<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d12329769\x26blogName\x3dTutsang+Kulot\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://tutsangkulot.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_PH\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://tutsangkulot.blogspot.com/\x26vt\x3d2595693058098382631', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

Saturday, June 03, 2006

May kukwento ako tungkol sa pakiramdam ng pagiging tour guide, pag nonose bleed at *censored*. Wag na yung last part, kahiya e. Kwento ko nalang sa mga friends ko! Ansakit e, ang hapdi.(Literally)


Pero bago yun, ito munang latest. Ang galing mag sales talk ng mga saloner, hane? (o mas kilala sa tawag na parlorista) Ibang klase! Buti at hindi ko dala ang pera ko (nilibre lang ako) kung hindi mapapasubo talaga ako sa gastos. Hindi naman kami sa sosy na salon, dun lang kami sa afford ng madla. Itago ang nasabing salon sa pangalang "Index". Sinamahan namin yung pinsan naming esteyts sayd para mag pa-trim. Oha, edi nakalibre pa ko. Libreng hair spa. Habang nagaantay kami (ma-blower), walang humpay ang pagkumbinsi samin ng mga nasabing saloner na mag pa foot spa na rin. At wag ka, na uto ang pinsan namin. Edi napasubo, sabi ko nalang wala akong pera pero itong isa kong pinsan nagmamayaman (nakakuha kasi ng allowance sa ojt nya) at ililibre daw ako. Edi sige why not!?

Hindi rin maalis ang pagiging bolera nila. Taong happy sila! Ma-PR. Pero ayos lang, masaya mapuri once in a while.:)

At kanina.. hindi sa nagmamayabang.. sige na nga nagmamayabang na, para akong artista. SOSY talaga. Tatlo ang nagaayos ng buhok ko. Hindi sa hindi ma-handle ng isa ang pagkanipis nipis kong buhok (syempre sarcastic ako dyan) kung hindi.. nagagandahan lang talaga sila sakin.. . Ok, erase that! Kasi nararamdaman nilang magbabrown out, kaya nagmadali sila. Feeling artista naman ako dahil ang dami nilang nagkakagulo sa buhok ko. (two or more than two is many)

Ang haba na pala ng post ko! Sige, medyo bilisin na natin, baka ma-bored ka na sa pinagsasasabi ko. Hahaha.

Tour guide. Nagmistulang tour guide ako nung isang araw. Tour guide sa mall! Hahaha. Napakasaya ng araw na yan. NOT!!! Sobra, magdamag kaming naglakad, umupo at manood ng mga pangit na models na nagpapraktis. Tsss.

Nose Bleed. Ilang araw narin akong nagnonose bleed. Hindi sa may malubha akong karamdaman! Wala pa naman (pero mukhang malapit na), kundi dahil sa pagdating ng mga esteyts sayd naming cousins at isa lang sa kanila ang nakakaintindi ng tagalog (yung iba onti lang). Edi hinugot namin lahat ng naimbak na english words dun sa baol sa kaibuturan ng utak namin. Hirap maghalungkat ha! Hindi lang naman ako, pati mga iba kong pinsan. Lalo na si.. "They might lost." PEACE INSAN!!!

Sige tyaka na yung iba naming escapades! Ansakit na talaga e.. hapdi. ARRUUYYY!!!

9 Comments:

At June 03, 2006 11:06 PM , Blogger k-I-R-s-t-y said...

uy! may naalala tuloy ako, noon pa ito pero sa sobrang di ko makalimutan kaya she-share ko na lang sayo. Eto na nga haba ng intro eh.

Meron kasi akong kinakapatid na galing UK, hahaha syempre malandi dun with accent kaya ang hirap. Eh kabataan ko pa yun kaya medyo di pa hasa ang bokabularyo ko. Hahaha di ko alam yung ingles ng paniki, BAT. Edi ano hirap na hirap ako kasi may nakita sila kafated sabi niya "what is it?" basta ganun, todo ako explain hahahaha.. "They saw ah.. anu-ano anu-ano.. a bird but not a bird just like a bird but no!" Hahaha labo. BAsta nahihiya na ako.

Churi mahaba. Na-miss lang talaga kita. Hahahaha..

 
At June 03, 2006 11:17 PM , Blogger Aia said...

kirsty: nyahahahahhahahaha! syempre bumenta sakin yung memory mo na yan.:p

 
At June 04, 2006 10:15 AM , Blogger Aia said...

lianne: wala nanaman akong maget?

 
At June 05, 2006 12:36 AM , Blogger CLARA said...

may hinanakit ka ba sa akin? hindi mo naman ako pinahirapan basahin lahat nun d'ba? haha! pero okei lang.

mare! na-miss kita! haha :) buti naman at enjoy kayo sa ac.party! haha :) ganun talaga yun! supportive! haha :)

ha? nawindang ako sa sinabi mo! ako? inlab kay bestfriend? at aber, pano mo naman nasabi? hmmm????!

uyy, kinilig ka? haha! batet naman? kaw talaga, crush mo talaga si bestfriend! haha! uyyy ...

sige, TRY kong dumaan sa school ninyo kapag may time. kailan ba pasukan ninyo???? wala na kasi akong balita dun sa baliw na yun, haha! lapit-lapit lang naman nng bahay eh nu? at tsaka hindi kami ganun nag-uusap! i mean, sa phone? hindi masyado. ayuuun.

kami sa 15 pa pasukan eh! kayo? wala lang! o cia, siya nga pala nag-tag din sa akin si lianne! okei daw pala si bestfriend! SIYEMPRE naman :)

salamat mare!

 
At June 05, 2006 5:19 PM , Blogger yayam said...

waaaaaa! at least diba naging artista ka kahit sandali lang! :))

bat ka nagtour guide?? sa mga pinsan mo??? :-/

 
At June 07, 2006 2:09 PM , Blogger mr_diaz said...

hahahha! kala ko naman talagang dumudugo na yung ilong mo. naku mag-ingat ka baka sumama yung utak mo.

 
At June 08, 2006 2:01 PM , Blogger fivestarmaria said...

hahahhaha!! alam mo, ganyan talaga mga parlorista. alam mo, pag pumupunta kong salon nababanas ako. feelingko yung mga salamin sa mga salon nagpapapangit sa mga tumitingin. lalo na sakin. nako. tapos lagi na lang sinsabi sakin ng mga bakla na ang dry ng buhok ko, na ang kapal. kulang na lang sabihin nila na ang ang pangit ko. hehehe.:))

naks nalibre!:D

 
At June 08, 2006 5:49 PM , Blogger Aia said...

clara: hindi naman. slight lang. sige na nga, sa isa nalang ako magrereply. hahahaha!:p

wala alng.. basta bagay talaga kayo. hahahah!

try mo ha!!! sabhihn mo sakin kung pupunta ka para aabangan kita.:p

sa 13 or 14 ata. AYAN, ayos sa 15 pa pala pasok nyo, edi daan ka samin sa 14.. half day lang kami, hanggang 1130. daan ka na.:D

 
At June 08, 2006 5:51 PM , Blogger Aia said...

bianca: ayy naku.. sinabi mo pa!!

yayam: oo.. hahaha! aayy alam mo ba may kamukha ka sa skul namin, higher batch sya, student council. astig! kamukha mo.

bes: ngak, tampo pa!

mr d: ayyy naku.. muntik ng sumama, nasalo nung kausap ko. buti at naibalik ko ng maaga.

aunj: dapat sabihin mo.. "kaya nga ako nandito e, papaayos ng hair. di ako nagpunta dito para makipag chukaran." JOKE! hahahaha.

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home