<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d12329769\x26blogName\x3dTutsang+Kulot\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://tutsangkulot.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_PH\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://tutsangkulot.blogspot.com/\x26vt\x3d2595693058098382631', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

Monday, March 27, 2006

Gusto kong magpost dahil bago ang template ko pero mukhang hindi matino ang masasabi ko. Ilang minuto nalang magiinit na tong nanay ko, kailangan ng patayin ang kompyuter at baka mabatukan at makonyatan lang ako.

Kasi. Aaminin ko, umaabot ako ng limang oras para makapagpost. OO EXAGE sa paningin nyo, pero totoo. Medyo pathetic nga e! Todo ako sa pag edit ng post. Gusto ko maayos lahat, pulido, walang sabit! Perfectionist ba? Hindi! Malandi lang talaga ako.


Wala akong masabi. Natutuwa ako sa laging description sakin ng gelpren ko, totoong tao daw ako [mala-PBB]. Sa totoo, hindi. "Alien po ako, mali ka dyan sa inaakala mo. Alien po ako. Hindi ako clone, mas lalong hindi likha ng iyong ilusyon". Hindiii, flattered lang ako! Pero sasabihin ko sa inyo, hindi nyo ko kilala, iba ako sa mundo ng blogging, sa reality, at sa planeta namin sa outerspace! Iba-iba ako. Kung sa tingin nyo kilala nyo man ako, wag kayong papalinlang, doppelganger ko lang yun. Dalawang tao lang ang totoong may kilala sakin.


Last words. Yung linya dun sa banner na galing sa deviantart na edited by yours truly ay kanta ng Fools Garden na Lemon Tree. Antagal kong pinag isipin kung anong madramang linya ang mailalagay jan. At habang nagsasaing ako, *POOF*. Ilang oras ko rin inedit ang litratong yan. Gash, im losing my touch.

Last last words. BES may kamukha yung babae sa banner ko! Isipin mo kung sino? *ngisi* Kamukha nya talaga. At parang ganyan sya talaga. Hahahah!

Last last last words. Sobra natutuwa ako sa mga lower batch (1,2,3,4 pwede ka pa humabol!) sa amin. Hindi ko alam kung sipsip sila o lab lang talaga nila ang batch namin. UYY JOKE LANG YUN ha! Baka makahakot nanaman ako ng kaaaway. Alam ko namang lab nyo batch namin. Ansarap ng pakiramdam na minamahal ng iba, nirerespeto, tinitingala. Mamimiss ko kayo kahit onti lang ang kaclose ko sa inyo.


YAK STOP NA NGA!!! ANCHAKA NA E. FEELING ARTISTA NAMAN TONG POST NA TO! KADIRI!

Sunday, March 26, 2006

"AIA! TIGNAN MO TO."

Ambilis kong nagising at bumangon, baka kasi uminit ulo ng nanay ko e espesyal ang araw na to at ayokong masira. Ayos! May sapatos na kong pwede gamitin. Kagabi pa namomoblema nanay ko dahil nakakaawa daw ako, sira sira yung sapatos ko, baka daw magdaldal yun habang naglalakad ako. Kumain kagad ako, nanay ko na ang naghugas ng pinagkainan namin. Mabagal daw ako kumilos kaya pinagayos na nya ko ng katawan.

Sibat kami kagad ni ina, diretso ng salon [sosyal pa-salon salon pa]. Pina-trim ang buhok ko at buhok nya para daw may libreng blower. Mas mahal daw kasi kapag magpapa-blower lang. E kung tutuusin, kung ako na lang ang nag-ayos sa sarili ko, wala pang gastos. Pagdating sa bahay, pinaupo kagad ako ni ina sa dresser. Lintsak para akong artista, lahat dapat fastforward ng 2 times. Ambilis! Nagbihis kagad ako, pero teka *PAUSE* tingin sa salamin. "SYET ANG GANDA KO!!!"

Parked car, this noon heat.. Yak korny! Ang init, GAWSHZERSS!! Ooops, wala pa pala akong lipistik. Baba sa sasakyan, diretso assembly area ng eskwelahan. Nagkokodakan na sila. Inintay namin ang turn namin para makapag-smayl sa kamera. Ayos tapos na, akyat kagad sa taas [alangan naman sa baba EKEK].

