<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d12329769\x26blogName\x3dTutsang+Kulot\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://tutsangkulot.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_PH\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://tutsangkulot.blogspot.com/\x26vt\x3d2595693058098382631', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

Friday, May 05, 2006

Hirap na hirap na ko. !@#$%^&*. Di ko na kaya ito. Antagal na naming walang katulong sa bahay.

Oo na.. alam ko na yang iniisip mo, feeling mo senyorita ako sa amin. Well, ayoko maging hypokrita kaya hindi ko i-dedeny. Naaalala ko dati, katapat lang ng kama ko yung electric fan pero tinawag ko pa sya (kung sino man yung maid namin nun) para ipabukas yun. Sinabay ko na rin yung pagpapakuha ng tubig sa kabilang kwarto, pagpulot ng remote sa lapag (na kung saan katabi lang ng kama ko) at kung anu ano pang kaya ko naman gawin ng walang ka-effort effort. Nabwisit nga ata, pagbalik nung huli kong utos nagmaganda sakin at sabi, "Meron pa?", with matching taas ng kilay yan ha. Kasalanan ko naman kaya ok lang.

Ang pangit na ng image ko sa inyo, siguro kung anu ano na yang binubulong mo sa katabi mo.

Antagal tagal tagal tagal tagal (exage na) na talaga naming walang maid. Nakakapagod na! Pero sa totoo eksaherada lang ako kasi ang ginagawa ko lang naman e, mag ayos ng kwarto ng magulang ko (hindi na yung akin, nagiging typical room na nga ng mga teenagers ang kwarto ko e), ibalik lahat ng wala sa puwesto. Magsaing. Hugas ng hugasin. Kompyuter. Internet. Internet. Internet. Net. Net. Net. Net. At net. Tapos saing ulit. Refill ng tubig sa mga bote. Hugas ng hugasin. At net ulit. Ewan ko ba kung bakit napapagod at nabubugnot ako jan. Lumaki lang talaga siguro akong tamad at senyorita.

Tae, bakit ba ko ganito? Nabubugnot talaga ako kapag inuutusan ako. Hindi talaga ako pwede maging nurse nito, kaya nung nag-oojt ako mas nakita ko na mas umaayon sa ugali ko ang pagiging doktor. Mas gusto ko maging doktor. Teka, ayoko pag usapan to. Para kasing pagtinignan ko pa lalo yung gusto ko talaga maging (something sa media) nawawala yung interest ko sa nursing, baka magback out pa ko sa course ko ng wala sa oras. Wawa naman magulang ko.


Pero kahit senyorita ako, butuhing anak parin ako. Sabi sa inyo mabait ako e. Kyut kyut pa. *KOREK KA DYAN!!?* (tagalog audible) Hala.. sino nag-pm? :P Sayko na ko!


Dapat magdradrama talaga ako sa post ko ngayon pero nawala yung momentum. Hindi kasi ako malungkot, pero hindi rin masaya. Neutral kung baga, at dead kid naman sa iba. Teka, nagugutom na ko.



Wala lang, inepal ko lang yung mga litrato, kyut kasi e. Hehe! Pictures taken by yours trulu

16 Comments:

At May 06, 2006 12:15 AM , Anonymous Anonymous said...

naks! senyorita ha?? yaan mo magbabago rin yan.. hehe!

tc ka lagi!

 
At May 06, 2006 12:37 AM , Anonymous Anonymous said...

bloghopping:) ahehe ako din eh feeling senyorita! *apir* lumaking tamad at senyorita:D

 
At May 06, 2006 8:32 AM , Anonymous Anonymous said...

ay naku sis
tama ka naman ehhiarp talaga pag walang maid... lalo na pag naturingan ka pang busy person, kaso kas s apanahaon ngayon hira na talagang makahanap ng katulong na masipag, mabait and etc.. kaya konting pesensiya at tiyaga nalang talaga...

 
At May 06, 2006 4:00 PM , Blogger yayam said...

senyorita ka pala? ako rin!!! pero marunong rin naman akong magsaing at maghugas ng plato. di bale, masasanay ka rin! ;)

 
At May 07, 2006 11:45 AM , Blogger Aia said...

gian: nyokers.. naku, ikaw lagi kang nagnenet, pero hindi ka naman nag uupdate. naku, thats bad. thats not healthy.:P

tama.. tama.:D

 
At May 07, 2006 11:45 AM , Blogger Aia said...

andrea: di naman masaydo.:p *sabay deny* hahahah!

 
At May 07, 2006 11:46 AM , Blogger Aia said...

christine: APIR!! naku, ang ganda natin. ahahahaha.

 
At May 07, 2006 11:48 AM , Blogger Aia said...

jhesca: natuwa naman daw ako sa name mo. hehehe! wala lang.

mahirap talaga. mga dekalidad na maid, na-extinct na! tsk.

 
At May 07, 2006 11:51 AM , Blogger Aia said...

kaishie: hoy, gaga hindi naman lumalayas maid dahil sakin.:P wala pa nga akong naaalala na dahil sakin kaya umalis yung maid. hahahaha!

ako rin pala utos sa labidabs, sobra!!! hindi yan, swerte nila nakahanap sila ng mala dyosa na gelprens. hahahahah!

ok lang yan, enjoy naman magreply sa mala- novelette mong comment. (novelette lang kasi hindi parin kaya talunin ng comment mo ang post nun) hahahha.

 
At May 07, 2006 11:51 AM , Blogger Aia said...

yayam: wahahahahaha! marami naman pala tayo e. lipana rin.:P hahah.

 
At May 07, 2006 11:53 AM , Blogger Aia said...

gelpren: masyado mong kinarir ang review classes no? hahaha.:P

ayy, nauutusan parin ako (nung may madi pa kami).. mga maliliit na bagay lang na hindi ka magpapawisan. heheheh!

 
At May 07, 2006 12:20 PM , Blogger fivestarmaria said...

hoy aia. hala? wala dawng drama yung post nya.:)) another darboy post ha.:))

 
At May 07, 2006 12:21 PM , Blogger fivestarmaria said...

senyorita din daw pala ako. ay.. more of bratinella. pero sa bahay lang yuin. sa school, kunwari mabuti.:))

 
At May 07, 2006 1:03 PM , Blogger Aia said...

aunj: wala nga. di drama yan ha! hmpf.

hahahhaha. sikat si darboy satin a. hahahhaha!

kitams.. kitams.. ikaw rin e.:P

 
At May 07, 2006 2:27 PM , Blogger Maelou said...

bakit ganun? ako naman hindi makapag utos sa maid namin (nagbabakasyon nga pala sya ngayon)? hindi ko alam pero nahihiya akong mag utos! haha...

 
At May 07, 2006 2:35 PM , Blogger Aia said...

maelou: ambait naman. edi buhay senyorita ang maid nyo sa inyo? hahahah.:P

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home