<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d12329769\x26blogName\x3dTutsang+Kulot\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://tutsangkulot.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_PH\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://tutsangkulot.blogspot.com/\x26vt\x3d2595693058098382631', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

Sunday, June 26, 2005

Insecurity is the root of all evil. Crab mentality is the product of insecurity and evilness. HAHAHAH! Does it make sense? (wala ata :P)

Ngayon ko lang nalaman na nung baby pa ko, mayaman kami. Puro mamahalin ang binibili ni ama't ina sa akin noon. Mamahaling diapers (na nagkaka rushes pa rin ako), mamahaling gatas (ngunit hindi parin ako dumedede), mamahaling mga laruan (na natatambak lang). Sabi nung nanay ko nung 2 years old palang daw ako binilhan na daw ako agad ng tatay ko ng Family Computer! Nakakatawa, hindi ko man lang naabutan, nabulok na.

Yan e nung baby pa ko. Ngayon, naghihirap na kami. Pero thank God na nakakakain parin kami ng tatlong beses sa isang araw, nakakapag-aral pa rin ako sa magandang eskwelahan. Hindi ko lang nakukuha yung mga luho ko. Hehehe!

Nung asa pharmacy pa ang tatay ko, medyo malaki laki na ang salary nya. Medyo medyo lang. Kaya lang, binili yung company. At kasama si itay sa target tanggalin ng kumpanya! Why? Hmmmm. Watchu thinkso...

Pumasok si itay sa Coca Cola. Syempre, lahat tayo naguumpisa sa pinaka mababa. Kaya lang, mababa palang si itay, inaatake na sya ng mga CRABS, dahil alam nilang magaling ang tatay ko. Ayaw nya ng gulo, kaya umalis na lang sya.Hindi siya siguro intelligent, pero sya ay smart (simple amazing). Kung iisipin, kung hindi pinalabas ang "ATTACK Of THE CRABS" sa coke malamang mataas na rin naman ang position ng itay ko roon. Pero what can I say? People are naturally self-centered!!!

Ngayon, operator si itay. Nabenta na si FX, dahil matanda at sakitin na. Ngayon si revo nalang at colorum (tama ba spell o yung mismong word?) pa! Tsktsk. Kung ang yellow plate kasi ay muro, walang magiging colorum at walang hindi susunod sa batas.

Anyways, ang tinutumbok ko lamang e ang issue sa lipunan na crab mentality. Kung iisipin generally, ang tao ay na sasapiaan ng crab mentality. HAHAHAHA!

Saturday, June 25, 2005

KAHAPON: Hunyo 24, 2005

Karawan ng aming pinakamadaldal, pinakamaingay at pinaka outspoken na kaberx na si MA. ANGELICA T. DAJAC. Sweet sixteen pero bakit 15 lang ang chicken natin? Spicy pa. HAHAHAHAHA!

Opening din ng SHOPWISE. At kami'y nagsisi kung bakit namin naisipang pumunta doon! Kalahati ng populasyon ng Antipolo andun! At pagdating namin, hindi man lang namin naabutan si Kitchie Nadal o kaya naman ang True Faith. Sino naabutan namin? Aegis. Gash.. Sakto pa yung kanta nila.. "heto ako, basang basa sa ulan.." Pero slightly wet lang kami. Malamang kung maaraw pa nun, lahat ng tao sa Antipolo andun na talaga.




Oha. Kahit maraming tao, at kahit siksikan na, todo ngiti at pose parin si Bobby. Wala akong ma-say. Nga pala thats the birthday chinita girl, yung nakared! Hehehe.

Hindi nanamin natiis ang dami ng tao, kaya lumabas na kami at pumunta sa harap na resto. Sinubukan namin pumasok sa KFC, ngunit nabigo kami dahil sa RAMI NG TAO (din). Kaya dumiretso nalang kami kayla Riele. Doon kami nagcelebrate ng kanyang kaarawan. Nagpadeliver kami ng KFC. Masaya! Tapos.... Tinatamad na kong magkwento.

