<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/12329769?origin\x3dhttp://tutsangkulot.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Friday, March 03, 2006

GRADUATE NA KO!!! Well, malapit na. 21 days na lang, aakyat na ko ng intablado. Meron na akong isang sure award, ang LOYALTY AWARD. Nyahahahahhah. Ayos to!

Hindi talaga ako makapaniwala. Tapos na lahat. Excited na ko magkolehiyo. Excited na ko tumambay sa LRT. Excited na ko makasama sa gimik ng pinsan ko. (Asa!) Excited na talaga ako. Kaya lang.. kanina binasa ko ulit yung ABNKKBSNPLAko parang nawala yung excitement ko sa next phase ng student layp ko. Parang ayoko ng magkolehiyo. Parang ayoko na talaga! Pero ayoko na rin naman sa highschool. Isa lang yan... AYOKO NA MAG-ARAL!!! Ayoko na talaga.


Nung isang araw naguusap-usap kami ng barkada ko. Napasok sa usapan ang kursong pinili namin. Napaisip ako.... hindi ko alam, parang ayoko ng mag nurse. Ewan! Wala rin naman akong ibang gusto. Hindi ko kasi alam yung magiging trabaho ko sa ibang course na option ko (BOBONESS ang umiiral). Sabi nila bagay daw kung mag-a-advertising nalang ako, yung something to do with designing o kaya naman fashion o commercials. Sa totoo sumagi sa isip ko yun. Pero ewan (As if naman no)! Ito gusto ng biological parents ko, gusto ko rin naman sya. Gusto ko iangat sa kahirapan ang pamilya namin, gusto ko matupad ang pangarap ni ina na makapunta sa ibang planeta. Gusto ko mabayaran lahat ng utang namin. Gusto ko mabilhan ng bagong damit ang tatay ko (puro nalang kasi boxers ang binibili nya kapag umaalis kami). Gusto ko bisitahin yung alien parents ko. Gusto ko manlibre. Gusto kong magpainom. Gusto ko ng ipapatay yung mga taong asa KILL LIST ko (lalo na yung hipag ng kaibigan ko). Gusto kong yumaman. Gusto kong yumaman na hindi. Gusto ko na nang relax na buhay. Gusto ko wala nakong proproblemahin. Gusto ko ng mapuntahan ang huling stage sa heirarchy of needs na Self Actualization, pero ayoko pang mamatay. Gusto ko ako na ang nagpapatakbo sa buhay ko. GUSTO KO!!! Gusto ko nang gumanda ulit. Matutulog nalang siguro ako.


Buong araw lang akong natulog, nagbasa at nagtext ngayon. Ansaya ng ganitong buhay! Buhay batugan. Sabi namin ng besy ko pagkatapos ng lahat, magpapahinga talaga kami. DESERVED REST!!! Ito, kasalukuyan ko sya tinutupad. Waahoo. Kahapon naman, masyado naming ine-enjoy ang pagwakas ng exams. Ito ako (kahapon. Sige pindutin mo ng makita mo), senglot! Wapak. Hinatid ako ni Bes pauwi. Astig nga at nakuha ko pang makipagkita sakanya sa McDo. Alam ko lahat ng ginawa ko. *beh* Kala nyo hindi no? Hahahahaha. Pag uwi ko kagabi, instant grounded! Bawal daw ako umalis ng Friday at Saturday. Naamoy pa ko, pero syempre ang nanay ko e medyo may pagka-insert insult here sa katawan, napaniwala kong hindi ako uminom. Ayos! At ngayon, susundin ko na sya, mag o-offline na ko. Baka tumagal pa ang pagka grounded ko. Hahahaha.

30 Comments:

At March 04, 2006 10:29 AM , Blogger yhum said...

haha.. well deserve rest ay dapat itupad talaga! wala nang pasok pasok to! bwahahaha.. hindi ako nkainom kagabi.. wala lang..

 
At March 04, 2006 12:34 PM , Blogger Aia said...

yhum: bakit hindi? korny!! sinu-sino ang andub?

 
At March 04, 2006 2:44 PM , Anonymous Anonymous said...

mag ggraduate knaaa! buti kpaaa. ako ewaaan. bwiset kasi na canada toh dami dami pang chechebureche. parang tukmol=/

 
At March 04, 2006 3:12 PM , Blogger Aia said...

gee: saan ka sa canada? wala alng. dyan din yung kaibigan ko e.

yeah. gragraduate na ko! kaw, ilang taon pa?

 
At March 04, 2006 10:18 PM , Blogger Aia said...

am: sosyal.

 
At March 04, 2006 10:20 PM , Blogger Aia said...

gino: ayy nako!! hahahaha. wuv yu tu bes. :D

 
At March 05, 2006 1:20 PM , Anonymous Anonymous said...

Waaaa nawala yung napakahaba kong comment dito... Hehehe... Ganito na lang...

Ituloy mo ang nursing dahil maganda ang kinabukasang ipinapangako nito sa ating lahat *yeah*... Although mahirap ang nursing dito sa Pilipinas, kaya natin yan. Magagaling tayo e. Hehehe =)

 
At March 05, 2006 7:31 PM , Blogger Maelou said...

daming nursing ngayon ah...pero di ba malapit na yun hindi maging in demand? baka after 4 years,pag graduate ng college eh laos na ang nursing...

