<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/12329769?origin\x3dhttp://tutsangkulot.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Sunday, March 19, 2006

Alam kong sabog sabog ang itsura ng bagong template ko sa window nyo. Kung sabog nga, at kung gusto nyo lang naman makita ng maayos.. palitan nyo nalang yung screen resolution nyo ng 1152x864. O kaya kung gusto nyo, forever ng ganyan para masaya. HAHAHAHA!


Alam mo nung marso 17 ng gabi.. napaka lame ng ginawa ko. Hindi ko na nasingit sa previous post ko dahil sa sobrang katuwaan. Nanonood ako ng MTV Sessions, and being the poser that i am, kinuha ko yung gitara ko tutal nakalapag lang sya sa kama ko, niluwagan ang strap para bumaba, at nagpumiling na Lalay. Buti hindi nagtatalon si Lalay kung hindi lumindol na sa bahay namin. Biglang... *open ng door*

Itay: [windang ang itsura] uhh.. tawag ka ni mommy, ibaba mo daw yung [insert kind underwear here] mo.
Ako: ... *Shocked at di na nakapgsalita*
Itay: *Sarado ng pinto, dahan dahan*

Napaupo nalang ako sa kama. Parang kunyari walang nagnyari. Hahahahaha!



Kahapon. Nasa anniversary kami ng DeMolay. At nasapul nanaman sakin na ambata bata ko pa. Isang di kilalang DeMolay ang lumapit:

Unknown: Magfe-fellowship kayo?
Insan: Hindi *sabay tap sa mga ulo namin* bata pa e.
Unknown at Insan: Hahaha!

Nagulat ka no, may idad pala para dyan. Oo, dapat nasa hustong idad ka, 18 and above. Alam mo kung bakit? Go FIGURE! Hahahahah.



PLUG: SOBRANG BENTA NITO SAKIN. LAUGHTRIP TALAGA. MUST CLICK!!! New video ng Milk and Cereal (MC and JOWS version). Ito pala yung kantang matagal ng sinasabi ng insan ko sakin, ngayon ko lang narinig. Hahahahaha!

48 Comments:

At March 19, 2006 2:17 PM , Anonymous Anonymous said...

Hmmm. Medyo putol yung layout mo, maliban na lang pag pinindot ko yung F11. Hehehe. At ayaw lumabas nang maayos yung font pag Mozilla Firefox gamit ko, kaya Internet Explorer ginagamit ko pag site mo pinupuntahan ko. =)

 
At March 19, 2006 3:27 PM , Blogger Aia said...

paoe: nako magulo nga! ayy nako, hayaan, sa pc namin maayos naman. hehehe.

pindutin mo yung CLICK. sige na. hindi ka magisisisi. :D

 
At March 19, 2006 6:00 PM , Blogger fivestarmaria said...

hahah. milk and cereal, panalo. ganda ni mc.:) onga medyo putol yung lay out mo. bat tinanggal mo tagboard mo? wala lang.:D

ano ba yung DeMolay? haha. di ko alam yun.:))

 
At March 19, 2006 8:24 PM , Blogger Aia said...

aunj: oo nga, ganda nga ni mc. putol. palitan mo screen reso.. go go! hehehhe.

DeMolay, parang counterpart ng Jobs Daughter. Brotherhood ng mga pinsan at mga tito ko. Pero yung tito ko na PNMC [past national master councilor, nax proud daw ako] mason na ngayon, pero half brother palang sya. nax. alam kong wala kang nagets. hahahahaha!

=))

 
At March 19, 2006 8:36 PM , Blogger yayam said...

pero diba mayayaman lang yung mga kasali sa demolay..hehee..may mga classmate rin akong demolay ang dad nila. sasali ka rin ba sa future??

 
At March 19, 2006 9:44 PM , Blogger Aia said...

yayam: hahaha! ewan, pinsan ko hindi naman mayaman e. basta, mga disente yung mga yun. KAYA LANG.... nairita ako dun sa isang chapter. ANG JOLOG TALAGA. parang ginawa nilang gang ang demolay. at the porma.. nako dont ask!!

talaga?? astig naman! small world. hahaha.

anong sa future?? sa demolay? whahhahahahahahhahahahahahahahahhahahahahahahahah. =))

 
At March 19, 2006 9:46 PM , Blogger fivestarmaria said...

medyo wala nga. hahaha.:))

hmmmmm. DeMolay? Jobee.. ano daw?:)

wala lang.:)

milk and cereaaaaaaaaaaaal *boy band smile* .:))

 
At March 19, 2006 9:49 PM , Anonymous Anonymous said...

