<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d12329769\x26blogName\x3dTutsang+Kulot\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://tutsangkulot.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_PH\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://tutsangkulot.blogspot.com/\x26vt\x3d2595693058098382631', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

Saturday, September 16, 2006

Nayayamot ako kanina nung pauwi ako. Nakasakay ako sa jeep, siksikan as usual! Wala namang bago dun at hindi naman dahil jan ako nayayamot! Hindi ko alam kung ilan ang capacity ng isang normal na jeep, ilan ba? Ayy ewan. Nababanas lang ako kanina sa katabi ko at kaharap ko. Hindi dahil hindi sila naligo pero ang damot nila sa upuan. POTA!!! Yung katabi ko may espasyo pa pero ayaw umusog. Feel nya ang bayad nya! Pero mas malakas tong katapat ko. Aba... Edi siksikan sila, pero makaraan ang limang minuto may bumabang pasahero, katabi nya, imbes na umusog dahil yung isang pasahero e nakasabit nalang yung kalingkingan ng pwet, ang ginagawa e puma-slant pa sya ng upo. Gustong gusto ko ng sabihing "hindi lang ho kayo ang magbabayad ng pamasahe, kawawa naman yung kyut na lalaki o, umusog naman kayo!" Kaya lang mukhang may hatak sa Kapitana ng Antipolo, nakita ko sa t-shirt nya nakalagay HAPPY BIRTHDAY SUSANA GARCIA SAY. Natakot ako! At mukhang mas patay ako dahil may mambabasa na magseselos. Ganti lang!

Ispikin op berdays... HABERDAY SA AMIN!!! Pangalawang... a basta.:p


Uyy, pahingi naman ng pabor (since labs nyo naman ako). CLICK nyo to. Kyut ka kapag kinlick mo yan! Makakatanggap ka pa ng reward.:)


FACT: Hindi totoong kyut yung lalaki. Naawa lang talaga ako! Mukhang foreigner sabihin nya pang mga [insert adjective here] ang mga Pilipino.

Saturday, September 09, 2006

Nagpapanic ako kapag may sumusunod sa aking palaboy na batang namamalimos. Pero higit sa lahat sa mga batang nagbebenta ng kulay brown na rosaryo na may plastik sa ulo (para hindi mabasa ang ulo nya dahil malakas ang ulan).

Kahapon paglabas namin(:x) ng Mcdo akala ko ligtas na ako sa mga batang mala-stalker na hihingin ang kinakain mo pang sundae na obyus naman na nakakatatlong subo ka palang o kaya naman softdrinks na kahit puro laway mo na e ok lang sa kanila, pero nagkamali ako. Relaks at kinikilig akong lumabas ng Mcdo...dahil malakas naman ang ulan at wala akong bitbit na tirang pagkain (dahil tumambay lang kami dun) kaya sa isip isip ko walang aatakeng uri nila. Una kay Labs nagbebenta ng rosaryo at dahil kuripot yun dinedma nya lang (ikaw na mismo ang nagsabi). Aba hindi nakuntento yung bata at sakin naman nangulit. Nang hindi namin tugunin ang benta nya, namalimos nalang. Infairness ma-effort yung bata, akala namin susundan kami hanggang Santolan buti at nanawa sya at nagfly fly fly na with matching "ang damot mo!!!" pag alis.

Naaawa ako sa kanila sa totoo lang pero mas nangingibabaw yung pagkatakot ko. Di ko talaga alam kung anong gagawin ko kapag nilalapitan nila ako. Takot talaga ako! May phobia ata ako sa kanila.:| Dati rati mataray lang ako sa kanila at dahil dun nasabihan akong masama (na solid talaga ang pagkabigkas at naguilty akong tunay). Malamang dahil dun kaya hindi ko alam kung anung irereact ko kapag nilalapitan nila ako. Di kasi umuubra sa kanila ang pagiging mabait dahil kukulitin ka talaga nila. Ang mabait lang ata sa kanila e ang magbibigay ng limos! E malas nila kapag ako nilalapitan nila...pare-parehas kaming pobre at dukha!

Hmmm. Napaisip ako! Andami daming palaboy na bata sa baryo namin...siguro sindikato ang may hawak sa kanila. Hmmm...


EDIT
POTA PANALO KAMI SA ATENEO. PERS TAYM MEEEHHHNN!!! HOOOO. PANALO LANG KAMI NG TATLONG PUNTOS PERO OK LANG, PANALO PA DIN KAMI. GO GASTAMBIDE, RECTO KASAMA PA LEPANTO. E-A-S-T!!! HOOOO. SAYA SAYA TALAGA.

AT *eherm*.. MOE SINO NGA BANG BREAKOUT PLAYER??? ;))
/EDIT

Thursday, September 07, 2006

Yeah! Bagong lay out.. *may naiinggit* Ooh! Aah! Hahaha. Wala akong masabi.. wala ako sa mood (pero gumawa ng bagong lay out) (at syempre pinagduldulan kong bago akong lay out ko) (at syempre ulit hiniwalay hiwalay ko pa yung mga sinasabi ko). Tatawa nalang ako kahit hindi talaga ako makatawa! :|

Pero sige tutuwa na ko kita ko naman si Asia e. Ang ganda nya talaga! Charming charming.. kyut kyut.. smart! Katuwa sya. :x

....

..

.............


Syet bakit wala akong makwento.. anu ba pwede?! Kanina.. ay hindi. Hmmm.. Wala akong maisip. Bwisit ako sa grades ko! !@#$%^&*().

Wednesday, September 06, 2006

27360 mins na palang akong nawawala sa blogging world. Aminin namiss nyo ko?

Maraming nangyari sa labing siyam na araw na iyon.. pero yung iba sikret na, kung anu nanaman sabihin nyo e. Masama nanaman ang labas ko sa inyo! (Obyus ba yung bitterness?) Naku naman kasi bakit ba ang dami paring apektado sa mga desisyon ko? NAMAN!!! Anu ba ko artista? Hoooo. Oo nalang kayo.

Na confined ako ng tatlong araw at dahil dyan andami ko nanamang namiss... HOOOOO!!! Bagsak kung bagsak (pero sa totoo takot na takot na ko sa mga resulta ng grades ko). Kung kailan naging college tsaka naging sakitin (ulit)! At once again, kung kailan malapit na ang midterm, tsaka ako nagkaganto. Timing na timing.

Buti hindi sa mismong araw ng midterms ako nawala. Kahapon exam namin sa chem.. dont ask! At kanina english.. hoooo! Ok naman yung english, may naisagot naman ako kahit papaano. At mas madali sya kesa sa prelims namin. Siguro kasi nabigla kami sa tipo ng exam nya. Ngayon medyo nakapag adjust na kami, at ayun sa broadcast sakin maraming mataas. WAW!!! CONGRATS BLAKMEYTS. \:D/

At ngayon tinatamad na kong magkwento.. bukas na ulit! Sobrang pagod ako ngayon. @_@