"AIA! TIGNAN MO TO."
Ambilis kong nagising at bumangon, baka kasi uminit ulo ng nanay ko e espesyal ang araw na to at ayokong masira. Ayos! May sapatos na kong pwede gamitin. Kagabi pa namomoblema nanay ko dahil nakakaawa daw ako, sira sira yung sapatos ko, baka daw magdaldal yun habang naglalakad ako. Kumain kagad ako, nanay ko na ang naghugas ng pinagkainan namin. Mabagal daw ako kumilos kaya pinagayos na nya ko ng katawan.
Sibat kami kagad ni ina, diretso ng salon [sosyal pa-salon salon pa]. Pina-trim ang buhok ko at buhok nya para daw may libreng blower. Mas mahal daw kasi kapag magpapa-blower lang. E kung tutuusin, kung ako na lang ang nag-ayos sa sarili ko, wala pang gastos. Pagdating sa bahay, pinaupo kagad ako ni ina sa dresser. Lintsak para akong artista, lahat dapat fastforward ng 2 times. Ambilis! Nagbihis kagad ako, pero teka *PAUSE* tingin sa salamin. "SYET ANG GANDA KO!!!"
Parked car, this noon heat.. Yak korny! Ang init, GAWSHZERSS!! Ooops, wala pa pala akong lipistik. Baba sa sasakyan, diretso assembly area ng eskwelahan. Nagkokodakan na sila. Inintay namin ang turn namin para makapag-smayl sa kamera. Ayos tapos na, akyat kagad sa taas [alangan naman sa baba EKEK].
Magbalik tanaw tayo sa mga nakalipas na ilang minuto..
Andaming nagcocongratulate sa aking mga parents. Aba instant celebrity ako! Syempre ako ngiti lang sabay "Thank you po!" o kaya "Salamat po!" tapos ngiti ulit bago umalis. Nakalimutan ko tignan yung binigay na parang imbiteysyon bago pumasok sa iskul kung saan nakalagay yung mga mangyayari sa programa, mga espesyal na tao na kailangan makilala ng manonood. Ano bang tawag dun? Tinignan ko na sya, at napatalon ako sa nakita ko.
4th honorable ka hija, !@#$%^&* hindi ako makapaniwala! Ako.. 4th honorable mention, 6th sa pinakamataas sa buong batch. Pang 2nd to 1st honor ang grades ko. Greatest achievement pare! [yan na nga greatest achievement, loser kasi ako kaya bilang sa isang kamay ang achievements ko.] Ilang oras nalang gagraduate na ko, ilang taon na lang magtratrabaho nako. May dalawang buwan kung saan patay at walang kulay ang buhay ko.
Mass. Graduation rights. Matatapos na! Alumni na kami. Nakuha ko na ang diploma ko. At ang moment of glory ko malapit na din. 4th honorable mention... AILAH GESTA C. SOLIS. Palakpakan mga batchmates ko, syempre kinontrata ko na yung mga yun. Sinabit na sakin ng nanay ko ang medalya ko. May balak sana akong gayahin yung sa commercial ng vaseline kaya lang masyadong palapad papel na ko sa stage at kakain ng oras yun. Pero nakakaaliw, habang sinasabit sa akin yung medal, naririnig ko yung mga kaibigan ko sumisigaw ng VASELINE!!! At pag upo ko sa salumpuwit ko, sabay sabay yung mga kalapit ko "Thank you for the glow and thank you for the joy.." Led by MonSi with his mala-earth wind and fire voice. Hahahaha!
Ansarap ng feeling, biruin mo tatlong beses ako naexpose sa stage, ang pagkuha ng diploma, loyalty award, pin at souvenir, ang pagkuha ng medal at ang pagkuha ng price dahil naka third pa kami sa science fair. Apat pala, dahil nagsalita pa ko sa podium para sa candle ceremony. ANGAS KO NA NITO!!!
"So will it ever be
I tried so hard to find sweet serenity
Are you still afraid
Just close your eyes and dream
The feeling fades away"
Yan ang grad song, hindi na ako masyadong naiyak. Naubos na ata during practice. Titser na namin ang pumili dahil wala kaming mapili, lagi lang kaming nagaaway away dahil hindi magkasundo sa isang kanta. Sabi nila bagay samin yang kantang yan. "Kahit gaano kayo kagago, hold your head up high." Tama nga!
New phase ng buhay ko. Kaleyj layp! Cliche to, pero mamimiss ko talaga silang lahat! Berx, Prat, Jegz at the Others.
P.S. Paoe, niyakap ko na sya at humingi na ko ng tawad. OHA!!! Galing ko no.
Aia graduated on March 24, 2006.
plus 1 and a half year. Woohoo!
43 Comments:
shux!! college na si aia!!! babayu highschool layp! :D kami sa isang taon pa..good luck! ;)
moey: nako, mamimiss nga kita, biruin mo hindi tayo magkasama araw araw noh? hahahahah. bakit ako hindi? hahahaha. pero hindi pa siguro malamang kapag malapit na kakabahan na ko.
