<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d12329769\x26blogName\x3dTutsang+Kulot\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://tutsangkulot.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_PH\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://tutsangkulot.blogspot.com/\x26vt\x3d2595693058098382631', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Saturday, March 11, 2006

Nakakatawa, tinamaan ako sa post mo! O kung hindi man ako yung pinariringgan mo dun, mas nakakatawa.

Alam mo bobs, hindi ako napilitang maging kaibigan ka. Kung alam mo lang kung gaano ako natutuwa nung nabasa ko yung sulat mo sakin nung retreat. Lagi kang handang tumulong kahit kadalasan e nakukulitan ka na sakin. Kahit lagi kitang inaaway, kahit lagi tayong nag-aaway. Problema lang satin masyado tayong parehas, masyadong mataas pride natin [no offense]. Kung sa tingin mo naging user ako, pasensya ka na. Hindi tamang itanggi ko yun dahil sa totoo nung pinaka pinaka una, nung two weeks ng 1st quarter, medyo naging user nga ako. Wala akong makakasama sa klasrum, naisip ko magiging hell ang buhay kapag si hazel ang lagi kong kasama dahil kadalasan ma-o-op lang ako sa mga trip nya. Hindi rin naman ako makasama kay pam at lianne dahil kahit alam kong kaibigan ko sila at vice versa, may mga maliliit na bagay na hindi nila kayang ipagkatiwala sakin. Alam mo mahirap ang feeling na hindi ka pinagkakatiwalaan, kahit napaka liit na bagay lang nun. Para akong laging napag-iiwanan sa kanilang dalawa at ayoko yung pakiramdam na yun. Pero syempre hindi ko sila masisisi, ano ba naman ako para pagkatiwalaan nila.

Alam kong alam mong SELOSA ako. SELFISH. MADAMOT. MALANDI. TAKLESA. USER! Lahat na ng pangit na pwedeng mamana ng isang babae sa kinanununuan nyang mga demonyo.

Nakita ko na hindi pa pala tayo ganung ka-solid. Na-realize ko to nung nagmall tayo at sinamahan natin si lianne na bumili ng project nya. Oo, nagselos ako! Mas close talaga kayo ni lianne at sapul sakin yun. Parang walang wala yung pinagsamahan natin sa pinagsamahan nyo [na totoo naman na medyo hindi ko lang matanggap. the truth hurts, a lot!]. Alam kong hindi naman tama na magselos ako dahil magka-iba naman ang turing mo samin pero di kayang itanggi na masakit talaga.

Simula nun, lagi na kayong magkasama. At natutuwa ako dahil naibalik ko [kung isa man ako sa dahilan] ang closeness nyo.

Di ko rin naman kayang maki-epal sa inyo dahil mahirap yun, may mga bagay na kayong dalawa lang ang nakakaintindi at kung sakaling sumama ako sa inyo mararamdam ko lang ulit ang pakiramdam ng napagiiwanan. [Total naglabas na ko ng sama ng loob, lubusin na natin] Kahit kay Phoebe at Angie mahirap sumama. Kay Omi at Miguel mahirap din dahil hindi naman kami close nyan, we just belong to the same group. Kay JR nafi-feel ko na medyo na-iilang na sya at parang nauubusan na sya ng sasabihin kapag nagkwekwentuhan kami. Nafifeel ko ang OP-ness.

Sabi ko kay ino hahayaan ko nalang ang lahat tutal matatapos na ang taon at magka-ibang daanan na ang tatahakin natin. Sure akong kapag nagkita tayo after several years magkakailangan na tayo. Pero mahirap palang iwanan lang ang isang problema, hindi pala laging na-iimply ang sinabi ni kelly na "dont problem the problem let the problem problem you".


