Ok. Mabilising post! Nakikigamit lang ako ng notebook at internet access na sobrang bulok sa pinsan kong maganda (UYY). Wag kayong papaloko sa PLDT Vibe. Naku.. shut up na nga, mademanda pa ko.
Ambait bait ni Lord. Lab nya talaga ako. Pinostponed nya ang kinatatakutan ko kagabi. Pero postponed lang. Resume sya kaninang madaling araw. Natatakot ako!
Natatakot ako sa masyadong maingay. Sa katunayan, natatakot ako sa Disturbed. Takot ako kapag New Years Eve. Takot ako sa putukan. Takot ako sa concerts na maraming rakistang bulok. Pero higit sa lahat...
Takot ako kapag nagaaway magulang ko. Sobrang natatakot talaga! Kumakabog yung dibdib ko to the max. Grabe ako magdasal kapag malapit na sila magaway. Hindi naman nananakit ang tatay. Ayoko lang talaga! Pero sa tingin ko kayang kaya patayin ng tatay ko ang nanay ko. Natatakot talaga ako. Ayokong nagsisigawan. Nagising ako sa sigawan nila kaninang madaling araw.
Nakita ko ang sarili kong nagtakip ng gabundok na unan sa tenga ko habang sinasabi ang napaka powerful na mga kataga.. "Lalalalala.. lalala.". I need serious help.. psychological help!
Napanood nyo yung buhay ni Hero Angeles sa MMK. Syempre hindi, hindi kayo jologs e. Parehas kami ng nararamdaman kapag may nagaaway.. yun nga lang mas matindi yung sa kanya dahil mukha sya talagang psycho. Hindi pa naman ako dumdating sa stage na yan.
WAAAAA!