Magbalik tanaw tayo sa mga nakalipas na ilang minuto..

Andaming nagcocongratulate sa aking mga parents. Aba instant celebrity ako! Syempre ako ngiti lang sabay "Thank you po!" o kaya "Salamat po!" tapos ngiti ulit bago umalis. Nakalimutan ko tignan yung binigay na parang imbiteysyon bago pumasok sa iskul kung saan nakalagay yung mga mangyayari sa programa, mga espesyal na tao na kailangan makilala ng manonood. Ano bang tawag dun? Tinignan ko na sya, at napatalon ako sa nakita ko.

4th honorable ka hija, !@#$%^&* hindi ako makapaniwala! Ako.. 4th honorable mention, 6th sa pinakamataas sa buong batch. Pang 2nd to 1st honor ang grades ko. Greatest achievement pare! [yan na nga greatest achievement, loser kasi ako kaya bilang sa isang kamay ang achievements ko.] Ilang oras nalang gagraduate na ko, ilang taon na lang magtratrabaho nako. May dalawang buwan kung saan patay at walang kulay ang buhay ko.

Mass. Graduation rights. Matatapos na! Alumni na kami. Nakuha ko na ang diploma ko. At ang moment of glory ko malapit na din. 4th honorable mention... AILAH GESTA C. SOLIS. Palakpakan mga batchmates ko, syempre kinontrata ko na yung mga yun. Sinabit na sakin ng nanay ko ang medalya ko. May balak sana akong gayahin yung sa commercial ng vaseline kaya lang masyadong palapad papel na ko sa stage at kakain ng oras yun. Pero nakakaaliw, habang sinasabit sa akin yung medal, naririnig ko yung mga kaibigan ko sumisigaw ng VASELINE!!! At pag upo ko sa salumpuwit ko, sabay sabay yung mga kalapit ko "Thank you for the glow and thank you for the joy.." Led by MonSi with his mala-earth wind and fire voice. Hahahaha!

Ansarap ng feeling, biruin mo tatlong beses ako naexpose sa stage, ang pagkuha ng diploma, loyalty award, pin at souvenir, ang pagkuha ng medal at ang pagkuha ng price dahil naka third pa kami sa science fair. Apat pala, dahil nagsalita pa ko sa podium para sa candle ceremony. ANGAS KO NA NITO!!!


"So will it ever be
I tried so hard to find sweet serenity
Are you still afraid
Just close your eyes and dream
The feeling fades away"

Yan ang grad song, hindi na ako masyadong naiyak. Naubos na ata during practice. Titser na namin ang pumili dahil wala kaming mapili, lagi lang kaming nagaaway away dahil hindi magkasundo sa isang kanta. Sabi nila bagay samin yang kantang yan. "Kahit gaano kayo kagago, hold your head up high." Tama nga!

New phase ng buhay ko. Kaleyj layp! Cliche to, pero mamimiss ko talaga silang lahat! Berx, Prat, Jegz at the Others.

P.S. Paoe, niyakap ko na sya at humingi na ko ng tawad. OHA!!! Galing ko no.


Aia graduated on March 24, 2006.
plus 1 and a half year. Woohoo!

Sunday, March 19, 2006

Alam kong sabog sabog ang itsura ng bagong template ko sa window nyo. Kung sabog nga, at kung gusto nyo lang naman makita ng maayos.. palitan nyo nalang yung screen resolution nyo ng 1152x864. O kaya kung gusto nyo, forever ng ganyan para masaya. HAHAHAHA!


Alam mo nung marso 17 ng gabi.. napaka lame ng ginawa ko. Hindi ko na nasingit sa previous post ko dahil sa sobrang katuwaan. Nanonood ako ng MTV Sessions, and being the poser that i am, kinuha ko yung gitara ko tutal nakalapag lang sya sa kama ko, niluwagan ang strap para bumaba, at nagpumiling na Lalay. Buti hindi nagtatalon si Lalay kung hindi lumindol na sa bahay namin. Biglang... *open ng door*

Itay: [windang ang itsura] uhh.. tawag ka ni mommy, ibaba mo daw yung [insert kind underwear here] mo.
Ako: ... *Shocked at di na nakapgsalita*
Itay: *Sarado ng pinto, dahan dahan*

Napaupo nalang ako sa kama. Parang kunyari walang nagnyari. Hahahahaha!



