<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d12329769\x26blogName\x3dTutsang+Kulot\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://tutsangkulot.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_PH\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://tutsangkulot.blogspot.com/\x26vt\x3d2595693058098382631', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

Wednesday, May 31, 2006

Galing ako sa orientation kahapon. Oha, college na college na ang dating. Nakuha ko na rin yung uniform.. im sorry pero ang pangit nga talaga ng uniform namin! Di pa bagay sakin.. ok lang kung nakalugay.. pero syempre hindi pwede yun!

Natatawa ako sa mga blakmeyts ko! Ok quiet nalang ako. Mamaya may bumabasa pala nito. Nakakatawa talaga. Tapos alam na namin yung name ni KYUT! OMG OMG OMG! Syet.. pinagkakaguluhan sya. Nakakabaliw.. hindi ko akalaing may ganung lalaking pagkakaguluhan ng mga freshie. Lahat naguunahan sa harap nung tinutour kami. IBANG KLASE ANG APPEAL! Tinititigan ko sya, hindi naman sya kyut talaga.. pero ma-appeal. Iba. Ibang iba. Namangha ako sa impact nya sa mga babae, e ilan lang naman ang lalaki sa klasrum. Sa friday, may acquintace party.. kailangan kong magisip ng maraming tanong tungkol sa college layp para makausap ko sya. TACTICS YAN PADI!!!


Sa totoo hindi ako magpopost ngayon.. pinilit lang ako ng kaisa isang fan ko! O WAG MONG ITATANGGI alam kong totoo. Joke lang.:p


Wala akong masabi.. basta masaya kahapon! Kasama ko si bes at may sinama pa. Oha, edi ang saya! Tapos.. tapos.. nilibre kami ni bestfriend, kami ni nanay. Galante amp. C'mon gurls.. go get him.:p

Tae si me! Tsk.

Friday, May 26, 2006

MANG IINGGIT LANG AKO! ANSARAP KASI NG ULAM NAMIN NGAYON. NAPERPEK NG NANAY KO ANG TIMPLA NG KLADERETA. WOOHOO!!! Noon ang kaldereta namin, masabaw.. hindi maanghang. Nawawalan tuloy ako ng gana. Nung nagreklamo ako, sabi ko dapat pasarsa effect, hindi pasabaw. Tapos dapat maanghang. Ayan sinunod ako. YUM YUM! Ansarap talaga.. naparami tuloy kain ko. Dieta pa naman ako.



Joke lang. Wala namng kailangan i-dieta sakin., Butot balat ako, tulad ng saranggola! Di nga lang ako lumilipad. Hahahah!

Tuesday, May 23, 2006

Ayoko talaga kapag umuulan. Malungkot... maingay pa. Di ko masyadong makuha kung bakit gusto ng mga tao ang ulan. Siguro kasi malamig. Malamig nga malungkot naman. Siguro kasi masarap matulog. Paano naman hihimbing ang tulog mo e maingay naman. Siguro kasi masarap humigop ng sabaw. Siguro kasi.. siguro kasi abnormal lang ako kaya nalulungkot ako kapag umuulan. Naaburido kapag umuulan. Natatakot kapag umuulan. Natatakot nga ako. Takot ako sa kulog! Pero hindi ako katulad ng mga pokpoking babae na kung sumigaw ay kala mo kinalbo kasama kilay kapag nakaka strike si San Pedro.

Nakakatakot naman talaga e.. parang gugunaw ang mundo. Parang babalik ang diablo sa balat ng lupa para muling maghasik ng lagim. Naggflaflash back sakin yung mga scene sa Passion of the Christ. Parang nagaganap lahat ng karahasan at karumaldumal na gawain kapag kumukulog. Parang sinyales at tatak na magiging miserable ang buhay ng bawat isa. Kaya natatakot ako sa kulog.


Pero ang pinakakinatatakutan ko ay ang mga posibilidad na mag brown out.

Monday, May 22, 2006

Napapansin ko nagiging boring na blog ko. Sabagay boring naman akong tao kaya no wonder dapat. Napansin ko din na ang ikli ko na talagang magpost kaya adjust natin ng onti yung length. Napansin ko rin na wala ng pumupunta ng blog ko (dahil hindi ko rin naman pinupuntahan blog nyo). Napansin ko na ang pakyut pala ni Kim (sige magreact ang magrereact!!!). Napansin kong bagay kami ni Gerald. Napansin kong ang jologs na ng PBB (YAK). Napansin kong twice a day nalang ako kumakain (lunch at dinner). Napansin kong hindi na ko bumaba ng bahay namin, lagi akong nasa taas. At napansin kong buhay prinsesa nanaman ako. Nyahahahaha! Sarap.