 
At March 05, 2006 8:41 PM , Anonymous Anonymous said...

huwaaaw. buti kpa gagraduate kna. ako, isang taon pa. waahhhh!

ang saya nung entry mo hah, ang dami mong gusto ngunit ang bottom line lang pala ay nais mong matulog. hahahaha. patawa ka talaga. tingnan mo abot batok na naman ngiti ko. hahahaha.

o sya, saan ka pala magcocollege? nursing? so ust, ceu, up? wla lng. ako rin, gusto ko na rin mgcollege para uwi nako sa pinas at dyn na rin ako sa manila para makatambay na rin sa lrt. hehehe. miss ko na ung burger machine, ung mga fishballs, ung isaw. muahahaha.

cge, sobra na ito. tapos na akong tumae.

 
At March 06, 2006 2:11 PM , Blogger Aia said...

paoe: nako badtrip yung ganyan. kapag nabubura yung mga pinopost ko nanggigigil talaga ako. lumalabas yung alter ego ko. nyahahahahaha.

kpag siguro di ko kinaya tsaka na lang ako magpapalit!

 
At March 06, 2006 2:16 PM , Blogger Aia said...

maelou: ewan! sa totoo mas gusto ko maging doctor kesa maging nurse. nung nagojt ako, lagi silang inuutasan [DOI!!!] e ams gusto kong naguutos.:P hahahaha.

sana makapasa ako ng board exam para makuha ako ng tita ko patungo sa ibang bansa.

 
At March 06, 2006 2:19 PM , Blogger Aia said...

marty: oo, magka college na ko! ansaya saya. pero mas marami nagsasabi na mas masaya ang highschool, pero feeling ko hindi. nyahahahahah!

huy, hindi ako nagpapatawa no, totoo yan.:P

tama, umuwi ka na dito. mas masaya sa pilipinas, puno ng polusyon at mga holdapers/kidnapers/carnapers. at kung ano ano pang napers. hahahahahhahahaahhahahahahahaha.

 
At March 06, 2006 9:29 PM , Anonymous Anonymous said...

HETO NA NGA PLA IYONG SAGOT KO SA KATANUNGAN MO HEHEHEH

EJAY nickname ko Ayeka kasi realname ko is RIKAELA AYEKA DENISE (whuuuuu igsi no) hahaha.. sabi mom ko ninang ko (besfren nya) ang ngbigay ng name ko dapat daw kc iyon ang ipapangalan nito sa anak nito kya lang lalaki ang lumabas (hahahaha) at sa kasamaang palad di na magkakaanak ulit un ninang ko kc ngkaron daw yata ng problem kya ayun un name na gus2 nya since wlaa maisip ang parents ko na ibigay na name ayan ninang ko ang ngbigay na ubod nman ng haba (asar nga e lalo na sa exam ngsismula na iyong mga clasm8 ko sa pagsagot ako nasa pagsulat pa lng ng name ko (hahahaha) kya madalas EJAY ang ginagamit ko (nickname ko) iyon nmang pangalan na yan ay kinuha sa mga pangalan ng magulang ko (pinagdugtong) ang layo ng nick ko sa name ko no hahahahah gulo* ayan sana hindi kana maguluhan kung bkit ganun name ko prang anime hahahaha (oo nga pla un besfren ng mom ko half japanese kya ayun prang hapon name ko hahahahaa)

 
At March 07, 2006 1:09 AM , Anonymous Anonymous said...

Alter ego mo? Hehehe... Ako lumalabas ang alter ego ko pag natatalo ako sa PlayStation. Hahahaha...

Wag kang mag-alala... sa kursong nursing, sigurado ka! (?) Andito naman ako na isang nursing student na naghihirap (?) para tumulong sa mga nangangailangan. Hahaha =)

May nabasa ako sa isang aklat (yeah "aklat") na isa sa mga pinakamahalagang step towards success is believing that you can do something. Self-hypnosis, in a positive way, is a foundation for success. Kaya have that positive attitude. =) Wag mo intindihin ang mga hinaing ko ngayon. Bitter lang talaga ako. =)

 
At March 07, 2006 5:59 PM , Blogger Aia said...

ayeka: hayop sa Hx ng pangalan. [yikeee paoe ginamit daw ba ang Hx. hahaha]

oo nga, pang anime nga pangalan mo. aliw nga e, akala ko una net name mo lang yun. hahahah.

 
At March 07, 2006 6:03 PM , Blogger Aia said...

nika: salamat.:D

may isang taon ka pa, lubusin mo ang mga panahong kasama mo ang mga kaibigan mo. YAK DRAMA BA ITO!!! hahaha.