Nga pala. HAPPY HAPPY sakin at sa kanya.. :)


NGAYON: June 25, 2005

Tinatamad na kong magkwento. Belated Happy birthday kay Angie. HAHAHHAHAH. Belated HAPPY HAPPY sakin at sa kanya. :)

edit:
Theres this girl. Sobrang FC!!! Well, atleast hindi sya sakin ganyan, pero pag naghehello sya, dedma ako. HAHAHA. Im evil! Im confident to say na hindi lang ako ang naaasar sa kanya O hindi lang ako ang hindi sya gusto. Natatawa nga pala ako dahil hindi nya kinaya ang powers ng seniors, suko kagad sya. WAHAHAHA! Ang gagago ng kabatch ko, kahit babae pinapatulan, ang lupit. Pero kung titignan nyo, talo talaga sya kahit sa isa lang samin.

ALWINA M. ang feeling mo!!! Tangna, kadiri ka. Ang pangit mo. ANG GWAPO NI MARK!!! Hamak na mas maganda si Jenilyn (ano ba spell ng name nya?) Mercado sayo, kahit hindi ko sya gusto! Tignan nyo bibig nya. ARGHNESS NANGGIGIL AKO SA KANYA. ANG PANGIT NYA!!! Tapos sila na daw, nagkakaintindihan palang. Kahit na ganun, wala paring formality na sila. (tama ba?) Tapos sabi nya "Prenship"!!! YAKERSSSS. Umiingles ka pa sana nagtagalog ka na lang.
/edit

Tuesday, June 21, 2005

Ibinalik ko ang dati kong lay out. Bakit? Sige na, tanong mo kung bakit. Kasi, siguro, nagsasawa na ko sa lay out ko. At tinatamad akong gumawa ng bago. Tinatamad na din akong mag-internet, most likely mag pc. At isa itong good news. Napaka exhausting kasi ng school year ngayon. Hindi ko alam kung bakit. Maybe because I'm making things more difficult and complicated for myself. Kapag nakikita ko ang sarili ko sa mirror kapag kauwian, parang haggard na haggard ako. Ang chaka!

Ang init pa sa room, pero compared to the old building mas malamig na yung amin. Paonti-unting nagiimprove ang eskwelahan naman. WHY NOT diba?? At "coming soon >> m.i.s gym". Hayop diba, may malaking poster pa sa harap ng eskwelahan namin. Nakakatawa pero masaya kasi, basta natutuwa ako kasi nagiging ok ang skul namin.



Wala pala akong "FIRST DAY FUNK" post. Anyhoo, wala naman akong balak maglagay. It's just an ordinary day. Isang malaking clich? kapagnagsulat pa ko ng tungkol dun.

I'm loving economics. Wala lang, ang saya. Ayos yung guro. Current events, exchange rate, news everday, wire tapping, HELLO GARCI!!! Wahaha, sobrang fun ng subject na yun, no hassle. Relax ka habang may natututunan.



Sumakabilang buhay na si Cardinal Sin. Hmmm. Wala kasi akong alam tungkol sa kanya. Pero siguro yun na din ang mabuting mangyari, dahil matanda at mukhang nahihirapan na sya sa buhay nya.

Wala na kong maisip. Hindi ako nakapanood ng news ngayon, may tumawag kasi sa cp. Nga pala mukhang gago yung pekeng insan ni Dao Ming Su. HAHAHA! 3 years lang daw tumatagal ang pagmamahal para sa kanya at pagkatapos daw nun maiisip mo na parang hindi ka pala talagang nagmahal. Ngek, mala Semen (kung ano mang spell ng pangalan nya) ang pananaw. May expiration date ang babae, at sa kanya naman ay ang pagmamahal. ISA TONG MALAKING KALOKOHAN!!! Meron libong magasawa diyan sa tabi-tabi at hindi pwedeng itanggi na nananalantay parin sa kanila ang pagmamahalan sa isa't isa.