Wow. Astig yung video ah. Natuwa ako dun hehehe... Gawa ka rin ng video tapos i-post mo. =)

 
At March 19, 2006 10:00 PM , Blogger Aia said...

aunj: nyahahhahahahahaah. sige, kwento ko sayo. nasa mood naman ako e.:P

yung mason diba brotherhood. narinig mo na siguro yan o baka nabasa mo na. yung tatay ko mason.

tapos ang mason gumawa ng brotherhood pa para sa young men. ayun yung demolay. gumawa rin sila ng pang girl, yun ang jobs daughter.

tapos, fraternity at sorority. sosyal no. hindi kami engage sa kahit anong gulo, riot, o barumabaduhan. iba ang kontrabida sa buhay namin, alam mo kung ano,... CATHOLIC CHURCH, woohoo! galit sila samin kasi daw anti christ daw kami. meron daw kaming demonic ritual. may rituals kami pero lahat ayon sa bibliya. galit sila sa kahit anong masonic affiliated groups or persons dahil meron alam ang mason na sikreto ng catholic church na ikakasira nila.

ayun.. hindi naman daw ako masyadong nagdaldal. meron pa nga palang isang sisterhood, rainbow for girls. ayan, kahit sinong babae pwede sumali. yung amin kasi exclusive para sa mga anak, pamangkin, apo, goddaughter [ano pa ba] ng mason. ayun. hahahaha! tama na. pagod na ko.:P

nako kung amgulo parin, ayoko na. hmpf. hahahahhaa.:P

 
At March 19, 2006 10:03 PM , Blogger Aia said...

paoe: AYOS!!! BENTA TALAGA. tumataas ang market value nila. hahaha.

ang hirap gumawa, wala akong digi cam, medyo magulo sa web cam. pero kanina nagartista ako sa computer namin. wahhahahahahahahha!

 
At March 20, 2006 4:58 PM , Blogger fivestarmaria said...

wow. gets ko na!:) ang cute naman rainbow for girls, ang demure. :))

anyway, mangha ako sayot naisipan mong gayahin ang diyosang si Lalay/ :) ang cute nya noh. galign nya.

our song plays on the rey di yo.

wala lang. :D salamat sa pag eeksplika. tama ba yun?:D

 
At March 20, 2006 7:51 PM , Blogger babaeng pusit-saging said...

oo nga no..kaya pala putol..ok lng yan..kyuuut pa rin..=) ang kulit nung video..hehe..lalo na dun sa sinabi ng dad mo..=P tceee! kelan grad nyo? =)

 
At March 20, 2006 8:49 PM , Blogger Aia said...

AM: ako rin natatae na. hahahahahaha!

 
At March 20, 2006 8:50 PM , Blogger Aia said...

ejay: hahahah. salamat! pansin ko tagalog na tagalog ka ha.:P hahahhaha.

salamat talaga. :)

 
At March 20, 2006 8:52 PM , Blogger Aia said...

aunj: demure??? wala lang. ang jobs ang paganun effect. liberated ang mga rainbow, tapos kami dapat maria clara. bawal mag maganda samin. hindi ka talaga makakaporma. bawal sleeveless, razorback at kung ano anong walang sleeve. bawal ang 3/4s, pantalon lang. dapat ang skirt below knee. saan ka pa!? hahhaha.


no big. :P

lalay talaga ako poreber. grabe!!!

 
At March 20, 2006 8:54 PM , Blogger Aia said...

johanna: naku, mukhang mas maraming gumagamit n 1024x768.

hahaha. kahiya talaga yun. nahiya daw ako sa sarili ko. hahaha.

sa 24 (:x). kayo?

 
At March 21, 2006 12:49 AM , Anonymous Anonymous said...

Hindi ako marunong magpababa ng file size ng video (yung bababa rin yung kbps at kung anu-ano pa) kaya naman pag gumawa ako ng aking video ay umaabot ng 50MB kahit na 3 minutes pa lang. Turuan mo naman ako. Hehehe...

Nag-artista ka? Paano? =)

 
At March 21, 2006 11:26 AM , Blogger Janainerz said...

haloo, astig blog mo.. tagalog!! haha, inde ko mkta tagboard mo so dito nlng ako magrereply.. nagtag ka sa kasi sa blog ko e.. i love your blog..!!

 
At March 21, 2006 3:15 PM , Blogger fivestarmaria said...

hoy. demure, i mean.. ang girly nung pangalan. duh, rainbow girls. haha.:) ows? kayo yung maria clara pakipot type? waw. edi anu suot mo pag me meeting kayo?

uy, hahanap na ko ng kulay para sa lay out.:D *drumroll*

to, di pumasok. ang sarap ng icepop(dalawa nakuha ko!!!!!:))!