 
At March 07, 2006 6:05 PM , Blogger Aia said...

paoe: ayy ganun din ako, lumalabas din kapag natatalo ako sa computer games. lalo na pag natatalo ako ng boyplen ko. hahahahah.

teka, bakit andrama? hahahah. hayaan mo tatandaan ko yang sinabi mo na nabasa mo sa aklat. :D

 
At March 07, 2006 8:05 PM , Blogger babaeng pusit-saging said...

hi aia!! ako din ggraduate na...hehe..excited na rin...AT AYOKO NA RIN MAG-ARAL..tama na ang high school...dba? wag ka na rin magcollege, bumalik ka na sa outer space, sabi nila mas masaya daw dun..=P asteeg, loyalty award, sana ako rin..hehe.asa..=)

 
At March 07, 2006 8:30 PM , Blogger Aia said...

johanna: eeek.. magiging college students na tayo. Astig! kaya lang tayo nanaman ang pinakabata. hehehe.

ayy nako kung pwedeng poreber nalang akong relax e. hehhe.

may loyalty award din naman sainyo diba?

 
At March 08, 2006 2:40 PM , Blogger Aia said...

moomoi: nyahahahaah. yun ang pinaka sure kong award. saan umakyat ako ulit ng stage. hahhaah.

mahirap nga talaga yun, kaya ako ayoko maging masyadong masaya!

 
At March 08, 2006 4:36 PM , Blogger fivestarmaria said...

hello there. haha.:) alam mo dapat ako unang tae dito eh kaso biglang naubos card ko. ahha.:) ano nga ba sasabihin ko? ako kinakabahan parin sa college. hmmm. siguro dahil di pa ko ganon ka street smart. ako gusto ko sana mag speech sa grad natin kaso. malabo. haha.:)

:)

 
At March 08, 2006 5:15 PM , Blogger Aia said...

aunj: nyahahahah. naunahan ka tuloy ni bobby.:P

ako hindi ako masyadong kinakabahan kasi alam kong may kasama ako. nyahahaha!

malay mo naman, mag iispeech ka. dont lose hope.

 
At March 08, 2006 8:55 PM , Anonymous Anonymous said...

Madrama ba? Hindi naman e hehehe (?)... =) Madrama siguro ako sa written (?) kasi hindi bakas sa aking mukha ang mga emosyon unless pilitin ako. Hahaha =)

Nakasira ako ng maraming Family Computer at isang PlayStation dahil sa pagwawala ko pag natatalo. Hahaha...

 
At March 09, 2006 9:28 PM , Blogger Aia said...

paoe: naiimagine ko tuloy. malamang kapag may sinabi kang seryoso sa kung sino pagtatawanan ka lang nila kasi walang ka emosyon emosyon. nyahahahahahha.

GRABE!!! halimaw ka.

 
At March 11, 2006 4:15 PM , Anonymous Anonymous said...

Pero dahil PlayStation 2 na yung andito, iba na lang sinisira ko pag natatalo ako. Hahahaha. Maghahagis na lang ako ng kung anumang hindi mahal tulad ng suklay o bote ng Hugo Boss (dyok haha)...

Kadalasan wala akong reaction, parang hindi malaman kung ano ba talaga nararamdaman ko. Pero minsan napapagkamalan din akong galit o seryoso kahit hindi naman. Nakita ko isang beses (isa lang?!) sa salamin nung napatawa ako. Ampangit ko (?)

 
At March 11, 2006 5:23 PM , Blogger Aia said...

paoe: akala ko kaya mo pa ring sirain yan e. nyahahahahah.:P

nakakatakot siguro itsura mo. siguro mga pasyente mo maghehesitate na magtanong o magpa assist sayo. JOKE!:P

 
At March 12, 2006 4:20 AM , Anonymous Anonymous said...

Controller na lang ng PlayStation 2 nasisira ko dati (nung may time pa ako maglaro at matalo haha)... Kaso mahal din ang controller ng PS2 (yung original), umaabot ng P1,500. Kaya nagiingat na din ako. =)

Nakakatakot ba itsura ko? Hindi naman siguro... Hehehe... Yung isang pasyente ko dati bait na bait sa akin (hindi nga rin ako makapaniwala e haha)... Tapos yung isang lolo natutuwa din sa akin. Haha. At may na-inlab sa aking bantay. Bantay na... bakla. Argh.

 
At March 12, 2006 5:24 PM , Blogger Aia said...

paoe: mahal nga! yung ps [low tech ako] walang controller, ewan ko kung saang lupalop ng bahay namin dinala ng mga bubwit na kaibigan ko.

hmmm. joke lang yun! katakot kasi diskripsyon mo sa sarili mo.

bakit kaya karamihan ng kaibigan kong lalaki mabenta sa bakla...

 
At March 12, 2006 7:47 PM , Blogger vaN said...

at ano naman ang echinika ni yayam???

anyhoo, wers ol ur stuff??? ^_^

 
At March 12, 2006 8:55 PM , Anonymous Anonymous said...

Hehehe... Pero may nagsasabi sa akin na mga kaibigan ko na kung hindi daw nila ako kilala ay matatakot sila sa akin. Hindi ko malaman kung bakit. Mukha naman akong maamo. (?)

Bili na lang kayo ng controller ng PS na yung mura lang... Merong P150 ata isa. Hehehe =)

Sana sa babae na lang ako mabenta (?)

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home