Lalalalala. Lalalala. Lalalalala. SABOG SABOG!! Hahaha. TANG INA, DI KO PALa NASAVE YUNG TEMPLATE KONG ISA BAGO KO ITO IPALIT. Anyways, madali lang naman yun. yung mga asa links ko nanawala, pasabi naman o. Salamat po. :)

Tuesday, June 14, 2005

Its the first day of school. HAHAHA. I'm not really in the mood to tell stories. Ummm, a lot of things change. I just want to say that PLEASE PRAY FOR CARA EUSEBIO. SHE NEEDS ALL OF OUR PRAYERS. :(

Sunday, June 12, 2005

Happy Independence Day to you. Yess you. Where are you looking? I said you little reader baby. HAHAHA. :)

Hmmmm. Ordinary day. Bakit kaya ganun? Its independence day and no one seems to care. Ito dapat yung araw na sobrang nagdidiwang ang bawat Pilipino. Naaalala ko noong bata pa ko, nagsasabit pa ang bawat pamilya sa village namin ng bandera ng Pilipinas sa kani-kanilang mga tahanan. Ngunit ngayon, kahit isa wala pa kong nakikita. Kahit sa tahanan namin wala. Parang walang gana magdiwang ang mga Pilipino. Hindi pala PARANG, wala talaga. I think the main reason is... is ano? Ummm. Dahil sa mga suliranin ng Pilipinas ngayon. Ang paunti-onting pagbagsak ng ekonomiya natin. LALO NA SA SULIRANIN NG MADLANG TAO SA ATING PRESIDENTE!!! Gawd. Sana lang bumaba na sya sa pagiging presidente. Pero pag bumaba na sya, si Noli ang tataas. At wala akong naririnig sa kanya. Wala nga raw nagagawa yun sabi ng tatay ko! Ahh basta pag ako naging presidente sinisigurado kong mababayaran natin ang utang natin at mabibili pa natin ang United States. LIBRENG MANGARAP DARLING. :P


I already have the second album of OnL, yet I dont have their first. Im starting to regret why I gave OnL's first album to my gel! Just kiddin. They are flamboyantly amazing I must say!!! A must have CD. TANGKILIKIN ANG SARILING ATIN!! I love OPM Bands. *grool over JM Del Mundo* Hahaha.


So... school is near! Near. Near. Near I tell you! Gawd, I cant take the pressure *sabay kanta ng UNDER PRESSURE.. UNDER PRESSURE* << I LOVE THE GIRL NEXT DOOR. Simply the best comedy/ semi-porno/ love (story) movie. ELISHA CUTHBERT IS SOOO PRETTY! I SO LOVE HER! Ayun nga, isang araw at ilang oras nalang ay may pasok na. Muli tayong babangon ng maaga! Muling may pera, yey. :D Pero sa totoo lang mas okay na saking maging BROKE kesa pumasok. Hindi ko lang talaga mataggap ang new phase sa buhay ko. Hindi ko ma-take yung pagiging busy kakapasa ng applications. At ang pinaka hindi ko carry ay ang pressure pag nagtatake up nang entrance exams sa different universities. I'm just not ready! Hindi ko alam gagawin ko kung hindi ko maabot ang expectations ng parents at tao sakin. Oh well. Breathe in, breathe out. WAAAAAH. Im still not ready. It doesnt do any better (???)!!!

edit: june 13, 8:48am
I havent told you dear baby reader how cute you are and that I had a very nice day yesterday. Just look.


thats not my foot. Thats Jops'.

Very nice isnt it?! Playing GB while having this very delicious avocado shake and listening to OnL. Such a relaxing and peaceful day indeed. And.. Oh yeah! My bes just gave me a gift yesterday (din). And my cousin Jops too. Kaya lang may pagkakuripot yan. Ang binigay worth 10K lang, anyways its the thought that counts, cliche? HAHAHA.
/edit

Friday, June 10, 2005

Wahahahaha. Bago ulit. :P

Bakit ang mga tao pag magpapalit ng lay out inaannounce muna sa blog nila na magpapalit sila bago ipakita yung nagawa. I'm just wondering. Ano yun, para maging kontrobersyal ang blog? Bakit hindi ipakilala ang bagong lay out kapag natapos na? Pero kadalasan ng ganyan, yung mga taong nagaannounce muna bago nagpapalit e hindi naman maganda ang kinalalabsan ng layout! tsss. YAK ANG YABANG KO!