Kahapon. Nasa anniversary kami ng DeMolay. At nasapul nanaman sakin na ambata bata ko pa. Isang di kilalang DeMolay ang lumapit:

Unknown: Magfe-fellowship kayo?
Insan: Hindi *sabay tap sa mga ulo namin* bata pa e.
Unknown at Insan: Hahaha!

Nagulat ka no, may idad pala para dyan. Oo, dapat nasa hustong idad ka, 18 and above. Alam mo kung bakit? Go FIGURE! Hahahahah.



PLUG: SOBRANG BENTA NITO SAKIN. LAUGHTRIP TALAGA. MUST CLICK!!! New video ng Milk and Cereal (MC and JOWS version). Ito pala yung kantang matagal ng sinasabi ng insan ko sakin, ngayon ko lang narinig. Hahahahaha!

Friday, March 17, 2006

ANO BA ITO, BAKIT BA KO DINADAGSA NG MGA PROBLEMANG DAPAT PROBLEMAHIN!!! Hindi ko naman dati pinoproblema mga problema ko, hinihintay ko lang dumating yung mga solusyon, hinihintay ko magsawa sakin. Pero ngayon iba, obsess sila sakin.

Napaka boring ng araw na to. Ayoko ng mag summer vacation, pakiramdam ko magiging ganto buong buhay ko sa loob ng dalawang buwan. Wag kayong mainggit kung pa-relax relax ako ngayon, dahil hindi nakakatuwa. WALANG MAGAWA!!! Sana katulad ko si Ulang, bayad sa pag gawa ng wala. Pero hindi ko rin naman ata kakayanin yun. Hihintayin kung saan papadparin ng alon. TANG INA PA ginawa na talaga akong chimay dito. Masyadong nawili nanay ko sa paggawa ko ng chores. TANG INANG BUHAY TALAGA!!!


edit
Akala ko forever ng pangit ang araw ko, buti nalang hindi masyadong lag ang sun at nareceive ko kagad ang text ng bes ko kaya may naabutan pa ko sa MTV Sessions. UDUB DA BEST talaga! Never fails to make my day. I lab Gabby Alipe forever, Im gonna be MRS AIA S. ALIPE, woohoo. Im gonna be the future Lalay. Tapos, in the future hindi na ko magiging poser. Pero hindi rin e, poser talaga ako e! At forever na yun. *BOW*!
/edit

Tuesday, March 14, 2006

HAHAHAHAHHAHAHAHAHA! You know how funny when people get irriated to you because of your great kaangasan at pangaasar. Wala lang.

For the past few days [tama na english, nauubusan na ko] hindi ko mapigilan ang mga kasama ko na manahimik. ANG DADALDAL!!! ANG IINGAY!!! Parinig ng parinig. AGAW EKSENA lagi. Nag-iimbita nanaman ng gulo. Ga-graduate na nga lang kami magto-top pa kami sa kill list ng mga yun. Patagal ng patagal nagkakaroon ng taning ang buhay namin. Tsk!

Prat, tignan nyo mabuti tayo talaga ang may kasalanan. Kahit anong sabihin natin, lamang yung kasalanan natin. Tayo ang nagumpisa e. TAWANAN NA LANG TAYO!!!

... hahahahahaha.

.. hahaha.

. ha?


Pero hindi lahat maikukubli ng tawa, sa totoo kinakabahan ako sa magaganap na GIYERA bukas.. o sa makalawa.. o kaya sa susunod na makalawa [makatatalo na pala dapat].. o kung kailan man. Alam kong ipit ako sa gitna. Ang isa alam sa isa ako kampi, ang isa alam sa kanila ako kampi. Pero sa totoo... MALI kapag sinabi mong blissful happiness o kaya moral lesson. Redundant! Parang bakla na nagsuot ng pink shirt with matching pink headband. HAHAHAHA!


"Maybe I've been the problem
Maybe I'm the one to blame
But even when I turn it off and blame myself
The outcome feels the same
"
- stars, SWITCHFOOT

Sunday, March 12, 2006

Ayoko sa lahat yung ginigising ako. Kapag natulugan ko ang paghihintay.. paghihintay matapos ang pagluto at paghain ng pagkain, ayoko ng kumain pa. Umuunti ang gutom ko kapag ganun, naiinis lang ako sa mundo. Nagkakasala pa ko kay papa God dahil dinadabugan ko ang pagkain.