Alam mo selosa talaga ako, kahit kay JR nagseselos ako. Mas mukha pa nga kayong magbestfriend kesa sakin e. Nagseselos ako dahil para akong nanakawan ng urbandub cd. Nagseselos din ako dahil parang nawala din yung barkadang hindi ko alam kung kailan naging solid. Natatawa ako dahil sabi ko sa sarili ko pagkatapos basahin ang post mo "sino sya para tawagin akong user!" pero ayokong maging hypokrita. Ayoko maging TUPPERWARE!!!

Hindi ko alam kung bakit mo nasabi yung mga yun [indenial lang ako, alam ko talaga kung bakit]. Hindi ko alam kung nabasa mo yung previous post ko. Hindi ko alam kung nasasktan ka dun. Hindi ko alam kung may-impact pa lahat ng pinagsasabi ko sayo sa post ko. Hindi ko talaga alam. Hindi ko alam takbo ng utak mo. Hindi ko alam! Hindi ko alam kung anong kahihinatnan ng lahat ng ito.


Sa una [at baka sa huling beses] ibaba ko ang pride ko, gusto kong malaman na malaki ang kwarto mo sa puso ko. Mahal kita besy ko! Sana maniwala ka....

21 Comments:

At March 11, 2006 10:54 AM , Blogger yhum said...

OO TAMA KA. nag selos nga ako, nag selos ako dahil hindi naman ganon e, walang wala ang makakapalit sayo, ikaw lang ang best friend ko. bago mo paman din kasi maramdaman ang pagiiwan. nararamdaman ko narin sayo.

ISA KA SA TAONG PINAKA MAHAL KO SA BUHAY, HINDI MAG BABAGO YUN.

sa totoo rin kasi,(labasan na nang loob) minsan umiiwas din ako kasi ayoko ma fall sayo. naramadaman ko na kasi yun e, masyadong close tapos sa huli lang ma fall, baka hindi ko na kayanin pag naulit yun. sori pero ganon talaga din ako.

hindi ko na kaya, naiiyak na talaga ako dito.. gusto ko lang sabihin na SORRY, at MAHAL NA MAHAL DIN KITA BESY..

 
At March 11, 2006 11:00 AM , Blogger Aia said...

tang ina mo bobby!!! FALL KA JAN!!! WALANG GANYANAN, ang bestfriends, bestfriends lang. hanggang dun lang yun!!!

 
At March 11, 2006 12:19 PM , Anonymous Anonymous said...

Hay ang lungkot nman ng entry mo sis!! snaa mgkaayos ayos na kayo.

hmm maiba ako, napansin ko na nagpalit ka n din pla ng layout ow apir* tayo dahil ngpalit na din ako ng layout hahahaha!! pro infairness huh cute ng mga layout mo :) simple pero my datin :)

 
At March 11, 2006 12:26 PM , Blogger yhum said...

gaga! YUNG NGA YUNG INIIWASAN E..

WAG NA WAG KANG BIBITAW.. GUSTO KO PAG NAGKITA TAYO AFTER SEVERAL YEARS MAG BESTFRIENDS PARIN TAYO.

 
At March 11, 2006 12:33 PM , Blogger Aia said...

tang ina. kala ko!!! WALANG GANUN!!! GAGA!!!

yey, bati na kami. :P

 
At March 11, 2006 12:42 PM , Blogger Aia said...

ejay: mukhang ewan no. sent senti. hahahahahah!


salamat ng marami.:D

 
At March 11, 2006 1:21 PM , Blogger yhum said...

yehey:)

mag pramis ka sakin, sabihin mo sakin na HINDI ka bibitaw.. pramis me!

I LOVE YOU BESY.:X

 
At March 11, 2006 1:49 PM , Anonymous Anonymous said...

yay! bati na kayo? buti naman.. sana maging okay na ang lahat. ingat aia.. labyu sis! *hugs*

 
At March 11, 2006 4:58 PM , Blogger Aia said...

