Sinong may sabing hindi mo makukuha ang gusto mo sa pag iyak?
I cried for 15 minutes.. at ito ako ngayon nakakapag kompyuter. Nagkakuryente habang nilalabas ko sa iyak lahat ng hinanakit dahil kaninang umaga pa ako empty battery! Wooohoo.
Pero hindi ganun kaganda ang araw ko. Actually kasing pangit ni !@#$%^&*, may dumagdag pang text. Tsk!
Langyang yan, akala ko malilibot ko na bawat estasyon meron ang LRT line 2 e. Una sa Santolan, CODE RED. Tip ni manong guard (sa kaibigan ko) Katipunan na daw ang magsisilbing terminal sa umagang yun. Sugod lahat ng masa sa Katipunan Station acting terminal station. Natuwa pa ko nung una, pers taym akong mapapadpad dun e. Buti napigilan ko sarili ko, bubulungan ko sana yung katabi ko, "Ang cool pala dito, parang esteyts sayd. Subterranean ang way." Nakapila na ako ng matiwasay, kahit buong mamayan ng karatig bayan ay katabi ko ayos na ang pakiramdam ko, di na ako malelate nito. Biglang pag dating ng oh-so-mega train di daw magsasakay. Ready na ko makipag siksik ng biglang sabay yung dalawang pasahero lumabas, "Nagspark yan kanina e!". Waw, praktisado. Sigaw ng speaker, CODE RED. Nays!
Si inay hindi na nakapagpigil, inaway yung babae dun. Buti at mukhang hinasa yung babae sa pagsagot sa mga ganung feedbacks. Sa Harvard siguro nagtapos yun. Nanay instant star e. Naghakot ng audience. Kung nagdala ako ng panindang popcorn, chicharon at softdrinks may pang tuition na ko.
Muntik ko ng kaladkarin nanay ko palabas ng estasyong yun pero nauna ang respeto ko sa kanya. Pumangalaw ang pamumula at panghihina ko sa hiya.
Sa Anonas Station ang bagsak namin. Di na code red dun (sobra ka naman). Nang inis lang yung mamang tren drayber. Biruin mong punuin ng mga nanlilimahid na pagod na pagod at parang hindi nagalmusal at naligo na mga tao ang tren. Pakiramdam nya ata isang byahe lang yun. Nakaligtaan atang may iba pang estasyon. Lumipas ang mga taon at lumisan rin ang tren.
Pagdating ko sa aking butihing eskwelahan. WALANG prof. Di ko alam kung matutuwa ako o dapat na ba akong mag scout ng malilipatang unibersidad. DAMNET talaga! At kala nyo jan lang nagtatapos ang misadventures ko, nagkakamali ka. Pero di ko na ikwekwento kasi ang haba na nito at dumidilim na at any moment feeling ko mag bbrown out nanaman at.. at.. SIKRET!