Sacred sa akin ang mga oras na nakakatulog ako ng tanghali. Hindi ko kasi kinalakihan at kinaugalian yun, hirap din ako makakuha ng tulog sa mga ganung oras [siguro kasi puro kompyuter ang inaatupag ko] kaya siguro ang liit ko at kasing payat ako ng sitaw. Masaya ako kapag nakakapag-siesta ako. Pakiramdam ko tumatangkad ako. Tumataba. Gumaganda. Parang fresh na fresh ako pag gising kahit na bad breath at may laway laway sa pisngi. [Hindi ako tulo laway, tita ko lang yun.] Nyahahaahha.


Sa totoo gusto ko lang mapatungan yung previous post ko. ANG KORNY kasi! Ayoko ng korny. Baka sabihan pa ako ng korny. Ayoko na! Yak ang korny ko!!!


To FLIP: Flip, flip ka talaga!!! *pangit ka... baluga ka pa.* Nyahahahahahaha, peace tayo.



KAPAG CUTE KA DAPAT KANG PUMUNTA DITO.

Saturday, March 11, 2006

Nakakatawa, tinamaan ako sa post mo! O kung hindi man ako yung pinariringgan mo dun, mas nakakatawa.

Alam mo bobs, hindi ako napilitang maging kaibigan ka. Kung alam mo lang kung gaano ako natutuwa nung nabasa ko yung sulat mo sakin nung retreat. Lagi kang handang tumulong kahit kadalasan e nakukulitan ka na sakin. Kahit lagi kitang inaaway, kahit lagi tayong nag-aaway. Problema lang satin masyado tayong parehas, masyadong mataas pride natin [no offense]. Kung sa tingin mo naging user ako, pasensya ka na. Hindi tamang itanggi ko yun dahil sa totoo nung pinaka pinaka una, nung two weeks ng 1st quarter, medyo naging user nga ako. Wala akong makakasama sa klasrum, naisip ko magiging hell ang buhay kapag si hazel ang lagi kong kasama dahil kadalasan ma-o-op lang ako sa mga trip nya. Hindi rin naman ako makasama kay pam at lianne dahil kahit alam kong kaibigan ko sila at vice versa, may mga maliliit na bagay na hindi nila kayang ipagkatiwala sakin. Alam mo mahirap ang feeling na hindi ka pinagkakatiwalaan, kahit napaka liit na bagay lang nun. Para akong laging napag-iiwanan sa kanilang dalawa at ayoko yung pakiramdam na yun. Pero syempre hindi ko sila masisisi, ano ba naman ako para pagkatiwalaan nila.

Alam kong alam mong SELOSA ako. SELFISH. MADAMOT. MALANDI. TAKLESA. USER! Lahat na ng pangit na pwedeng mamana ng isang babae sa kinanununuan nyang mga demonyo.

Nakita ko na hindi pa pala tayo ganung ka-solid. Na-realize ko to nung nagmall tayo at sinamahan natin si lianne na bumili ng project nya. Oo, nagselos ako! Mas close talaga kayo ni lianne at sapul sakin yun. Parang walang wala yung pinagsamahan natin sa pinagsamahan nyo [na totoo naman na medyo hindi ko lang matanggap. the truth hurts, a lot!]. Alam kong hindi naman tama na magselos ako dahil magka-iba naman ang turing mo samin pero di kayang itanggi na masakit talaga.

Simula nun, lagi na kayong magkasama. At natutuwa ako dahil naibalik ko [kung isa man ako sa dahilan] ang closeness nyo.

Di ko rin naman kayang maki-epal sa inyo dahil mahirap yun, may mga bagay na kayong dalawa lang ang nakakaintindi at kung sakaling sumama ako sa inyo mararamdam ko lang ulit ang pakiramdam ng napagiiwanan. [Total naglabas na ko ng sama ng loob, lubusin na natin] Kahit kay Phoebe at Angie mahirap sumama. Kay Omi at Miguel mahirap din dahil hindi naman kami close nyan, we just belong to the same group. Kay JR nafi-feel ko na medyo na-iilang na sya at parang nauubusan na sya ng sasabihin kapag nagkwekwentuhan kami. Nafifeel ko ang OP-ness.

