Noong bata pa ko, nung mga panahon na bulag pa ko sa mga kabaklaan ng teletubbies, Precious ang palayaw ko na hindi ko malaman kung saang planeta ng mga pangalan ng galing, ni wala ngang "p" sa buong pangalan ko e. At pinagtatakahan ko pa e pagkahaba haba ng Precious para sa isang palayaw, medyo may pag ka engot pala nanay ko no? (Sssh.) Pero yan talaga e! Bata pa ko kaya wala akong magawa kung hindi tumingin, lumapit at sumunod tuwing tatawagin ako nun. Pero dahil superstitious ang nanay ko at ang ancestors niya, pinalitan niya dahil lagi daw akong nagkakasakit simula nung tawagin niya ko nun kaya naman naging isang ordinaryong bata ako, batang walang palayaw.
"AILAH BUMABA KA JAN!"
"ANG GULO GULO MO AILAH, BEHAVE NGA!"
Wala naman talaga akong pakielam sa tawag sa akin noon, nung kinalaunan nalang! Tsaka ko lang narealize na ang pangit pala ng pangalan ko. Iniisip ko kasi sisikat ako, e ayoko namang sumikat ng AILAH ang isinisigaw ng fans ko! Ang chaka kaya.
First year kami nung simulang gumagawa na ng kung anu-anong alias sa amin yung kaberx ko. Noong first year, Gelli. Sa totoo lang hindi ko trip yan. Masyado nilabas ng palayaw na yan ang pagiging selosa ko. Noong second year, Iggy. Ayan, gusto ko yan. Pero aaminin ko, pinilit ko lang siya na yan nalang. (Haha!) May dahilan yan kung bakit, cheesy kaya wag mo nang alamin. Sa aking palagay sumikat din naman ako sa tawag na yan, ito na rin kasi yung taon na rising star ako sa mundo ng blogging. Kaya lang, gusto ko sana yung mga kaibigan ko sa totoong mundo yan na rin ang itawag sa akin, kaya nga lang hindi sila masanay sanay. Tinalo pa nila ang Parrot bird! Nung katagalan, paunti-onti ng nag-fe-fade ang IGGY! Nawala na rin ang pagkautal ng mga kaklasmeyt ko tuwing tatawagin nila ako (kasi diretsong Ailah nalang talaga) at nabura na rin ako sa buhay ng mga tabulas friends ko. BACK TO AILAH nanaman.
Isang araw, naalala ko na ang tawag sa akin ng isa kong tito at isa kong tita ay AIA-TOT! Nag-isip ako, siguro mga sampung minuto yun, at WA-LA, AIA NA KO. I-dineclare ko sa mga kaibigan ko. Maganda to dahil malapit lapit sa pangalan ko. Sanay akong tinatawag nun kaya naman ayos talaga. At sa hindi ko malaman na kadahilanan na ikinatuwa ko naman ay madaling nasanay ang mga kaibigan ko, kahit mga pinsan ko. AYOS TALAGA! Sabi ko sa sarili ko sa harap ng salamin, sisikat ako sa ngalang AIA, OO SISIKAT AKO!
Sa totoo tungkol dapat sa grad song ang topic ng entry ko. Nakita ko yung link ko kay ate MERI at dito ako nagkaroon sensible entry na pwedeng i-post. Share lang. :)
edit
Oo nga nakalimutan ko (angela). Kilala rin ako noong SOLIS sa classroom namin. Para tuloy akong sikat na varsitarian, apelyido ang tawag sakin. Tapos yung adviser namin na lab na lab ko nung grade 5 at 6, GESTA naman ang tawag sakin. Ibang klase kapag may kaparehas ka ng pangalan, medyo nakakainis! Akala ko kasi noon ako lang ang nagiisang AILAH sa mundo, aba ang dami pala namin. Buti nalang asa ibang planeta na yun kapangalan ko, JOKE. Bati kami nun, bestfriend ko nga yun e.
/edit