Natawa ako, lagi akong nasa kwarto ko o kaya sa kwarto ng magulang ko. Lunch ko, kundi sa harap ng TV, sa harap ng monitor. Pag dinner siguradong sa harap ng kompyuter. Sweet! Nagtampo tuloy nanay ko, hindi ko raw nakita yung inayos nilang aparador sa baba. Para naman kasing maglalayas yun katulad nung iba naming mga kasambahay.

Nababagot na ko sa buhay ko. Walang pera. Walang pera. At walang pera. Ang pangit pangit ko pa ngayon. Nakakadepress. Text nalang tayo!


Tae talaga si me!
Tae ba you?

Sunday, May 21, 2006

Iba talaga importance ng cottonbuds.
Itay: Pinabomba ko yung tambutso kahapon o, andaming dumi.
Inay: Ano? Karera?

Friday, May 19, 2006

Syet, dahil sa talent ni Paoe, may naalala akong isang korny na sinabi ng tatay ko.

Asa biyahe kami papuntang Pangasinan (matagal na to, nakaraan na ang dalawang dekada) pinaguusapan namin yung dub-erang klasmeyt ng pinsan ko. Nagpalapad papel tatay ko, nagdudub din daw sya noon, sa Mazinger Z. Edi natuwa ako dahil mukhang nagsasabi ng totoo, ginatungan rin kasi ng nanay ko sinama daw sya isang beses pero pinagintay sya sa labas. Kahit hindi ko naaubutan yung palabas na yun, tinanong ko parin kung sinong character sya dun.

Ako: Sino ka dun?
Nanay: *singit sa background* Oo nga, sino ka dun?
Tatay: Mamamayan. Mamamayang tiga-sigaw. "Aaaaaah.. Andyan na sila. Aaaaahhhh"

Toink. Gusto kong tumumba sa kinauupuan ko. Tiga sigaw lang pala. At ginawa nya pa, convincing naman.

---

Hindi rin pala ako nakaalis kahapon dahil kasal ng pinsan ko! Enjoy. May stand up comedian! Ibang klase yung pastor. TAONG HAPPY!!! Chenes talaga. Hindi exage to, parang pinapapak nya yung enervon. Parang walang ibang laman yung katawan nya kundi glucose. HYPER ACTIVE TALAGA! Puta. Mapapamura ka talaga sa kanya. Saludo ako sa Pastor na yun. Hahahaha.

Thursday, May 18, 2006

Syempre isang napaka gandang lakad nanaman ang hindi natuloy. Kinikilig pa naman ako sa excitement. Oo na, umiral lang talaga yung katamaran ko! Inaamin ko. Pero hindi lang yun, kasi... isyu nga yang pagiging anderayds. E ayoko namang magmukhang tanga dun, habang lahat ng bro's at sis' ko nanonood, kaming mga andereyds e nasa labas patuloy ang sa pagiging uusherette. Hindi ata makatarungan yun! Pero chenes na. Manonood nalang ako kasama magulang ko.

Hindi daw ishoshow ang nasabing pelikula sa lahat ng SM Malls. HUWAT??? Hindi ba malaking kawalan yun sa kanila. Tsktsk. Most awaited film of the year pa naman. Sana ginawa nalang nilang R-18 lahat. Sabagay ayos to. Kikita ang bawat bangketa ng mga pirated VCD at DVD. Talamak nanaman ang bentahan ng pirata, sigurado to!

---

May 19

At syempre naubusan muna ako ng net card bago ko ma-i-post to. Treasure hunting pa ko. Kinapkap ko lahat ng bulsa ng damit ko, damit ng nanay ko at damit ng tatay ko. WALA!!! P7.25 nalang ang kailangan ko, ayaw pang magpatunton ng mga baryang yun. At syempre bigo ako sa paghahanap. Kaya no choice, ginasta ko na yung buo kong pera. Ayoko talagang nababaryahan pera ko! T_T

CHENES? CHENES? Kyuryus ka?.. Pindutin mo to! Kung hind ka interesado.. puntahan mo parin. Sige na PLEASE! Parang awa nyo na.