AKO RIN!!! KAILAN NA BA TALAGA?? TWO PIECE PARE!! TWO PIECE! HAHAHAH. PICTURE GALORE NANAMAN TO! :P
yayam: make the most out of it. :) kahit malungkot grumaduate mas nasasapawan parin yun ng tuwa, promise.:D heheh.
bes: tama kita kits. sigurado akong lagi kitang makikita. hahaha.
am: salamat. ^_^ ako pa hiningian ng regalo.
kaastigan, fourth honors! naks! star sa kolehiyo ka na. oo nga pala, maiba ako sa kagandahan mong pampalit kay nikki gil sa commercial ng vaseline (o kaya dun sa girl na may medal, whichevers you prefer), san na mapupunta ang iyong ka-alienan? :) Translation: San ka magcocollege? Medyo outdated ako eh.:P
Anyway, Congrats.
shang: nyak! hahaha. salamat.:P
itutuloy ko yung ka-alienan ko sa UERM. maghahasik ako dun ng kagandahan. hahahhahaha.:P
gelpren: oo nga. MAMIMISS KITA GELPREN!!!
salamat. ^_^
Konggratsuleysyons sa iyo. =)
Astig na-special mention pa ako sa iyong entry. Hehehe.
Wow port (fourth) honorable mention ka? Astig. You are so gifted, like a pamangkin during Christmas! (?) Keep up the good work. Iilan na lang tayong magagaling sa mundo.
At natutuwa ako at naayos din ang inyong problema. =) Konggrats!
paoe: hahahah! salamat. oo nga, rare tayong mga ANAK NI RIZAL aka ni bob ong. hahaha.
NAKAKATAWA TO!!! SYET!!! SOBRANG BENTA NI MADAM AURING! SOBRA!!! WAHAHHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHAH! PWEDENG ITAPAT TO SA AFV! =))
Haha... mga "Anak ni Rizal"... Kasama nga tayo sa uri na yan. Hehehe =)
Sobrang benta ni Madam Auring..?? Huh..??
paoe: kasama nga tayo jan! hahahahahhaha! *kapal*
nanonood kasi ako ng SHARON kagabi, andun si madam auring! SOBRANG BENTA NYA!!! wahahahahhahahahahahahhahahahhaha! kamukha nya si micheal jackson! hahahhaha.
gelpren: benta yung itsura nyo no? grabe mas nagagandahan pa ko sa kanya nung hindi nya pa nagagalaw yung mukha nya. nagagandahan kaya sya sa sarili nya? YAK!! :-&
sige puntahan ko. ^_^
ejay: salamat. ^_^ at salamat ulit. ^_^ mwah!
Congrats sayo!
flip: FOREVER KA TALAGA DRAMA!!! hahaha. pero salamat flip. next year ikaw na. magkikita na tayo siguro kapag college ka na. walang kalimutan. ano ba ito, nahahawa na ko sayo. tsk! drama. YAK! hahahaha.
salamat ulit flip. I LAB YU TU! mwah.
kristy: salamat ng marami. ^_^
wooot! graduate ka na? sheeet mhen 6th sa batch? KUDOS. anu ang kurso balak mong kunin hija? anyway maganda ka pa din. i lab yu. =)
shayne: YEAH! GRADUATE NA KO!!! WOOHOO. Ano ibig sabihin ng kudos? Wala lang. hahaha.
nursing. walang kamatayang nursing. hahaha! salamat. i labyu tu. :*
Walang anuman. Hahaha onga pala ok lang umepal kasama sa buhay yan. Magandang gawain ang page-epal, ipagpatuloy mo lang! Hahaha :D Muli, COngratzzz
kristy: salamat ulit. ^_^ oo pagpapatuloy ko ang pag epal sa buhay mo hanggang mairita ka na at isumpa mo na ko. hahahaha.
aia!!! college na tayo. hala. natatakot ako talaga. gulp. lam mo, honestly, di ko talaga gusto yung HIGH, pero nung pinractice natin nang sobrang tagal, ayun, naiyak na ko.:)) wala lang/.:) mamimiss ka ng kajegs.:)
nice, 4th honorable mention! panalo talaga ganda mo!:) haha.:) uy, picturean sa grad party hmmmmmm.:)
aunj: sakin nung unang sabi medyo ayoko rin, pero ayos na din ng may mapractice na. hahaha! nagkakagulo na kasi e.
awwww. :')
ngak. mas panalo sayo.:P 1st honorable. yikeeee. :D heheh. nakakainis. antaba ng tiyan ko sa tabi mo kapag nag picture picture tayo. hahaha. di ako tatabi sayo sa picture picture.:P
Ala lang, gusto ko lang mag-blush! hahaha Pasensya medyo may topak ako :D
Gusto ko maging topnotchers tayo sa board exams. Hehehe =) (lagot na mga nag-aakalang sila magto-top...(?))