Sabi ko kay ino hahayaan ko nalang ang lahat tutal matatapos na ang taon at magka-ibang daanan na ang tatahakin natin. Sure akong kapag nagkita tayo after several years magkakailangan na tayo. Pero mahirap palang iwanan lang ang isang problema, hindi pala laging na-iimply ang sinabi ni kelly na "dont problem the problem let the problem problem you".


Alam mo selosa talaga ako, kahit kay JR nagseselos ako. Mas mukha pa nga kayong magbestfriend kesa sakin e. Nagseselos ako dahil para akong nanakawan ng urbandub cd. Nagseselos din ako dahil parang nawala din yung barkadang hindi ko alam kung kailan naging solid. Natatawa ako dahil sabi ko sa sarili ko pagkatapos basahin ang post mo "sino sya para tawagin akong user!" pero ayokong maging hypokrita. Ayoko maging TUPPERWARE!!!

Hindi ko alam kung bakit mo nasabi yung mga yun [indenial lang ako, alam ko talaga kung bakit]. Hindi ko alam kung nabasa mo yung previous post ko. Hindi ko alam kung nasasktan ka dun. Hindi ko alam kung may-impact pa lahat ng pinagsasabi ko sayo sa post ko. Hindi ko talaga alam. Hindi ko alam takbo ng utak mo. Hindi ko alam! Hindi ko alam kung anong kahihinatnan ng lahat ng ito.


Sa una [at baka sa huling beses] ibaba ko ang pride ko, gusto kong malaman na malaki ang kwarto mo sa puso ko. Mahal kita besy ko! Sana maniwala ka....

Friday, March 10, 2006

Masaya. Bitin. Masaya. Bitin. Pero masaya. Pero bitin! Pero buti masaya kahit bitin. Sabi nga ng tatay ko [nung sinermonan nya ko nung isang beses na late na kong nagpasundo] its not the quantity, its the quality at tumatak sya sa isip ko kahit minsan hindi pa rin ako sang ayon dun. Pero aaminin ko tama naman siya.

Kahapon field trip namin. Hindi compulsory, hindi rin educational. Recreational sya. Nagpunta kami EK [pictures here], kung saan panahon pa ata ng mga sinaunang batch ng school namin e doon na nagfi-field trip. Ang korny kasi limang oras lang kami nagstay dun. KORNY TALAGA! Pero sa kabilang banda masaya kami. OO MASAYA TALAGA AKO! Nakasama ko ang girlfriends ko. Pero hindi kami buo, kulang ng isa. Lagi kaming hindi buo kapag asa EK. Sabi ng isa kong pare baka daw kapag nabuo kami dun, baka yun daw yung araw na mamamatay na kami. Hahahah.


Sa "prat" [pausong tawag lang namin yan ng mga girlfriends ko] namin off limits ang boyplens kapag bonding to the max kami. Bawal! Isa to sa mga major rules namin kung saan kapag sinuway malaking tampuhan ang magaganap na sa inuman at iyakan ang bagsak, JOKE. Pero bawal talaga. Noong una medyo tutol ako dyan, lalo na nung third year. Pero ngayon sobrang intindi ko kung bakit ganun ang gusto nila. Ang atensyon mo asa ka-relasyon mo, wala sa barkada. Hindi kayo solid nyan, para lang kayo nag-group date. Siguro ito ang sikreto [bakit ko binunyag? ekekek] kung bakit solid ang prat, kahit na paminsan e may nangangahas pa ring manira sa likod ng bawat isa.

Masarap magmahal ang prat. Lahat gago [ito naman ata lahat ang description ng bawat barkada sa kanila]! Mapag-imbita ng gulo, laging may kaaway. Laging misunderstood. ALAM KO LAHAT NG TAO SA SCHOOL NAMIN E MAY HIDDEN GALIT SAMIN!!! O kung wala man, wala silang pake samin. Sa madaling sabi mas mabuti pang hindi nalang kami nabuhay sa mundo. Pero wala kaming PAKE sa inyong lahat, basta kami masaya, buo at nagmamahalan.

Sa prat, nararamadaman kong WANTED ako. Muntik pa kong maiyak kahapon sa isang maikling text.

