Ansaya saya ko ngayon. Yikee! Nagkita-kita at nagsama-sama kami ng mga kaberx ko. Parang ilang centuries kaming hindi nagkita. Ansaya saya talaga. Parang gago no? Oo, dahil hindi ko na sila makakasama madalas dahil.. college na ko sa pasukan. BANG FEEL NA FEEL!!! Ansaya talaga, at sa sobrang kasiyahan magkwekwento ako! First time..
Wala namang nangyaring espesyal.. ayy sige espesyal na to, since dapat itago lahat sa baol ang mga moments na magkakasama kami! Nanood kami ng game ng kaberx namin na itago nalang natin sa pangalang "Mikee" (the blackforest). Natutong kami, buti nalang at nanalo kung hindi mababatukan ko talaga sya dahil sayang ang pamasahe at effort ng pagpunta namin dun, plus the cheer pa. Pero "Mikee" (the blackforest), Im sorry to say, medyo nagkalat ka sa court. Slight lang naman! *Buti nalang hindi nya pinupuntahan ang blog ko*
Pagdating sa bahay, na para kaming nag-alay lakad galing sa court papunta sa kanila, pinakain nya naman kami! Langya, papasalvage ko sya kung hindi nya kami pinaghanda ng pananghalian. Nanood kami ng movie, JUST FRIENDS.. ansaya nya pero nilayasan ako ng mga kasama ko (nagsilabasan) at yung katabi ko tinulugan naman ako. Sila namili ng panonoorin nyan ha, kung tutuusin hindi naman dapat ako manonood (nagiinternet kasi ako ng yayain nila akong maki-join sa kanila).
Just like any other movie, napaiyak ako. Iyakin kasi ako!
Lumabas ako pagkatapos, pero ginising ko muna yung katabi ko kahit sarap ng tulog nya. Tulo laway nga ata e! Nagstay kami sa GAZAYBOW nila, typical conversation ng mga rich at famous. Obviously hindi totoo yan! Pumasok kami ulit kasi.. ewan ko.. bakit nga ba tayo pumasok ulit? Ahh basta, naglaro kami ng tekken. Di ko alam kung anong tekken yun, pero masaya kasi lamang kami. Hahahaha! Tama na, baka isipin nyo magaling ako, mapahiya pa ko pag naglaro tayo. Enjoy naman, at pwede syang exercise sa braso. Bang nakakangawit! O baka ako lang yun, di kasi ako sanay humawak ng controller ng PS2, hanggang Xbox lang ako. Ayy family computer lang pala, sa panaginip ko pala ako sanay sa Xbox. Pagkatapos nyan...
*Bye bye na.. aalis na kami..*
End! Lakad nanaman kami nangpagkalapit lapit, mga tipong Cogeo hanggang LRT Station sa Santolan lang naman. Sakay sa tryke, hintay ng mga limang buwan para makasakay sa Jeep at nasa bahay na ngayon. At sa oras na to, nawawalan na kong nang gana magpost dahil sa !@#$%^&*() kong @!@!#. Leche!!! May kasama sanang picture to!
5 Comments:
saya talaga pag nakumpleto kayo ng barkada mo! ahaha. di na kami nakumpleto ng barkada ever since that crap happened=/ ANYWAY. ahaha i miss u ganda!
gee: ansaya nga. pero hinfi kami kumpleto e! hhuhuhuh. bakit anong nangyari?
i miss you din. MWAH!!!
kaishie: naku.. nakakabadtrip yan. buti nalang ako yung KJ sa barkada.. hahahah! sila laging game. nyahahahah!
saan ka nga ba ipapatapos?
meron na? baa.. kahapon tinitignan ko wala pa. nagtataka nga ako e. sabi mo kasi meron ka ng pbb entry. hahaha. masang pinoy talaga.:P hahahha.
pupunta ako dun no. lagi akong pumupunta dun?! nax.:P
wow! haha.. ang agang reunion ah!
maikalat nga ang bagong url... hehe :p
maelou: oo nga e! wala pang 10 years.. wala pa ngang 1 month e. hahaha.
waaaaaaaggggg! (yak artista) hahaha.
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home