<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/12329769?origin\x3dhttp://tutsangkulot.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Friday, June 16, 2006

Ang sarap ng ulam namin.. CALDERETA!!! O, wag ka maiingit, di naman ako nagenjoy sa kinain ko e. Maluha luha na nga ako habang kumakain e, hindi ko tuloy naubos. Di ko alam kung may lahing bicolana yung bago naming kasambahay o talagang natuwa lang sya kakalagay ng sili dun sa putahe. Akala ko pa naman na perpek na ang caldereta namin, tsamba lang pala. T_T


Ngayon lang ako nagkalakas mag internet uli, hindi dahil wala akong internet card, f.y.i. mayaman ako ngayon pero syempre joke lang yan, pero dahil pag dating ko sa bahay bagsak kagad ako. Para na nga talaga akong gulay na hindi nabenta (kanino kaya galing yan?).

Nakakapagod mag komyut, lalo na kung ang mga makakasabay mo e hindi ata naturuang maligo ng mga magulang nila o kaya naman sadyang la nina lang sa bayan nila. Dapat sa mga LRT station bago pumasok may libreng paligo sa pulbo at pabango sa gayon kahit siksikan walang magrereklamo na mga nostrils.


Kagabi napanaginipan ko na kasali ako sa second teen edition ng PBB. Senyales ba ito?


P.S. Naalala ko yung hirit ng pinsan ko.
Insan: Ta, si janfeb parang naka frenchtip na black.
*lahat kami sabay sabay na tumingin sa daliri ni insan*
Lahat: Hahahahahahahaha! Waheheheheh! Wakokokoko. Buwahahahaha!

28 Comments:

At June 16, 2006 10:09 PM , Blogger k-I-R-s-t-y said...

oi! naku, pag nasa D.Jose palang ako, sa labas, nag-iipon na ako ng oxygen kasi para sa loob ng LRT. Sa loob kasi di ako humihinga dahil sa amoy, tangina talaga! Ilang stasyon pa naman bago makarating Monumento galing D.Jose. Lalo na dun sa puro mga kalalakihan lang, amoy hipon na panis na di maintindihan na may toppings na di malaman. Basta. Hahahaha

 
At June 16, 2006 11:55 PM , Blogger vaN said...

join PBB! ;D

 
At June 17, 2006 12:40 AM , Anonymous Anonymous said...

hehe agahan mo para wala pang tao >:) jk jk pis! pis! :D

 
At June 18, 2006 1:44 PM , Blogger CLARA said...

haha :D ang layo naman kasi nng bahay mo. ayaw mo pa magdorm. kawawa ka! magdorm na kasi, para may kasama si lianne! haha :D

uu. magkaka-amoy-an talaga kayo sa lrt. siksikan dun eh! lalo na kapag umaga! dapat mag-lrt ako nng thursday! kasooo ... ang daming tao! nyaaaaahhh! ayoko nga! ayokong suminghot nng mabantut!

baka nga sensyales na yan, sumali ka. haha! na-kwento ko na ba sayo? sumali ako dun eh. nag-audition ako! pero hanggang 1st screening lang ako pumasa, tas pinabalik ako! kasooo di na kaya nng charms at powers ko si direk! sayang! pero okei lang! aba ... ang dami kayang nag-audition! tas napili pa ako sa 1st screening! astig, kasabayan ko nga nun si aldred!

 
At June 18, 2006 6:42 PM , Blogger Aia said...

kirsty: dun ka sa line 1? ayoko dun. >.<

 
At June 18, 2006 6:43 PM , Blogger Aia said...

bes: :p

 
At June 18, 2006 6:44 PM , Blogger Aia said...

nina: asa ako! hahahha.

 
At June 18, 2006 6:45 PM , Blogger Aia said...

mervin: nax. nag comment. hahahaha!

 
At June 18, 2006 6:46 PM , Blogger Aia said...

gelpren; sinabi mo pa. tulo nga ng tulo sipon ko e.:p

 
At June 18, 2006 6:48 PM , Blogger Aia said...

moey: sinabi mo pa. hahahahah!:p

 
At June 18, 2006 6:54 PM , Blogger Aia said...

clara: ayoko talaga mag dorm. una kasi ayokong asikasuhin ang sarili ko, gusto ko buhay prinsesa. iisipin ko pa yung kakainin at susuotin ko araw araw. pangalawa wala akong laptop. pangatlo mamimiss ko kwarto ko. basta, i have my reasons.:p

ngak! hahahaha. natawa lang ako talaga sa panaginip na yun.:p

WEH??? SUMALI KA??? AS IN??? sayang. astig. hahahaha! di ako matatanggap dun.. wala akong talent e. ahahaha.

 
At June 20, 2006 3:42 PM , Blogger mr_diaz said...

tama! dapat amuyin muna ng mga guard ang mga sasakay sa LRT. kung mabaho bawal sumakay hahahaha

 
At June 20, 2006 6:22 PM , Blogger fivestarmaria said...

aia!!!! musta uerm? :) nako , alam mo ba nasan ako ngayon? nasa ust library, nakikiinternet. sosyal! sorry di ko mabasa posts mo ah, nako. la na kong card. :D saka mag meemeet kami ni chris mamaya.:D hehehe. kasama ko ngayon si donyl eh. lalang. sana kitakits sa lrt2.:D

miss ko na kayo..:D

 
At June 20, 2006 9:55 PM , Blogger star7angel said...

new link [ piiinkstar-angel.blogspot.com ]. pa change po. miss you

 
At June 21, 2006 10:37 PM , Blogger k-I-R-s-t-y said...

galawgaw naman.