Sabi ni Ethel: Pungs, bilisan nyo kayo nalang hinihintay ng bus. Sabihin mo kay Aia satin sya sumama. [hindi eksaktong ganyan ang pagkatext pero yan na yun. Basta!]

Awwww.

Pero ang nasagot ko lang kay Pungs e, "ano ka ba syempre sa inyo ako sasama!". Ito ang masarap sa prat, kahit minsan na minsan lang talaga ako makasama sa kanila, sa bawat lakad nila INVITED pa rin ako. Kahit kadalasan alam nilang hindi ako makakasama, nag-e-effort pa rin silang magyaya. Minsan nahihirapan ako kung paano ko sasabihin na hindi sila magtatampo, pero syempre kahit gaano kaganda at ka-polite ang pagsabi mo, hindi maaalis yun.

Sa prat, alam ng bawat isa ang nangyayari sa kani-kanilang buhay. Pero hindi ko alam kung alam nila yung akin dahil hindi naman ako mapagkwento, hindi sa hindi ko sila pinagkakatiwalaan, tinatamad lang talaga ako kadalasang magdaldal. Ang prat ang isa sa grupo na alam kong sasaluhin ako kahit anong pagtataksil [sobra, pagtataksil!] ang gawin ko sa kanila.

Ang prat... ay mahal ko.




SANA MABASA NYO. MINSAN LANG AKONG MAGDRAMA SA INYO KAYA PAGBIGYAN NYO NA KO!!!

Wednesday, March 08, 2006

May dalawang klase ng tao sa mundo, and trend setters at ang mga WALANG originality. Pero sa totoo medyo wala naman kinalaman ang post ko dito. Gusto ko lang sabihin. No aze? Hahaha.


Naiinis ako kapag isa sa mga bagay na gustong gusto ko ay nagiging mainstream. Naiinis talaga ako! Katulad nalang sa banda, sa damit, sa buhok, sa laro. Sa pagkain hindi. Naiinis talaga ako!!! Grrr. Nakakainis naman talaga diba? Naiinis ako kapag feeling nila mas marami na silang alam sa bagay na yun. Naiinis ako kapag feeling nila mas magaling na sila sa akin [na kadalasan yun talaga ang nangyayari]. Naiinis ako kapag nagiging inspirasyon ako ng kung sinong tao sa pananamit. Naiinis ako! Naiinis ako! Nakakainis talaga.

Kagabi, nakaharapa ako sa salamin:
AKO: Ma, mawawala na yung bangs. [abot outerspace ang ngiti]
MA: Bakit ayaw mo na magbangs?
AKO: Ayoko na, masyado na kong maraming kamukha sa mundo. YAK!!!
MA: [binulong sa maid namin ng ubod ng lakas] Ang anak ko ayaw talaga ng may kapareho.
AKO: OO, AYOKO!!! AYOKO, AYOKO, AYOKO, TALAGA!!!

Siguro pikon lang talaga ako. O siguro ayoko lang magpatalo. O kaya naman gusto ko siguro sa akin ang atensyon. Malamang.. malamang yun na nga yun. Gusto ko sa akin ang atenstyon. Attention seeker ako! Di ko itatanggi yun. Dulot siguro yun ng pagiging only child ko. Sanay akong maligo sa atensyon galing sa nanay at tatay ko, sa maid namin, sa aso namin, sa mga kaibigan ng magulang ko, sa mga kaibigan ko nung bata ako, sa mga kapit-bahay. Sanay akong lagi ako ang bida, lagi ako ang maganda. PERO KAHIT SANAY AKONG SA AKIN ANG SPOTLIGHT, never akong naging papansin, yung katulad nila [insert names here] na kung magpa-kyut e akala mo wala ng bukas. Hindi ako nangaagaw ng mikropono ng may mikropono [hindi yan literal dahil kaboses ko si Inday Badiday kapag kumakanta o kahit nagsasalita]. Ang pangit pala ng ugali ko! Hmmmm.