Tsaka bakit yung ibang tao nagrereply sa nag tag sa kanila sa tagboard pa rin nila. Isnt that just plain stupid? Kaya nga nagtag sayo e, para may magtag din sa site nila. At para ipakita sa iyo ang blog nila. At kadalasan ng mga taong nagtatag e nagbloblog hop lang, hindi naman siguro matatandaan lahat nung blog hopper yung napuntahan nyang site! Kung ang dahilan mo naman ay gahol ka sa oras, di parin e. Kasi kung gahol ka talaga sa oras at wala ka pang time magvisit sa mga blog ng nagtag sayo edi tsaka nalang pag may time ka.

ITO AY BASE SA AKING PANANAW LAMANG! MERON TAYO SARI SARILI NYAN! KAYA WALANG MAGRERACT MASYADO KUNG MAY MATAMAAN!!!

Thursday, June 09, 2005

Gawd. So bored! So bored that I dont have anything to do but change my lay out.:P I am so inlove with photoshop. I could spend my whole day just editing and making pictures. Hmmm. Maybe this will be my career.:P HAHAH. Im grooling over Gwen Steffani. HAHAHA!

Oh.. watch out for the newest, 100% original Pilipinovela >> "GUITASPADE" Guitar Escapade doesnt make any sense right? EVEN THE SHOW!!! HAHAHAHA. Joke!

Sige magtatagalog na ko, di ko na carry! Tatalunin nito ang METEOR GARDEN fever. Mas magiging hit ang kanta nila kesa sa FULL HOUSE. Mas mainit ang love story nila kesa sa SAVE THE LAST DANCE FOR ME, MEMORIES OF BALI at STAINED GLASS. Mas todo ang kumpetisyon kesa sa ALL ABOUT EVE!!! At mas advanced ito kesa sa Matrix at Star Wars. Mas gago rin ito kesa sa SOUTH PARK, SHORTIES WATCHIN SHORTIES at DRAWN TOGETHER. Mas notorious sila kesa kay KID NOTORIOUS. Mas magaling silang magbigay ng therapy kesa kay DR KATZ. At mas matindi ito kay STRIPPERELLA!!! San ka pa? :P





dont ever miss the very first chapter and episode!!




Click the images for better viewing.

Saturday, June 04, 2005

Why do the rain comes every afternoon? I'm just wondering why in the afternoon. Why not in the evening, or in the morning? Its gonna be much better when the rain falls in the evening. This weather makes me want to lie down and stare into the space, well my ceiling ofcourse, my unpainted and unfinished ceiling (and room, HAHAHA). Not to sleep. Why not to sleep? The (gaseous) air that the rain secretes that make millions of people want to sleep just wouldnt effect on me. Never in my life have I experienced sleeping all day long. The longest sleep I had was just, I think, 10-12 hours. Unlike my cousins, they'll just lie down on the bed, 7 minutes or so youll see, they are all asleep. (exage)


Oh gawd, I think any moment now itll be brownout. Its thundering (???). The thunder is frightful. When it thunders, I feel like the world will collapse. THUNDERSHOCK!!! Hahahaha. This is very senseless at all.

Friday, June 03, 2005

Bagong layout, nanaman. Hindi ko na kasi alam kung paano ko kukulayan tong buhay ko, kaya bahay ko nalang yung kukulayan ko. Wala na kong magawa. Wala na kong makausap, di actually meron pa naman. Ang loser ko lang, self pity. Wala talaga akong social life!

Kanina galing kami sa isang napaka JOLOGS na computer shop. Pero pwede na kasi P15 lang per hour. Alam nyong mahirap ang buhay ngayon, praktikal ang pagiging kuripot. Actually hindi rin praktikal magGB kasi gastos din yan at hindi sya necessity, parang mali, ah basta intindihin mo nalang. Nag gunbound kami. YES, I know, ganun na nga ako kadesperadong magGB. Kung kaya naman kasi ng brain cells ng CPU namin yung GB e di sana hindi na ko nagmumukhang pathetic papunta punta ng PC shop. Kaya lang, siguradong macocoma tong pc namin pag nag install ako ng kahit anong game. Sa totoo lang wala namang kahahantungan yung kwento ko kasi wala namang espesyal na nangyari.

