May kukwento ako tungkol sa pakiramdam ng pagiging tour guide, pag nonose bleed at *censored*. Wag na yung last part, kahiya e. Kwento ko nalang sa mga friends ko! Ansakit e, ang hapdi.(Literally)
Pero bago yun, ito munang latest. Ang galing mag sales talk ng mga saloner, hane? (o mas kilala sa tawag na parlorista) Ibang klase! Buti at hindi ko dala ang pera ko (nilibre lang ako) kung hindi mapapasubo talaga ako sa gastos. Hindi naman kami sa sosy na salon, dun lang kami sa afford ng madla. Itago ang nasabing salon sa pangalang "Index". Sinamahan namin yung pinsan naming esteyts sayd para mag pa-trim. Oha, edi nakalibre pa ko. Libreng hair spa. Habang nagaantay kami (ma-blower), walang humpay ang pagkumbinsi samin ng mga nasabing saloner na mag pa foot spa na rin. At wag ka, na uto ang pinsan namin. Edi napasubo, sabi ko nalang wala akong pera pero itong isa kong pinsan nagmamayaman (nakakuha kasi ng allowance sa ojt nya) at ililibre daw ako. Edi sige why not!?
Hindi rin maalis ang pagiging bolera nila. Taong happy sila! Ma-PR. Pero ayos lang, masaya mapuri once in a while.:)
At kanina.. hindi sa nagmamayabang.. sige na nga nagmamayabang na, para akong artista. SOSY talaga. Tatlo ang nagaayos ng buhok ko. Hindi sa hindi ma-handle ng isa ang pagkanipis nipis kong buhok (syempre sarcastic ako dyan) kung hindi.. nagagandahan lang talaga sila sakin.. . Ok, erase that! Kasi nararamdaman nilang magbabrown out, kaya nagmadali sila. Feeling artista naman ako dahil ang dami nilang nagkakagulo sa buhok ko. (two or more than two is many)
Ang haba na pala ng post ko! Sige, medyo bilisin na natin, baka ma-bored ka na sa pinagsasasabi ko. Hahaha.
Tour guide. Nagmistulang tour guide ako nung isang araw. Tour guide sa mall! Hahaha. Napakasaya ng araw na yan. NOT!!! Sobra, magdamag kaming naglakad, umupo at manood ng mga pangit na models na nagpapraktis. Tsss.
Nose Bleed. Ilang araw narin akong nagnonose bleed. Hindi sa may malubha akong karamdaman! Wala pa naman (pero mukhang malapit na), kundi dahil sa pagdating ng mga esteyts sayd naming cousins at isa lang sa kanila ang nakakaintindi ng tagalog (yung iba onti lang). Edi hinugot namin lahat ng naimbak na english words dun sa baol sa kaibuturan ng utak namin. Hirap maghalungkat ha! Hindi lang naman ako, pati mga iba kong pinsan. Lalo na si..
"They might lost." PEACE INSAN!!!
Sige tyaka na yung iba naming escapades! Ansakit na talaga e.. hapdi. ARRUUYYY!!!