :p

miss ko na sumakay ng LRT at ang bagyo... sana umulan din minsan dito....

take care... mwaaaah

 
At July 13, 2006 5:51 PM , Anonymous Anonymous said...

buti nga kayo
nag lrt
ako
jeep palagi eh.
wakekek.
walang pambili
ng ticket
este magnetic card ba yun.
tignan mo na?
mangmang pa ako
pagdating sa terminal
ng mga eklavung lrt.

 
At July 13, 2006 9:06 PM , Blogger Aia said...

bes: others?

 
At July 13, 2006 9:07 PM , Blogger Aia said...

didi: maganda ba sistema jan sa... kinaroroonan mo?

 
At July 13, 2006 9:11 PM , Blogger Aia said...

aunj: sainyo? hahahahaha. anlayo nyo smain a. hahahahaha.

yung ibang colleges lang yung suspended sa inyo.. sila ivan kasi hindi e. daya nga daw e. hahaha.

bumaba ka pa ng katipunan? ngak. dapat tumuloy ka na. ako buti kasama ko nanay ko kundi mangangapa ako sa katipunan mag isa, atleast dalawa kaming mukhang ignorante dun. hahahaha.

buti sa anonas naka sakay na ko before.

sayang nga sa pamasahe.. napagastos pa ko ng wala sa oras. bwisit. kapag nag kikita kami ni ivan napapagastos ako. hahahaha.:p

 
At July 13, 2006 9:14 PM , Blogger Aia said...

gelpren: anonag wamboo??? natawa ako kahit di ko naget. hahahahhahahahahha!

sumasakay kapag ng santolan pag pupunta ka ng katipunan? sayang sa pera..

 
At July 13, 2006 9:17 PM , Blogger Aia said...

clara: whoa! malas nga nya. ako kahit papaano nakarating naman ako ng tuyo sa iskul. hahaha.

ako rin napagastos. pag nagkikita kami ng boyplen ko di ko malaman kung bakit ako napapagastos.

uyy, ang taray ng bespren mo a. nagpasabi sa blakmeyt namin na, wala daw tatawag sa bahay nila ng 8am hanggang 8pm. gulat ako, hindi naman ako tumutawag dun. yun pala pinapasabi para sa mga ka group nya sa nstp. ang tarush ha., hahaha.

 
At July 13, 2006 9:28 PM , Blogger Aia said...

paoe: naku kung alam mo lang yun.. manlulumo ka talaga. nung kahapong umaga ko lang nalaman yung ibig sabihin nun e.

hahahahhaa. feeling ko talaga pasasalamatan mo e. hahah!

sayang.. kyut ka pa naman daw o. =))

 
At July 13, 2006 9:28 PM , Blogger Aia said...

peter: tagalog yan. ano ka ba?

hahahhahaha.

 
At July 13, 2006 9:30 PM , Blogger Aia said...

farkas: akala ko imahinasyon lang kita. totoo ka pala.

sige.. sumakay ka dun paminsan nang makita naman kita.

ingat din. mwah!

 
At July 13, 2006 9:31 PM , Blogger Aia said...

xienah: mas mura naman sinasakyan mo.

 
At July 13, 2006 9:32 PM , Blogger Aia said...

kaishie: kasi naman e.. ulirang estudyante. chachaka ka nyan pag dating mo ng college.

namiss din kitang gaga ka. update mo naman blog natin kahit paminsan lang.

 
At July 13, 2006 11:44 PM , Anonymous Anonymous said...

sana nga aking mahal pero imposible.. ako ngayon ay nasa kabilang panig ng mundo at nasusubaybayan lang kita sa tulong ng 'yong blog... mag-iingat ka parati...smile!! :X

 
At July 13, 2006 11:52 PM , Blogger Aia said...

farkas: paano naman ang ating pagmamahalan.. mahirap ang malayuan. magpakita ka na! umuwi ka na sa ating bansa.

 
At July 14, 2006 6:50 AM , Anonymous Anonymous said...

ano ba ang sistema dito??uhmmm oo maganda kung kokompara sa pinas..pero mas gusto ko ang sistema sa pinas..mas maganda kung mejo magulo kase dun makikita talaga mga survivors...:)

kumusta pala ang artista?:)

 
At July 14, 2006 7:10 AM , Blogger CLARA said...

ah! may boyplen ka na pala? whoa! ngayon ko lang nalaman yun ah! di mo naman kasi nababanggit sa mga post mo! taga-san siya? wala lang! na-curious tuloy ako!

haha! gumaganun pa eh nu? baliw talaga yun! nakasabay ko nga yun sa tricycle nng isang araw (pauwi na)! kasama niya si agnes (kapatid niya) ...

wala lang!

 
At July 14, 2006 9:31 AM , Blogger Aia said...

didi: sa bagay.. tama. nakaka survive pa naman mga nilalang dito kahit isang beses lang ata nakakakain yung iba.

masama ang araw,.. simula ng post na to. tsk.

 
At July 14, 2006 9:36 AM , Blogger Aia said...

clara: hahahahahah! oo may boyplen nako. magtu-two years na kami sa sept 24. ^_^ 3 mos to go.

lahat ata ng mga blog friends ko nagugulat kapag nalalamang may boyplen na ko. hahahahha!

klasmeyt ko sya since grade1. kaberx ko din sya. sa uste sya ngayon. ^_^

ayy nag drama.. alam daw ng parents nya may pasok. aalis ata, gusto daw mapagisa. hmmm. wag mo sasabihin sa pamilya nya a. sssshh.

 
At July 14, 2006 9:39 AM , Blogger Aia said...

gian: naku.. pangalawang araw na kahapon e. sana naman ngayon hindi. =i

ingat din. :)

 
At July 19, 2006 12:39 PM , Anonymous Anonymous said...

Kyut? Alam ko na yun hahaha... Pero di naman ata ako nakikita nung sinasabi mo e hehehe =)

 
At December 12, 2006 10:58 AM , Anonymous Anonymous said...

I have been looking for sites like this for a long time. Thank you!
»

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home