 
At June 22, 2006 11:28 AM , Blogger fivestarmaria said...

aia...:) namiss ko kayo..:D ang ganda naman ng uniform nyo ah. naks, nag memake up na si Nene.:)) ;p sana maulit.

 
At June 22, 2006 1:55 PM , Blogger Maelou said...

haha... sang station ka ba aia? ay.. line pala,

uy..sa ue manila ka din ba umaatend ng pe subject?

 
At June 22, 2006 8:17 PM , Blogger CLARA said...

Hello :) Naiitindihan naman kita. Siguro nga, marami ka kasing maiiwanan dyan!

Oo. Sumali ako dun, haha! Tanong mo pa kay bestie! pinapasali ko nga siya eh. Ayaw! Sabi ko nga, samahan ko pa siya!

Ano ka ba, 1st screening titignan kung telegenic ka eh. Pasok ka na dun! Promise :D

 
At June 23, 2006 12:18 PM , Blogger Aia said...

mr d: hahahahh! edi ang luwag sa lrt nun ano? hahahhaa.

 
At June 23, 2006 12:20 PM , Blogger Aia said...

aunj: samin din may internet. lahat naman ata ng university.. yung iskul lang talaga natin ang bulok. hahahah.

gash.. mukhang halata ata ang aking make up. huhuhu!

namiss kita grabe!!!

 
At June 23, 2006 12:21 PM , Blogger Aia said...

kirsty: hahahah! kapagod mag komyut, katamad tuloy mag update.:p

 
At June 23, 2006 12:22 PM , Blogger Aia said...

maelou: line 2 ako.

oo, dun pe namin tuwing tues and thurs. dun din subjs namin pag tth. 11 hours and 30 mins nga kami sa campus na yun e. >_< pero sanay na.. onti. hahaha!

 
At June 23, 2006 12:24 PM , Blogger Aia said...

clara: oo, marami talaga. hahahah.

tinanong ko na. hahahhaha! ang kulit.. may kinuwento sakin yun, sinulatan ka daw nya nung bata pa kayo kasi may gusto daw sya sayo tapos tinapon mo lang daw yung sulat. hhahahaha!

 
At June 23, 2006 12:25 PM , Blogger Aia said...

gian: uyy ano ng balita sayo? gash...

nakita ko si aunj nung... kahapon. hahaha! sa lrt kasama nya si chris. wala lang. hehehe! ^_^

 
At June 23, 2006 7:08 PM , Blogger CLARA said...

HAHA :D loko yun ah! knwento pa sayo eh nu? proud? haha! actually, di ko na masyadong matandaan yung nangyaring yun. ewan ko, parang natatandaan ko ... pero parang panaginip. alam mo yun? haha!

last year ko nga lang yung naalala eh, kasi pinaalala niya sa akin! haha :D ang gulo!

kamusta naman? ayos yung bagong layout ah! astiggg!

 
At June 23, 2006 7:25 PM , Blogger Aia said...

clara: proud nga ata. pero habang kinukwento nya yun, parang nalungkot.. sabay tawa. hahahah!

ikaw.. bakit ayaw mo dun. gwapo gwapo ni bestfriend mo e. pag nakuha ko dun sa blakmeyt namin yung pics nya, sesend ko sayo. kyut nya dun! hehehe.

ayos naman. pagod!!! :D ikaw?

nga pala, kahapon o, nag coconcert si dre. hahaha! kasama nya mga girls, (girl magnet) hahaha, tapos nakaupo sa table, kumakanta, biglang bumulong ako sa mga malapit sakin "TIGNAN NYO SI DRE!!!".. ayun.. feel na feel ang pag kanta. nasaksihan ng buong klase. astig nga e!

 
At June 24, 2006 5:36 AM , Blogger CLARA said...

weh? nalungkot siya? di nga? seryoso? nakuuu ... nalungkot din tuloy ako :( tagal na nun ah ... hanggang ngayon nalulungkot pa rin siya? hayyy ...

ha? aheheh :D basta, may sinabi naman ako kay drei eh. basta napag-usapan na namin yun last summer 2005. haha! actually, gusto ko rin siya. pero errrr ... darating din siguro yung right time. ayaw ko naman kasi magmadali eh. haha! ayan ... nabuking na ako! haha :D sabi ko kay drei ... DATI naging crush ko siya ... haha! pero hindi niya alam ... hanggang ngayon gusto ko pa rin siya :D uyyy ... tsismis! ayaw ko pa sabihin eh ... kasi basta. LABO!

sabi nga ni mader-hood ko, dito daw sa kapitbahay namin natulog si drei. binabantayan ung dalawang chikiting! baet :*

weh? haha! yun talaga ... concert king! haha! sige, sige! padala mo sa akin ah... thedoll_o1@yahoo.com.ph (yung o sa o1 ... small letter o!)

busy ako ngayon ... sobra. tsaka nakakapagod! minsan nakakatulog na lang ako! may sakit pa ako ngayon! hayyy :(

 
At June 24, 2006 11:10 AM , Blogger Aia said...

clara: SABI NA E!!! bagay talaga kayo. sobra!!! eeekk.. aabanagan ko yang istorya nyo. aasarin ko lagi yun.:p hahhaha.

bait nga yun sobra.. karir pa ang pag aaral.:p

sige papadala ko jan kapag nakuha ko.:D

tsk. magpahinga ka! wag na magpc. magagalit nyan si bestfriend mo. hahaha.

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home