<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d12329769\x26blogName\x3dTutsang+Kulot\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://tutsangkulot.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_PH\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://tutsangkulot.blogspot.com/\x26vt\x3d2595693058098382631', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Friday, April 07, 2006

Masasabi kong isa akong uliran at may isang salitang anak! [Parang awa mo na maniwala ka]. Grumadweyt ako with flying colors, na hindi ko naman malaman kung paano nangyari at nalalapit na rin ang kaarawan ko [ayoko sanang sabihin pero kailangan isama para masaya ang post]. Sa tingin ko naman e may karapatan ako para magdemand ng isang bonggacious na regalo. Pero tulad nga ng sabi ko sa first sentence... yun na yun.

Wala silang narinig sakin, ni isang hiling. Kung tutuusin, marami akong gusto! Lahat naman e, ika nga sa economics "human wants are unlimited". Pero tulad nga ng sabi ko sa first sentence... yun na yun!

Last christmas... i gave you my heart, but the very next day you gave it away.. [EKEK! ang korny] pinilit ko ang tatay ko na ibili ako ng stratocaster. Nakipagnegotiate ako, para kaming mga businessman. Sabi ko regalo nya na yun ng christmas, graduation at birthday ko! 3-in-1 parang nescafe. Lugi ako diba, pero hala sige desperdo na ko e.

Kaya ngayon, hindi talaga ako humihingi ng kahit ano. Kahit medyo naghihingalo na ang selpown ko at malapit ng ma-koma. Kahit kailangan na ng bagong strap ng guitara, kahit kailangan na ng onting effects [kahit hindi ako marunong gumamit!]. Kahit kailangan na ng digicam para matupad na ang greatest dream ko na maging model. Kahit kailangan na ng bagong damit dahil hindi na kinaya ng surf at kumupos na sila. Kahit kailangan na ng.... basta. Kailangan kahit na gusto ko lang talaga nyan.


Wala bang abeylabol na asukarera de papa jan na pwedeng tumupad sa mga kailangan ko?


edit
Binasa ko ulit tong post na to para icheck kung may mga kailangan i-edit. Wala naman. Pero napansin kong parng bitter ako sa post na to. Lilinisin ko lang pangalan ko "WALANG BITTERNESS sa katawan ko". Ayy mas naging obyus.:P
/edit at 11:08pm

18 Comments:

At April 08, 2006 1:09 AM , Anonymous Anonymous said...

Bertdey mo pala talaga? Happy bertdey! Magpa-buga labas (blow out) ka naman! Dyok! Hehehe...

Ayos ah... "Asukarera de papa". Hehehe... =)

 
At April 08, 2006 4:14 AM , Blogger k-I-R-s-t-y said...

MALIGAYANG KAARAWAN SA IYO! Nang maiba naman pabuga ka paloob! (blow in, hindi blow out :D)

 
At April 08, 2006 7:36 AM , Anonymous Anonymous said...

uyy iggy! (so ako nalang ba tumatawag sayong iggy? hehe) birthdey mo pala! happy boitdey!! :)

hindi ka talaga mapakali sa layout!! haha

 
At April 08, 2006 10:06 AM , Blogger yayam said...

hi aia! :D

marami kasi tayong gusto sa buhay..kaya siguro di natin alam anong ipapabili natin..nyahaha..:p

happy birthday! :D

 
At April 08, 2006 10:35 AM , Anonymous Anonymous said...

iggy! hinahanap ko yung blog mo pero i couldnt find it. funky yung browser ko siguro. thanks for dropping by. nag crash yung old blog ko so ni rerebuild ko pa archives ko. ingat

 
At April 08, 2006 2:00 PM , Blogger yhum said...

besy!:) maligayang kaarawan po:) sana maging masaya ka ngayon! tuloy ka ba sa tiende? ingat po lagi:) I LOVE YOU PO!:) mwah!:*

 
At April 08, 2006 9:19 PM , Anonymous Anonymous said...

HAPPY BIRTHDAY!

haay. pareho tau, ang dami ko ring gusto ipabili and everything.

ung tipong, isa-sacrifice mo ang isang bagay na gustong-gusto mo para lng din maibigay ang isang bagay na gusto mo rin. ah whatever. hehehe.

ganyan na ganyan din ang gusto kong i-post sana.

aun, cge, ingatz.

 
At April 09, 2006 5:39 PM , Anonymous Anonymous said...

naks... i forgot.. nasa tabulas chorva pa na magbebertdei ka. di ka man lang nabati. hehehe 'pi bertdei jr. diosa. kamusta naman negosasyon mo para sa strat mo? sana ay magtagumpay ka. hehehe.

happy graduation din pala. :)

namimiss na rin kita sa tabs jr. diosa :P

 
At April 09, 2006 5:48 PM , Anonymous Anonymous said...

Nice blog. Parehas pala tayong galing sa outerspace. :D

Happy birthday.

 
At April 09, 2006 11:11 PM , Blogger vaN said...

tama ka about the "COMPLICATION" aia. Hindi nga maging colorful with flying colors ang mundong ito without complication at ang pagiging "flip." Minsan flip din ako. Minsan madami din akong mga hiling sa buhay. Hindi pala minsan, ALL MY LIFE!!! So let's look at it like this nalang.. kaya hindi natin nakukuha ang lahat ng gusto natin para mas lalo natin e CHECHERISH ung mga yun. As for ur stratocaster, I bet you make a beautiful guitarist. ;)

HAPPY BIRTHDAY AIA! :D

 
At April 09, 2006 11:12 PM , Blogger vaN said...

New layout nga pala. ^^ Di naman sya corny, cute nga eh. Medyo bloody nga. :P How do u make ur layouts??? Mind if i ask? :D

 
At April 10, 2006 10:26 AM , Blogger Unknown said...

Hoay, habee birthday! Astig, stratocaster. Dream ko yon noon pero huwag na, yung fingers ko, nakow sobrang iksi, ayaw sa guitar. Hanggang pangkain na lang ata silang sampu. Anyway, enjoy your birthday. Happy 17th? 16th? Ayun lang.

Kamusta summer? Enjoying? :)

 
At April 10, 2006 7:27 PM , Blogger Maelou said...

happy birthday aia! haha.. nagkaroon ako ng idea sa post mo... makikipag negotiate na din pala ko sa mama ko... hahaha...

 
At April 11, 2006 8:35 AM , Blogger mr_diaz said...

ehem. asukarera de papa ba ang hanap mo?! Pwes, wag ng mag-atubuli tumawag na sa 09194416053 for all your sugary needs! hahahhaha!

ei oi. maraming salamat sa pagdaan mo sa aking mumunting blogblogan. Ang galing ng blog mo; ang cute ng masthead, ang cute ng template, kwela ang post. bow.

 
At April 11, 2006 12:22 PM , Blogger babols007 said...

happy birthday iggy! babols007 to. hehe.

 
At April 11, 2006 2:05 PM , Anonymous Anonymous said...

happt happy happy bday! kahit huli na ako!. :(

Niwey, im not in your links pa sis. :) musta kana? ngayon ka nlng ulit update ah! miss yo.

 
At April 12, 2006 6:24 AM , Blogger Unknown said...

naku!talagang huli na ako! ahhuhuuh..

hayaan mo na ha, pahabul na lng.. ;p

HAPPY BIRTHDAY AIA!

mabuhay ang mga rakizta. naku..di naman ako yun. :)

 
At April 12, 2006 4:34 PM , Anonymous Anonymous said...

aia! super late nako pero happy birthday paren. hahaha. - ryza

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home