Naaliw naman ako kakakuha ng mga litrato ngayon. Feeling ko naman may potential ako maging photographer. Hayaan niyo na, feeling ako e! Pero lintek, bakit ko pa pinakeelaman yung functions.. peste! Hindi ko na tuloy mabalik yung gusto ko, yung setting na gamit ko sa pagkuha nung litrato sa baba ng post na to. Sayang. Haaay... *sigh*
Tapos wala akong ibang place na mapagkukuhaan ng litrato, !@#$ kasi yung mga katapat-bahay namin, nagsisipaglakihan ng bahay parang mga building sa Makati.
Sa totoo wala akong masabi, gusto ko lang magpost kasi masaya pala magupdate araw-araw. Tsaka may humahamon sakin ng pahabaan ng post. Pero hindi naman ako kumasa dahil TALONG TALO na ko sa kanya. Nobela kasi magpost, onti nalang matatapatan na mga masterpiece ni Shakespeare. At *ehem* isang post lang yun ha! Paano pa pagpinagsama sama mo. Wag magalit, nagsasabi lang ako ng totoo. Hahaha!
Naku.. nilalangaw na audience ko! Ang sesenseless na ng mga pinagsasasabi ko. YAK!
Kanina nung kakain na ko, kinutuban ako na ako ang maghuhugas ng pinggan. Oha, tama ako! Ako nga ang naghugas. Matagal tagal na rin akong hindi naghuhugas ng pinagkainan. Bakit? Tinatamad ako e, pake mo!? Kaya pagkatapos ko kumain, takbo kagad sa taas. Hahaha! Ewan ko ba sa nanay ko, nahihiya akong tawagin para maghugas. Pero iba ngayon, hindi ako pwedeng basta bastang mag EAT AND RUN. Nasugutan si inay sa hinlalaki. Kasi kung hindi ba naman WAN PORT na [insert adjective here], ginamit pang taas nung sa delata (ano ba tawag dun?) yung thumb nya, na ginagawa ko rin naman. Wan port din pala ako. Syempre, isa akong butihing anak, inako ko ang lahat ng hugasin. Ambait bait ko talaga. Kyut kyut pa.:P
Medyo ayos ang araw ko ngayon ha, infairness.. pero kaninang madaling araw, nawindang ako!!! Ewan ko ba, basta nawindang ako. Kakaisip siguro ng english ng "madaling araw". Ano ba ingles nyan??? Ayan.. sabi ni inay early dawn daw. Tama ba sya? Ang amas ko, parang nagaalinlangan ako sa sagot nya.:P
Okey. May nagapila kagad.. Redundant daw ang EARLY DAWN. Dapat daw, dawn lang. Hehehe! Natutuwa ako sa mga redundant na mga salita. Ansaya saya nila! Tulad nalang ng:
*moral lesson
*blissful happiness (mga jobie baliw yung gumawa ng ritual natin)
*napakalaking big deal
*mahabang long test
Marami pa yan e, benta kasi samin yang magpipinsan. Teka pakielam nyo nga naman. Hahahaha!
Uyyy.. 10:01pm na pala. Nanay ko talaga, labs na labs ako. Sabi sakin kahapon may curfew na daw ako sa computer, hanggang 9 nalang daw. Anong oras na ngayon. Tsk, kaya hindi umuunlad ang Pinas e. Buti yung yung sugat ko umuunlad na. Peklat nalang ngayon (koneksyon). Katulad ng sabi ko kanina, butihing anak ako kaya ako ay magshushutdown na.. titigil na sa kadadaldal dahil pagod na ang kamay at ngawit na ang balikat. Na sa totoo mga palusot ko lang dahil wala na kong masabi. *Zzzzz.*
15 Comments:
masterpiece ni Shakespeare pala ha..... T_T
hello aia! bago na pala link mo! galing kasi ako sa gising24oras nun. nagtatago ka? wahaha.... okay lang ba ilink kita?
hi aia! thank you nga pala sa greeting mo at oo nga pala, nagpalit na ako ng site http://vainroxy,net < pakichange narin po pala ang link ko sa site mo ah, sis? thanks ah! at try an try lang yan! magkakapoential ka na sa photography. hehe! cge sis, ingat! mwah!
darbs: ayy ikaw pala yung tinutukoy ko. di ko alam e. hahahahhahahahahahhahahahahah!
BENTA NUNG PICTURE MO SA GILID! WAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHA!
pagulong gulong na ko sa kakatawa. wahahahhahahaha.
ryza: oo, may pinagtataguan ako. sssshhh, quiet ka lang.:P
joke lang.
yey, lilink nya ko.:D
sandy: aba.. roxy girl ka din pala. (ako hindi, salat kami sa pera).
sige, papalitan ko. sakin din ha?
mwah! :D
ejay: nax. salamat! atleast may natuwa. heheh. :)
kaishie: lintek yan! mahahawa ako sa "lumevel up" na yan e. tsk. ayan na ayan na, nagagamit ko na rin sya. kamusta naman yun? ayy jan hindi ako nagaya, kasi kami nagpasimula ng mga kaibigan ko nyan. hahahaha!
yey! ang lungkot ng kuha. huhuhu!
oo nga e.. ang haba nga, kaya mahaba rin reply ko.:P
nice, darboy na darboy ah!
ako madalas din maghugas ng plato pero kapatid ko mas madalas.
haha. bully.
ang haba ng post grabe.:) benta ung ano mo ah redundant lines! :)
aunj: nyak!
buti binasa mo? whahahahahah. ang haba nga.:P
kaishie: sa totoo, kaya ko sinabi sayo yun para mainggit ka. >:) JOKE LANG. ahahhahaah.
ayoko rin kay mariel *kumusta naman yun* wahhahahahah!
hello. dumadaan lang. :)
di mo masyadong pinatulan yung hamon ah? pano pala pag ako pa lumaban dyan... mga 20 post ko pa ata! haha...
haaayyy... ako di naghuhugas eh, ang bait nung mAnliligaw ng mama ko. pinagluto kami, pinaghain pero sa kwarto ko namin kumain. pinahatid pa dun yung pagkain ko! tapos pagbaba ko nagvolunteer na sya na daw ang maghuhugas... the life! haha..
shally: uyy.. salamat sa pagdaan.:D
14 ka palang? HUWAT??? ambabata talaga ng mga tao sa blogger, sa tabulas kasi puro dalagang dalaga na. walaa lang.
nga pala. naaliw ako dun sa litrato mo sa blog.
maelou: naku.. di ka pa papasa kung sakaling may audition. hahahaha.:
WAAAAAAAAAA. instant chimi-a-a. sana kami rin may ganun. T_T inggit ako.
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home