Ayoko talaga kapag umuulan. Malungkot... maingay pa. Di ko masyadong makuha kung bakit gusto ng mga tao ang ulan. Siguro kasi malamig. Malamig nga malungkot naman. Siguro kasi masarap matulog. Paano naman hihimbing ang tulog mo e maingay naman. Siguro kasi masarap humigop ng sabaw. Siguro kasi.. siguro kasi abnormal lang ako kaya nalulungkot ako kapag umuulan. Naaburido kapag umuulan. Natatakot kapag umuulan. Natatakot nga ako. Takot ako sa kulog! Pero hindi ako katulad ng mga pokpoking babae na kung sumigaw ay kala mo kinalbo kasama kilay kapag nakaka strike si San Pedro.
Nakakatakot naman talaga e.. parang gugunaw ang mundo. Parang babalik ang diablo sa balat ng lupa para muling maghasik ng lagim. Naggflaflash back sakin yung mga scene sa Passion of the Christ. Parang nagaganap lahat ng karahasan at karumaldumal na gawain kapag kumukulog. Parang sinyales at tatak na magiging miserable ang buhay ng bawat isa. Kaya natatakot ako sa kulog.
Pero ang pinakakinatatakutan ko ay ang mga posibilidad na mag brown out.
9 Comments:
jap: hindi mo lang makausap.. nababangag ka na! hahaahah.
ay alam mo ba. nung elem ako. sobrang takot ako sa ulan. talaga! feeling ko kasi aapaw yung taktak, tas kakailanganin namin ng salbabida para ma salba mga ari arian namin at yung mga sarili namin. grabe pag umuulan, umiiyak talaga ako. ayoko ng ulan dati. pero ngayon, di na masyado. wag lang bahain ang uste.:))
kidlat? kulog? takot ako dyan pareho. pakiramdam ko galit sakin si Almighty Father. Pakiramdam ko sakin tatama bawat kislap.:))
wahaha..akala ko seryoso ka sa entry mo..biglang sa huli..hehe..ang kulit mo talaga magsulat ng entry..pero normal lang kaya matakot sa ulan..nauso lang ang matuwa ang tao sa ulan dahil sa pagsesenti..hehe..ewan ko ba..cge daan ulit ako next time! mwaaah!
ayoko rin pag umuulan. nakakalungkot. lalo na pag ikaw lang magisa sa bahay. at ndi nahihigitan ng mp3 sa computer ang lakas ng ulan..:(
hehe. onga ano..mahirap na pag may brownout.o_O
Ako din sobrang takot ako sa kulog pero sa kidlat mild na takot lang. Dahil diyan naaalala ko ang mga kwento ni Maelouga tungkol sa katapusan ng mundo. Pero gaya ng sabi mo mas kinatatakutan ko sa lahat ang brown out lalo na pagnaco-computer ako kasi ibang usapan na yan at lalong-lalo na kapag nagpopost ako.
Onga pala di ko nasagot yung mga katanungan mo.
Oo, medyo babaklain si MAAM Guidance. Naku offense nanaman to! Wagi na talaga ako pang-6 na to! Haha..
Yung browser ko naman, sabi ng kapatid ko IE6 daw. :)
Salamat sa pagpayag sa link! Nahiya naman ako ang haba ng comment ko.. hahaha tawa ka na lang!
bes: doi! hahahaha!:p may kwekwento ako sayo.:D
aunj: =)) korny nyan a. joke lang.:p ahahaha.
johanna: uyyy seryoso naman ako sa entry ko ha! hindi ako nagjojoke jan,. promise.:) oo nga, ayoko pa namans a lahat yung feeling senti.
yayam: mahirap talaga! nawawalan ako ng buhay kapag brown. mainit wala pang pc. nakakabinging ulan at katahimikan.
kirsty: mahirap talaga! tapos hindi mo na marerestore yung mala shakespeare mong post. taena, nakakabantrip yun! sabi na e, medyo baklain si maam guidance e. takte, patay ka pa naabasa nya to., hahaha.
gelpren: nakakalungkot talaga no?
haha... yan lang ayaw ko talaga pag umuulan eh.. brown out! wala na lahat pag nag brown out! alang cellphone (pag low bat), lang cafe, alang tv!!!!!waaaahhh!!!
maelou: walang cafe? bakit? hindi ka makakapagtimple kapag walang kuryente? robot ba nagtitimpla ng kape nyo? nakyuryus daw ako.
pinaka ayoko sa lahat pag brown out, yung mawawalan ng elektrek pan. pagpapapiliin ako, mas gusto ko elektrek fan kesa sa teebee. pero wagi parin ang pc kung kasali sa pagpipilian.:p
moey: NYAHAHAHA! TAPOS SABAY KIDLAT AT KULOG, tingin ka dun sa bintana mo! NYAHAHAHHA! HOWLIW SHIMOKSS! hahahahahhaa.
naku.. i miss you biatch talaga!
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home