May dalawang klase ng tao sa mundo, and trend setters at ang mga WALANG originality. Pero sa totoo medyo wala naman kinalaman ang post ko dito. Gusto ko lang sabihin. No aze? Hahaha.
Naiinis ako kapag isa sa mga bagay na gustong gusto ko ay nagiging mainstream. Naiinis talaga ako! Katulad nalang sa banda, sa damit, sa buhok, sa laro. Sa pagkain hindi. Naiinis talaga ako!!! Grrr. Nakakainis naman talaga diba? Naiinis ako kapag feeling nila mas marami na silang alam sa bagay na yun. Naiinis ako kapag feeling nila mas magaling na sila sa akin [na kadalasan yun talaga ang nangyayari]. Naiinis ako kapag nagiging inspirasyon ako ng kung sinong tao sa pananamit. Naiinis ako! Naiinis ako! Nakakainis talaga.
Kagabi, nakaharapa ako sa salamin:
AKO: Ma, mawawala na yung bangs. [abot outerspace ang ngiti]
MA: Bakit ayaw mo na magbangs?
AKO: Ayoko na, masyado na kong maraming kamukha sa mundo. YAK!!!
MA: [binulong sa maid namin ng ubod ng lakas] Ang anak ko ayaw talaga ng may kapareho.
AKO: OO, AYOKO!!! AYOKO, AYOKO, AYOKO, TALAGA!!!
Siguro pikon lang talaga ako. O siguro ayoko lang magpatalo. O kaya naman gusto ko siguro sa akin ang atensyon. Malamang.. malamang yun na nga yun. Gusto ko sa akin ang atenstyon. Attention seeker ako! Di ko itatanggi yun. Dulot siguro yun ng pagiging only child ko. Sanay akong maligo sa atensyon galing sa nanay at tatay ko, sa maid namin, sa aso namin, sa mga kaibigan ng magulang ko, sa mga kaibigan ko nung bata ako, sa mga kapit-bahay. Sanay akong lagi ako ang bida, lagi ako ang maganda. PERO KAHIT SANAY AKONG SA AKIN ANG SPOTLIGHT, never akong naging papansin, yung katulad nila [insert names here] na kung magpa-kyut e akala mo wala ng bukas. Hindi ako nangaagaw ng mikropono ng may mikropono [hindi yan literal dahil kaboses ko si Inday Badiday kapag kumakanta o kahit nagsasalita]. Ang pangit pala ng ugali ko! Hmmmm.
Napansin ko to nung isang araw, pagkapasok ko para akong naka-invisibility cloak. Hindi ko nalang ininda, tuloy lang ako sa paglakad. Umuupo ako dun sa likod, nagpaka-loner effect ako, at success may pumansin naman. Yung mga naturing kong kaibigan ang lumapit at medyo parang napilitang humalik sa akin [sorry yun talaga ang napansin ko]. Noon ko naisip ang nasabing pangit na ugali. Sanay akong pagpasok ko maraming bumabati, maraming bebeso [na ramdam kong from the bottom of their heart]. Nasaan na kayo yung mga kaibigan ko? Napansin ko rin, wala pala ako ganun ka-close sa mga babae kong ka-class/batchmate. As in yung mga mala-bestfriend na ka-close. Iba pa rin talaga kapag babae ang ka-close mo. Hindi nga rin pala ako "one of the boys", sa totoo wala akong ka-close na lalaki, maliban syempre kay [itago nalang natin sa pangalang] Ibanni. Saan kaya nagsipuntahan mga totoo kong kaibigan, ang aga naman nilang magbakasyon.... .. .
14 Comments:
hahay aia. i understand what youre saying. i totally do. nako, minsan ata nagagaya din kita pero syempre unintentionally noh. ayoko din ng may kapareho at kashare ng atensyon. selfish ako eh.:)
haha.:) yung issue naman sa pagiging hindi mo masyadong close sa girls eh tingin ko hindi naman talagang totoo. kung totoo man ang tingin kong dahilan dahil dun (ha?redundant ata) e naiintimidate sila sayo. HELLO. ang ganda mo, hanep ideas mo, muka kang napaka mayaman (hahah. uyhhy smile na). haha.:)
gusto ko sanang maging close sayo like before (haha. LETTERS), kaso basta. haha.:) drama. cge ang haba na nito.
picturean sa EK bukas ah!! SLEEVELESS IA.:)
aunj: ako rin, selfish din ako. sobra!!! :)
oo nga no, issue ito.:P malamang kasi ako na rin ang nagdedeprive sa sarili ko. BAKA!! hahaha. oo nga., letter and all. YAK DRAMA NGA ITO!!! siguro naging busy tayo sa ating own lives... siguro. hahahaha.
PICTURE!! DAPAT TADTARIN ANG BLOG!!!:P
haaaayyy... naranasan ko na din yan dati...sa barkada kasi namin, 11 kami tapos basta..minsan feeling left out,
seryoso ba? hehehehe....
ako rin may pagkaganyan.. ayokong ginagaya ako.. siguro dahil na rin sa minsan yung pangga-gaya nayun ng ibang tao sa akin.. ay nakakasira rin sa image ko sa ibang tao..
ok lang yan , aia. naiintndhan kita. ^_^
mooi: nyahahahahha. APIR!!! ako naman hindi sanay na nagdradrama. hindi ako sanay na sinasabi mga nararamdaman ko sa kanila kaya siguro hindi rin sila nagsishare sakin.
yak nagdradrama pala ako!
maelou: kami 8 ata or 10 pero kahit isa sa kanila alam kong walang pake sa personal life ko. [pero ewan ko, yun lang siguro ang nararamadaman ko] ah basta! at alam ko rin na lahat sila e walang tiwala sakin. ni maliit na bagay di nila kaya sabihin. ansakit kaya.
HOY SERYOSO AKO!!! hahahhaha. di ako nagjojoke ha.
tama na nga drama. di ako sanay! yak!
bes: i know that. :)
gelpren: aaaawwwww. touch ako gelpren. I LOVE YOU! :*
sandra: marami naman pala tayo sa mundo e. hahahaha. :D
kathryn: oo nga nagiging madrama na ko! kadiri. yak. so so ever. hahahahhaa. buti at naayos na.:P
tinadtad mo nga yung comments ko. salamat. :P nagmukhagn marami tumatankilik sa akin. nyahahhaa.
oh?! (gulat yan...)
maelou: oo. promise.
si ibanni lang? :'c
si ibanni lang? :'c
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home