<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d12329769\x26blogName\x3dTutsang+Kulot\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://tutsangkulot.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_PH\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://tutsangkulot.blogspot.com/\x26vt\x3d2595693058098382631', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

Friday, March 10, 2006

Masaya. Bitin. Masaya. Bitin. Pero masaya. Pero bitin! Pero buti masaya kahit bitin. Sabi nga ng tatay ko [nung sinermonan nya ko nung isang beses na late na kong nagpasundo] its not the quantity, its the quality at tumatak sya sa isip ko kahit minsan hindi pa rin ako sang ayon dun. Pero aaminin ko tama naman siya.

Kahapon field trip namin. Hindi compulsory, hindi rin educational. Recreational sya. Nagpunta kami EK [pictures here], kung saan panahon pa ata ng mga sinaunang batch ng school namin e doon na nagfi-field trip. Ang korny kasi limang oras lang kami nagstay dun. KORNY TALAGA! Pero sa kabilang banda masaya kami. OO MASAYA TALAGA AKO! Nakasama ko ang girlfriends ko. Pero hindi kami buo, kulang ng isa. Lagi kaming hindi buo kapag asa EK. Sabi ng isa kong pare baka daw kapag nabuo kami dun, baka yun daw yung araw na mamamatay na kami. Hahahah.


Sa "prat" [pausong tawag lang namin yan ng mga girlfriends ko] namin off limits ang boyplens kapag bonding to the max kami. Bawal! Isa to sa mga major rules namin kung saan kapag sinuway malaking tampuhan ang magaganap na sa inuman at iyakan ang bagsak, JOKE. Pero bawal talaga. Noong una medyo tutol ako dyan, lalo na nung third year. Pero ngayon sobrang intindi ko kung bakit ganun ang gusto nila. Ang atensyon mo asa ka-relasyon mo, wala sa barkada. Hindi kayo solid nyan, para lang kayo nag-group date. Siguro ito ang sikreto [bakit ko binunyag? ekekek] kung bakit solid ang prat, kahit na paminsan e may nangangahas pa ring manira sa likod ng bawat isa.

Masarap magmahal ang prat. Lahat gago [ito naman ata lahat ang description ng bawat barkada sa kanila]! Mapag-imbita ng gulo, laging may kaaway. Laging misunderstood. ALAM KO LAHAT NG TAO SA SCHOOL NAMIN E MAY HIDDEN GALIT SAMIN!!! O kung wala man, wala silang pake samin. Sa madaling sabi mas mabuti pang hindi nalang kami nabuhay sa mundo. Pero wala kaming PAKE sa inyong lahat, basta kami masaya, buo at nagmamahalan.

Sa prat, nararamadaman kong WANTED ako. Muntik pa kong maiyak kahapon sa isang maikling text.

Sabi ni Ethel: Pungs, bilisan nyo kayo nalang hinihintay ng bus. Sabihin mo kay Aia satin sya sumama. [hindi eksaktong ganyan ang pagkatext pero yan na yun. Basta!]

Awwww.

Pero ang nasagot ko lang kay Pungs e, "ano ka ba syempre sa inyo ako sasama!". Ito ang masarap sa prat, kahit minsan na minsan lang talaga ako makasama sa kanila, sa bawat lakad nila INVITED pa rin ako. Kahit kadalasan alam nilang hindi ako makakasama, nag-e-effort pa rin silang magyaya. Minsan nahihirapan ako kung paano ko sasabihin na hindi sila magtatampo, pero syempre kahit gaano kaganda at ka-polite ang pagsabi mo, hindi maaalis yun.

Sa prat, alam ng bawat isa ang nangyayari sa kani-kanilang buhay. Pero hindi ko alam kung alam nila yung akin dahil hindi naman ako mapagkwento, hindi sa hindi ko sila pinagkakatiwalaan, tinatamad lang talaga ako kadalasang magdaldal. Ang prat ang isa sa grupo na alam kong sasaluhin ako kahit anong pagtataksil [sobra, pagtataksil!] ang gawin ko sa kanila.