Napansin ko to nung isang araw, pagkapasok ko para akong naka-invisibility cloak. Hindi ko nalang ininda, tuloy lang ako sa paglakad. Umuupo ako dun sa likod, nagpaka-loner effect ako, at success may pumansin naman. Yung mga naturing kong kaibigan ang lumapit at medyo parang napilitang humalik sa akin [sorry yun talaga ang napansin ko]. Noon ko naisip ang nasabing pangit na ugali. Sanay akong pagpasok ko maraming bumabati, maraming bebeso [na ramdam kong from the bottom of their heart]. Nasaan na kayo yung mga kaibigan ko? Napansin ko rin, wala pala ako ganun ka-close sa mga babae kong ka-class/batchmate. As in yung mga mala-bestfriend na ka-close. Iba pa rin talaga kapag babae ang ka-close mo. Hindi nga rin pala ako "one of the boys", sa totoo wala akong ka-close na lalaki, maliban syempre kay [itago nalang natin sa pangalang] Ibanni. Saan kaya nagsipuntahan mga totoo kong kaibigan, ang aga naman nilang magbakasyon.... .. .

Friday, March 03, 2006

GRADUATE NA KO!!! Well, malapit na. 21 days na lang, aakyat na ko ng intablado. Meron na akong isang sure award, ang LOYALTY AWARD. Nyahahahahhah. Ayos to!

Hindi talaga ako makapaniwala. Tapos na lahat. Excited na ko magkolehiyo. Excited na ko tumambay sa LRT. Excited na ko makasama sa gimik ng pinsan ko. (Asa!) Excited na talaga ako. Kaya lang.. kanina binasa ko ulit yung ABNKKBSNPLAko parang nawala yung excitement ko sa next phase ng student layp ko. Parang ayoko ng magkolehiyo. Parang ayoko na talaga! Pero ayoko na rin naman sa highschool. Isa lang yan... AYOKO NA MAG-ARAL!!! Ayoko na talaga.


Nung isang araw naguusap-usap kami ng barkada ko. Napasok sa usapan ang kursong pinili namin. Napaisip ako.... hindi ko alam, parang ayoko ng mag nurse. Ewan! Wala rin naman akong ibang gusto. Hindi ko kasi alam yung magiging trabaho ko sa ibang course na option ko (BOBONESS ang umiiral). Sabi nila bagay daw kung mag-a-advertising nalang ako, yung something to do with designing o kaya naman fashion o commercials. Sa totoo sumagi sa isip ko yun. Pero ewan (As if naman no)! Ito gusto ng biological parents ko, gusto ko rin naman sya. Gusto ko iangat sa kahirapan ang pamilya namin, gusto ko matupad ang pangarap ni ina na makapunta sa ibang planeta. Gusto ko mabayaran lahat ng utang namin. Gusto ko mabilhan ng bagong damit ang tatay ko (puro nalang kasi boxers ang binibili nya kapag umaalis kami). Gusto ko bisitahin yung alien parents ko. Gusto ko manlibre. Gusto kong magpainom. Gusto ko ng ipapatay yung mga taong asa KILL LIST ko (lalo na yung hipag ng kaibigan ko). Gusto kong yumaman. Gusto kong yumaman na hindi. Gusto ko na nang relax na buhay. Gusto ko wala nakong proproblemahin. Gusto ko ng mapuntahan ang huling stage sa heirarchy of needs na Self Actualization, pero ayoko pang mamatay. Gusto ko ako na ang nagpapatakbo sa buhay ko. GUSTO KO!!! Gusto ko nang gumanda ulit. Matutulog nalang siguro ako.


Buong araw lang akong natulog, nagbasa at nagtext ngayon. Ansaya ng ganitong buhay! Buhay batugan. Sabi namin ng besy ko pagkatapos ng lahat, magpapahinga talaga kami. DESERVED REST!!! Ito, kasalukuyan ko sya tinutupad. Waahoo. Kahapon naman, masyado naming ine-enjoy ang pagwakas ng exams. Ito ako (kahapon. Sige pindutin mo ng makita mo), senglot! Wapak. Hinatid ako ni Bes pauwi. Astig nga at nakuha ko pang makipagkita sakanya sa McDo. Alam ko lahat ng ginawa ko. *beh* Kala nyo hindi no? Hahahahaha. Pag uwi ko kagabi, instant grounded! Bawal daw ako umalis ng Friday at Saturday. Naamoy pa ko, pero syempre ang nanay ko e medyo may pagka-insert insult here sa katawan, napaniwala kong hindi ako uminom. Ayos! At ngayon, susundin ko na sya, mag o-offline na ko. Baka tumagal pa ang pagka grounded ko. Hahahaha.