YEAH PROMISE!!! :D

 
At March 11, 2006 4:58 PM , Blogger Aia said...

sandy: salamat. mwah! :*

 
At March 11, 2006 4:59 PM , Blogger Aia said...

gelpren: nako, ayusin nyo yan. mahirap ang ganyan!

talaga? waw, salamat. hehehe. :)

 
At March 11, 2006 5:26 PM , Blogger fivestarmaria said...

hahay. andrama ninyong dalawa, ia. pero masaya kot bati na kayo. :) yeah yeah. kelan pa yun? EK?

kami din nina ann nagkakatampuhan pero bilibitornat we have finally gotten over it. kasi di naman "forever"(yuccccck) na kayo magkasama palagi eh. diba? pero di rin maiiwasan yung pag seselos lalo na pag sanay ka na kasama mo yung taong yun. haay. ang gulo ng sinulat ko. ang gulo ng mundo.:))



haahhahaha.:D walang kwenta!:D

 
At March 11, 2006 5:29 PM , Blogger fivestarmaria said...

hahahhaa! maiinlab daw si bobby sayo. hmmm. ano masasabi ko dyan? baka. siguro. pero alam kong mahirap iwasan yun. hello, like you are soooooo wonderful. di naman totoo na malandi ka and all. one out of thousand people lang ata nagkakaron ng case na ganon. at Unfortunately, hindi ikaw yung one na yun. okay?

you are beautiful. duh.:))

 
At March 11, 2006 5:51 PM , Blogger Aia said...

aunj: naguluhan nga ako sa una mong comment. ahahahhahaha.

YAK!!! [no offense bobs] dapat kasi pag bestfriend, bestfriend lang. hanggang dun lang yun. nothing more nothing less. daba... para maayos. hehehhe.

ngak, flattered naman ako sa sinabi mo.:P uyy blushing si me. nyahahahah.

 
At March 11, 2006 9:21 PM , Blogger Aia said...

kathryn: andun ba??? hindi ko napansin yung tagboard. akala ko inalis mo na. heheheh.


ansakit nga nun. buti nalang e pinahahalagahan ako nitong gagong yun. JOKE BOBS! hahaha.

sige, bigay ko sayo yung tag na ilalagay. nga pala, inadd mo yung ailah_solis diba? hindi na yun yung ginagamit ko e. --> ito na, aia_raks

 
At March 11, 2006 10:43 PM , Blogger vaN said...

hi aia. :D hope you're doin fine now. ^_^ missed ya!

 
At March 12, 2006 4:00 PM , Blogger fivestarmaria said...

di mo na nagets? tampo na ko nyan.
joke,:) ibig kong sabihn, hindi naman maiiwasan na may makasama kayong iba diba. i mean, sa case nyo ni bobs.. di naman pwede kayo na magkasama as in palagi ever (haha, ang arte) pero dahil sanay kayong always together e pag nakikita nyo na may kasamang iba ang isa, eh nag seselos kayo. haha. ang labo talaga. wag na nga lang.:)


oo, alam ko yang motto mo. na pag bespren e bespren lang. :) lagi ko yang naririnig sayo. at true enough e talagang pinapatunayanmo naman yan eh.:) duh.:) ahhha.

ang labo ko.

 
At March 12, 2006 5:12 PM , Blogger Aia said...

nina: BUMALIK KA NA SA BLOGGING WORLD!!!

 
At March 12, 2006 5:16 PM , Blogger Aia said...

kathryn: ganun din kami e. minsan mag bestfriend minsan parang hindi. hwahahhahaha.

sige. o kaya kapag online ka, para mas madali. hehe.

ano yang oras na yan?

 
At March 12, 2006 5:17 PM , Blogger Aia said...

aunj: ayy, gets ko na pala. ^_^ tama, tama.

isa yan sa mga motto ko na pinanghahawakan ko. nyahahahaha!

 
At March 13, 2006 4:06 PM , Blogger fivestarmaria said...

dibale, pag sikat ka na sa buong mundo (di lang sa pilipipinas, sure ako dyan), yan ang gawin mong motto. icampaign mo!:)

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home