 
At March 21, 2006 3:56 PM , Blogger Aia said...

paoe: hahaha. hindi rin ako marunong e. paano nga ba?

huh? seryoso ka ba dyan sa tanong na yan. joke ko lang yun. nagaartista ako kahapon dun sa webcam namin. hahahah.

 
At March 21, 2006 3:58 PM , Blogger Aia said...

janina: hahahah. wala talaga akong tagboard. hahahah! syempre tagalog, i lab my race. hahaha!

salamat. :)

 
At March 21, 2006 3:59 PM , Blogger Aia said...

aunj: hahahaha. medyo demure nga yung name. um.. skirt at shirt. mukha kaming mga probinsyana sa teleserye.:P

sige, hanap ka na. ;)

dami nga daw pagkain kanina. as usual inatake ako ng katamaran.:P

 
At March 21, 2006 9:03 PM , Anonymous Anonymous said...

Ako kasi nag-artista e... Hahaha. =) Pero sa stage, hindi sa TV... Masyado daw akong pogi para sa TV kaya sa stage lang para hindi masyadong kita ang mukha. (ñoink!)

May program atang nagko-kombert (convert) ng mga ganung files para lumiit yung size... Bumababa yung quality pero ok na rin para ok i-upload sa internet at para makita ng iba. =)

 
At March 22, 2006 3:35 AM , Anonymous Anonymous said...

hi lalay! hehehehe. este aia! kuleeeet nman nun, sana vinidio mo ung sarili mo habang nagiging poser ka. hahahaha. sayaa nun. well, regarding ur template, wla nmang problem eh, aus lng sakin. hehehe. tsaka can't relate dun sa demolay thingie na yn. hehehe. aun, cge, ingatz. takas lng, meh exams pa bukas, last day. hehehe.

 
At March 22, 2006 9:14 AM , Blogger fivestarmaria said...

wow,i cant imagine you looking like a probinsyana or manang.:)

anyway, nag online ka pala kahapon, naka invi ka ganun? ay ganun. walalang. nakapili na ko ng colors, nasend ko na sa ym mo.
teka, bat pareho kayo ni karola dun sa publicario b yun. basta yung sa comment?? wala lang.

myturn: UPDATE!:d

 
At March 22, 2006 8:02 PM , Blogger Aia said...

paoe: WEAHAHAHAHHAHHAHAH!!! natawa ako dito "Masyado daw akong pogi para sa TV" WAHAHHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAH!!

oo, meron nga ata. pati pag convert ng format meron din ata. di ko lang alam kung ano. hehehe.

 
At March 22, 2006 8:04 PM , Blogger Aia said...

marty: di ako makapagcomment sa blog mo! tumitirik internet ko page mo. whahahaha.

yey, buti sayo maayos. yahooo. nako, wag mo na alami yung sa demolay, mawiwindang lang tayo. basta brotherhood yun, period. hahahaha.


ayy, yung fellowship na sinasabi dun, INUMAN YUN!!! hahaha. jug-a-log. kaya bawal minors. hahahahah.

 
At March 22, 2006 8:07 PM , Blogger Aia said...

aunj: hahahha. medyo hindi naman, carry ko pa naman. wahahhaha!

ahhh, oo. HAHAHA! gumagawa kasi ako ng article nun e, kaya invi mode muna. hahahha. kaya lang wala ring nangyari, kanina ko lang nagawa, 1 hour article. hahaha. 8-8:45am ko ginawa. hahahaha.

masyado na ngang late e, sinigawan ako ni vanessa, galit na galit. JOKE!!! hhahaha.

nakakinis ka, alam mo ba kaya ako naiyak kanina kasi nakita kita umiiyak, nahawa ako, naiyak din tuloy ako. hahahaha.

wala pa ko maisip na magandang post e. kanina may naiisip ako, nawala e. hahahaha!

 
At March 22, 2006 8:08 PM , Blogger Aia said...

gelpren: hahahaha.ang kulit talaga nun, promise. =))

hahaha, medyo. parang natatawa sya sakin, na nashock. whahaha.

 
At March 22, 2006 9:25 PM , Anonymous Anonymous said...

May naiisip na akong magandang video. Pero... tsk, ninakaw naman kasi yung videocam slash digicam nung kaibigan ko e. Sayang.

May mga humuhuli din sa aking mga pulis, ang violation ko daw ay possession of handsome face.

 
At March 22, 2006 9:34 PM , Blogger Aia said...

paoe: ngak. sayang, tungkol saan? ano plot ng supposedly video mo?

AMP!!! WAHAHHA. OLD SCHOOL JOKE!!

 
At March 23, 2006 6:00 PM , Anonymous Anonymous said...