Ang prat... ay mahal ko.




SANA MABASA NYO. MINSAN LANG AKONG MAGDRAMA SA INYO KAYA PAGBIGYAN NYO NA KO!!!

15 Comments:

At March 10, 2006 4:23 PM , Blogger fivestarmaria said...

ang drama mo kaibigan!!:) haha:)

oonga, halatang bonding mode ulit kayo kahapon.:) haha.:) post ka naman ng mga pics!:D

 
At March 10, 2006 4:24 PM , Blogger fivestarmaria said...

nga pala,





ang ganda natin.




hahhaa.:D
nice lay out aia. duh, di na nakakagulat yun.;0

 
At March 10, 2006 5:00 PM , Blogger yayam said...

wow! ek!! miss ko na rio grande!!!!! buti pa kayo palagi kayong pumupunta jan..

nwei, ganda ng layout ha. ;)

 
At March 10, 2006 5:03 PM , Blogger ian said...

Hmmm. haha, ganda ng bagong layout, gumagalaw yung sa may kaliwa. :O

Daan.

 
At March 10, 2006 5:15 PM , Blogger Aia said...

aunj: e kasi... malungkot ang buhay ko ngayon kaya ganyan.

pics nasa multiply. babagal kasi yung site e. pero sige, para sayo maglalagay ako. hahaha.


maganda talaga tayo. salamat. ^_^



alam mo, astig! pangalawang comment mo na sakin to na ang oras e 4:24. hehehhe.

 
At March 10, 2006 5:16 PM , Blogger Aia said...

yayam: wahaahhaha. naiinis ako dun, ayaw ko pa naman mabasa ng araw na yun. KJ ba? hahahahha. pero ewan ayoko talaga mabasa nung araw na yun.


salamat. :D

 
At March 10, 2006 5:16 PM , Blogger Aia said...

ian: waw, salamat. :D

 
At March 10, 2006 9:04 PM , Blogger Maelou said...

cute...simple lang lay out...

hahaha.. ganito ba talaga epekto ng nalalapit na graduation? :D

 
At March 10, 2006 9:17 PM , Blogger Aia said...

mooi: wahahhaha. pinagiisipan ko pa kung ilalagay ko o ganito nalang. hahaha.

ngak, basahin mo na. joke. :P

 
At March 10, 2006 9:18 PM , Blogger Aia said...

maelou: salamat. :D hmmm. medyo. medyo ganito nga. hhehe!

 
At March 11, 2006 12:34 AM , Blogger babaeng pusit-saging said...

aiaaa...huwaw, na-enjoy mo field trip nyo..kami walang ganyan, isang lame na prom lang..joke..masaya naman ung prom eh..haha..ganda pala ng new layout mo ngayon..simple pero asteeg..=)

 
At March 11, 2006 9:05 AM , Blogger Aia said...

kathryn: uyy. sweet! binasa. i lab yu talaga! nakakapagtakang may nagchachaga magbasa ng pagkahaba haba kong post. *YAK DRAMA*

NIKKI GIL??? WT!? hahahahhahahahah.

 
At March 11, 2006 9:06 AM , Blogger Aia said...

johanna: bakit parang wala talagang impact sayo ang prom nyo? hahahha. magpost ka na ng pics. hahaha, salamat.:D

 
At March 12, 2006 4:08 PM , Blogger fivestarmaria said...

ows? talaga? 4 24? second comment ko na sa ganung oras? haha.:) observant ka pala talaga, aia ha.:)

bat naman malungkot ang buhay mo ngayon? usap tayo sa ym.

cge,bibisitahinko na lang multiply mo ,.thanks for doing my favor.:)

 
At March 12, 2006 5:19 PM , Blogger Aia said...

aunj: nako, alam mo na kung bakit malungkot. ahhahaaha. ngayon, di na.:P

o, astig talaga! 4:24. yikeeee.

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home