Kita mo, loser talaga ako. Wala akong kahit anong talento na maipagmamayabang ko sa madlang tao. Ni wala akong masulat na matino dito. Ayayay.

Wednesday, June 01, 2005

Hoy, naka sun ka ba? Oo ikaw! Pwede paki explain naman to sakin. Di ko kasi nagets e. Hehehe. "Load the number string you receive like a regular call card. P20 will be deducted from your load when you avail of 24x7 Text Unlimited LITE. DTI Permit 1879" Ahh, wait... Hindi ko pa rin gets.

Wahahaha. Sa totoo lang hindi ko alam kung paano sisimulan yung kwento ko. Mukhang ewan. Napiga ata utak ko dun sa post ko kahapon sa berx blog namin. Tama napiga nga, ingles yun e. Sige simulan na natin ang mahabng kwentuhan. Ayy, may nagbago dito, pansinin mo!

Kagabi, unang beses ko nakapanood ng "Stripperella". Isa syang stripper, obvious ba?, at isa rin syang agent. Hindi ko alam kung spy, basta nakikipaglaban sya. WAHAHAHA! Unang beses ko rin nakapanood sa Jack TV. Puchang patawa yung cartoons. Patawa yung channel na yun. Kung wala kayong Jack TV, you're missnig half of your life. Exage. Sa sobrang aliw ko sa channel na yun, lahat ng pinapakitang cartoons na mukhang aliw e nilagay ko na sa calendar ko.

Wednesday 8pm - Dr Katz
Thursday - South Park
8:30pm - Cranky Yankers
Friday 8pm - *I didnt get the title*
Saturday 10pm - Drawn Together
Sunday 10pm - Shorties Watchin' Shorties
10:30pm - The Man Show
Monday 8pm - Kid Notorious
Tuesday - South Park
10pm - Stripperella

[Masaya yan. Puro kalokohan yan. Kung sun cable kayo channel 25.] At sa sobrang aliw ko nakatulog na din ako.

Tapos...

Nagising ako sa mahimbing kong pagtulog kagabi. May mga maiingay ng teenager, pamilyar yung mga boses, tapos nagbabatuhan sila ng bote ng beer, take note yung malaki. Hindi ko masilip natatakot kasi ako baka mamaya sobra lasing yung mga yun tapos nakita nila ako sa balkunahe namin at batuhin din ako. Loko kasi yung mga yun, parang hindi tao. Notorious talaga yung lider nila. Gusto na nga yun ipatapon ng tatay ko sa Dapitan e! HAHAHAHA. May nakaaway daw silang tryke drayber. Naiimagine ko tuloy, kawawa naman yung manong tsuper!

Naaawa din ako dun sa isang bata. Ewan, ibang awa. Kasi ang pathetic nya! Sobra. I pity her. Hahaha. Maldita talaga ako. Kasi hindi ko maintindihan kung bakit nya pinagsisigawan na may "N-E-W" sa kanya. Tsaka nung espesyal na araw nya, hindi raw sya excited pero walang ginawang araw ang Diyos na hindi nya binilang ang oras bago yung espesyal na araw nya. Hindi sya excited nyan, what if kung excited pa sya.

Hindi ko kasi maintindihan sa mga tao kung bakit ayaw nalang nilang hayaan na mapansin yung bago sa kanila. Parang yung isa pang bata na kilala ko. Kadadating lang namin nung kaibigan ko, napansin na namin na nagpagupit sya pero hindi namin binabanggit kasi magpapacute nanaman yun, AND I HATE HER pag nagpapacute sya. Aba hindi napakali ang loka, sya na mismo ang nagsabi na nagpagupit sya. HDP?

I'm guilty, I've been bad but I just cant help myself. I needed to style my hair. Nagpapacute din ako kapag may bago sakin. Pero hindi dumadating sa point na ilang araw ng nakalipas at pinagsisigawan parin sa status ko. At hindi tumatagal ng ilang oras yung pagpapacute at pagfflaunt ko sa BAGONG BAGAY na iyon. *Evil Laugh*