Mabuhay ang old school. Hahaha =)

Plot? Hehehe surprise na lang yun (?). Gusto ko sana gawin sa parking lot ng SM o kaya sa isang madilim na alley. Hehehe =)

 
At March 24, 2006 12:20 PM , Blogger babaeng pusit-saging said...

hi aia!!! uy di ka pa pala naguupdate..=) hehe..uy dba grad nyo ngayoN? congratz! =)

 
At March 25, 2006 9:38 AM , Blogger fivestarmaria said...

HAHAHA.:)ako nga unang naiyak nun eh. e kasi naman, ano ba iyon, bigla akong napuwing eh (yuck ampangit nang palusot ko). Hahah.:)

AH INVI KA pala, kala ko naman galit ka sakin e (hahaha hello paranoia).:) wala lang.:)

graduates na tayo aia, kaya mag update ka na hane?:) hahaha.:)

pahinging pictures natin.. sana payagan ako sa grad party......:(

 
At March 30, 2006 9:14 PM , Blogger Aia said...

paoe: mabuhay nga. hahaha.

ahh. video.. mukhang magiging movie na yan. hahah.

 
At March 30, 2006 9:15 PM , Blogger Aia said...

johanna: hahah. nung 24 yung grad namin. SALAMAT. :D

 
At March 30, 2006 9:16 PM , Blogger Aia said...

aunj: hahahhaha! ang pangit nga.:P

teka.. yung mga pictures natin sa mga digi cam ng mga classmates paano ko hihihngin?

 
At March 30, 2006 9:16 PM , Blogger Aia said...

gelpren: salamat. i lab yu! mwah. :*

 
At March 31, 2006 10:54 PM , Anonymous Anonymous said...

Hehe. Gusto ko sana ng kahit 3-minute movielette (movielette?!?!) na ise-siyeyr ko sa buong mundo. Hehehe. Sayang, sana hindi nadekwat (?) yung videocam ng kaibigan ko. Ok na sana e.

 
At April 01, 2006 8:40 PM , Blogger Aia said...

paoe: movielette. hahahahaha! nadekwat? nenok? waaaaaa. sayang!!

 
At April 03, 2006 8:13 PM , Anonymous Anonymous said...

Nadekwat!!! Dun mismo sa bahay nila!!! Tsk tsk. Sayang nga e. Edi sana sikat na kaming independent movielette producers. Huhuhuhuhu...

 
At April 03, 2006 9:19 PM , Blogger Aia said...

paoe: sa loob mismo ng bahay? ano ba ito!! talamak na talaga ang karumaldumal na pagnanakaw sa pilipinas. tsk!

 
At April 04, 2006 9:46 AM , Anonymous Anonymous said...

Oo, sa loob mismo ng bahay... Kaya napakasaklap ng pangyayaring iyon. Kaya dapat mag-ingat sa mga nilalang na hindi katiwa-tiwala.

 
At April 04, 2006 8:59 PM , Blogger Aia said...

paoe: grabe talaga! sabagay parang hindi nangyari samin yan.

yung nagkaron kami ng maid. one night lang sya. kinabukasan, tinangay yung 20 thousand na tatay ko. nakakaawa nga tatay ko e,.. sobrang kaawa talaga! naiiyak nga ako e. [oo promise naiiyak ako maniwala ka please =))] birthday gift pa naman sa kanya yun ng mga kapatid nya. tsk!

 
At April 04, 2006 10:24 PM , Anonymous Anonymous said...

Aba loko yung maid na yun ah... Asan na kaya yun? Tinuklaw na kaya yun ng makamandag na ahas? Sa amin din dati may katulong kami na nagtangay ng kung anu-ano. Argh.

 
At April 05, 2006 10:37 PM , Blogger Aia said...

paoe: uyy astig nung oras ha, sana minus 1 hour, para 924. hehehe. wala lang. epal lang.

loko ang mga maid no! sana nga natuklaw na. bakit kaya hindi kami makakuha nung pang lifetime maid. ang malas namin sa ganun.

 
At April 06, 2006 11:54 AM , Anonymous Anonymous said...

Oras?! Huh?? Are you drugs (?)? Because... I am! Haha =)

Sa amin kung sino pa mga matitino na maid, sila pa yung nawawala huhuhuh... At ang papalit ay yung mga salbahe. Grrr.

 
At December 26, 2012 3:07 PM , Anonymous Anonymous said...

This is to allow for dose retitration if the therapuetic target is not being achieved with the new preparation. [url=http://www.mulberryhandbagssale.co.uk]Mulberry Bags[/url] 3129. [url=http://www.goosecoatsale.ca]canada goose expedition[/url] Rzgniesml
[url=http://www.pandorajewelryvip.co.uk]pandora bracelets[/url] Fdigsfumh [url=http://www.officialcanadagooseparkae.com]canada goose canada[/url] bddpxcfuq

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home