Madam Auring kamukha ni Michael Jackson?? Ayus ah. Bakit di ko nakita yun. Hehehe =)
ang sweet ng HIGH nung nakanta na natin. lalo na nung nirerecord natin,muntik nako maiyak. haay. crybaby talaga ko.
hala?? eto talaga. di naman malaki tyan mo e! yung akin di naman flat, makikita mo bukas. sana naman lumabas si mr sun bukas. gusto ko mag patan..
overnight ka?
mag twotwo-piece ka talaga? as in.. walang sarong sarong?
kristy: hahahhaa! ang kulit! mag update ka na!
paoe: ako rin. gusto ko! para makapunta kagad sa ibang bansa. ahhahaha!
KAMUKHA NYA TALAGA!!! pwede silang mgnanay. tapos yung mga ilong nila parang sa the grinch. yung mga tao dun. hahhahaha. maganda pa nga si madam auring nung hindi pa sya retokado!
aunj: oo nga! feel na feel kong para sa batch talaga! pero mas naiyak ako dun sa YOU. dun talaga ako, nanakit yung puso ko dun sa kakapigil nung luha ko!
nako,tignan mo bukas. makikita mong malaki sya para sakin. matatawa kapa. hahahaha.
yeah. over night ako! wwooohooo!
yeah.. e pa shorts naman yung akin e kaya ok lang.
Pero pag naging topnotchers tayo, baka hindi na tayo palayasin ng gobyerno (?) dahil kailangan ng bansa ang mga magagaling na nars (nars??)
Si Madam Auring nga pala ay napagusapan sa duty namin (?), hindi ko alam bakit napunta dun ang usapan. Hehe. Pinag-usapan yung itsura niya hahaha =)
Hahaha. Kulit eh no? Sige maga-update ako next week para sayo. Onga pala wag mo naman lapastangin ang aking magandang pangalan :D Hahahahahahahaha
Hahaha, nakukulitan ka na ata! Sige maga-update na ako next week para sayo. Btw, it's k-I-R-s-t-y not k-R-I-s-t-y :)
kIRsty: naknangpakingsyitnits.. kirsty pala yun. AKALA KO TALAGA KRISTY!!! WAHAHAHAHAHA. naloko ako dun ha.
tama, mag update ka na!!! GO.:P
paoe: ayy oo nga, delikado tayo dun. hahahaha! ayokong mabulok dito, pero ayoko rin naman ugatin dun!
ikaw nagpasok ng topic no? hahahhaah. madam auring RULESSS!! may kasama pang ganto *\m/* :P
Pero I am aiming to be the topnotchest. (ano daw?!?!?!) Hindi lang topnotcher, kundi topnotchest.
Hehe... pero hindi ako nagpasok nung topic... May ginagawa ako sa isang tabi (?), nagsusulat, tapos ayun... biglang napagusapan si Madam Auring. Nakinig lang ako, hindi ako nakisali sa usapan nila. Naalala lang kita nung napagusapan nila yun hehe =)
paoe: sabi na e, sasabihin mo yung topnatchest e. hahaha. korny ka talaga.
ang chaka ha, madam auring reminds you of me. ANG PANGIT!!! >_<
Hindi ko idea yung "topnotchest". (Hanap sa paligid ng pwedeng sisihin... Haha)
Ayus di ba. Madam Auring = Aia. Hehehe. Hindi lang naman si Madam Auring ang nagpapaalala sa akin ng iyong remembrance (huh?). Pati Join the Club - they remind me of you. Hahaha =)
paoe: hahahahhahaa.
ANCHAKA!!! join the club pa. bakit?? you remind me of someone din. hahahahahah.
Kasi may nabasa ako dati, may nagsabing kamukha mo daw vocalist ng Join the Club. Hahaha =) Although hindi ko makita ang similarity.
I remind you of someone..? Sino..?
paoe: ahh yun! wahahahahhahahahahhhahhahahahaha. ako nagsabi nun e, sa friendster ko. wahahaha. kahit ako hindi ko makita ang similarity. dahil lang sa buhok ko yun e.:P
si.... Ricky Reyes. hehehe. ^_^
Dahil sa buhok? Hehehe. Pero di ko pa rin makita ang similarity kahit buhok man lang hahaha =)
Ricky Reyes. Bakeeeehhhht? Haha =)
paoe: basta meron akong isang pic na parehas kami ng bangs. kaya ayun! hahahah
RIcky Reyes... kasi... ANG GANDAAAAAAHHHHHHHHH! ang nasbai mo kanina. ewan, basta yun! hahaha.
Ahhh... so ikaw nga si Join the Club. (si?!)
Ang sooohhhp... ang dulaaahhhs... Gandaaahhh... Para kayong nagpa-salwooohhhn!
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home