Wednesday, May 17, 2006

EEEEKK!!! Kinikilig nanaman ako (hindi kilig na tungkol sa lab lab na yan, BADUY HA). Excited na ko bukas. Tae, sana yung isa jan wag atakihin ng katamaran, naku.. yun pa naman.. ayy ewan. It runs in our blood, ang pagiging TAMAD. (Uyy it rhymes). May mga kilala ako dyan kapag inatake ng katamaran bigla nalang baback out sa pinag-usapan, mang i-indian at gagawa ng kung anu anong alibi. Tsk tsk. Bad example sa mga nakakabata, tuloy nagaya ako sa inyong matatanda.

Premiere bukas ng Da Vinci at may singkwentang pursyento na makapanood ako kahit na adereyds ako (kaya ako kinikilig). Alam mo naman I am a very influencial person. Nyaknyaknyak. ASA! Pero sana talaga. Tae talaga, kapag pinagkalooban ka nga naman ng beybe peys, hindi ka talaga makakalusot sa mga R-18 movies. Tsk tsk. Sa dise sais na tinagal ko sa universe pwede parin akong commercial model ng Promil.


Waaaaaa. Wala na kong masabi, dinadaldal nanaman ako ng nanay ko. Nagugulo ako!?


Ayan.. ikukwento ko sainyo ang sinabi ng nanay ko. Nakuuu, umiral nanaman kayabangan nito. May pinagmanahan talaga ako.

Once upon a time.. EKEKEK! Mabilisan. Nakita nya dati nyang klasmeyt sa UE, nakilala sya. Bottom line, after 20 years... maganda parin daw sya. Tapos sabi ni klasmeyt si inay daw ang pinaka maganda sa campus noon, at ang amahin ko daw ang pinakagwapo. Ano yun, perfect match? Ayy sabagay, kita naman resulta sa pag iibigan nila. ;)

Tuesday, May 16, 2006

Kanina.. asa cr ako, maliligo! Sa totoo matagal ko na tong napapansin. Amoy beer yung feminine wash ko. Parang San Mig Light! Itago nalang natin ang nasabing produkto sa pangalang "Carefree". Hindi ko alam kung guni guni ko lang yun, o namimiss ko lang ang halimuyak ng beer, pero amoy beer talaga. Mabango naman sya.. sa totoo gusto ko yung amoy. Natatawa lang ako kapag gagamitin ko na, parang may nagiinuman sa harap ko. Hahahaha! Tama na nga, kung saan pa mapunta tong usapang to.


Tae, hindi ko napanindigan yung panata ko! Wala akong post nung 13, 14 at 15. Huhuhu! Sayang.. sayang talaga. Hindi ko na ikwekwento yung mga nangyari nung nakaraang araw kasi hindi naman ako artista at wala namang interesado sa buhay ko (huuu, drama). Hindi, kasi wala namang nangyari. Buong magdamag lang akong suminghot, suminga, umubo at umubo. AWTS!!! Ansarap ng buhay. Ayoko kapag ganto, pakiramdam ko para akong si Frodo, isang weakling.:p


Ayoko na ng mahabang post. Kasi.. wala lang. Hahaha! Para hindi ka tamarin magbasa. Tsaka binibinyagan ko lang tong bago kong lay out. MCS RAKS!!!
LSS: "Our hell ends every weekend, but it's all I have to believe in"

Ansaya,.:D

Friday, May 12, 2006

Sio: Pag pumasok yan pogi ako.
Ako: Pag pumasok yan pangit ako.

Yan lang pala ang monologue para hindi ma-shoot ang free throw ng kalaban. Hahahaha! At ilan beses yan nagwork, infairness. Isang patunay yan na maganda talaga ako. (pumayag ka na)

Kahit medyo "MOM I FEEL HOT" ang drama ko ngayon, post pa rin ako dahil ano.. umm.. panata ko ng magpost araw araw. Hahaha! Di, mabait lang ako at kyut kaya post ako araw araw. (parang cliche na yung linyang yun)

Galing kami sa swimming, belated birthday party ni Migs. Dahil late ang party, late din ang bati. HAPPY BIRTHDAY MIGS. (as if mababasa nya to) edit HINDI AKO LATE SA CALL TIME NAMIN, LUMEVEL UP AKO. say mo? /edit

Nagpaka bayani tong si Migs at yung pinsan nya, pagkatapos mag swimming rush agad sa court para sa liga, star player daw sila kaya kailangan sila dun. ANG GANDA NG LABAN! Mala movie ang scene, una lagapak at lugmok na lugmok na ang mga bidang players, pero pag dating ng last quarter lalabas na ang powers nila, ang shakra nila na-fully charge bigla, at kahit isang libo pa ang lamang ng kalaban, siguradong mahahabol yun sa loob ng 8 minutes (8 minutes lang sa kanila, sobrang pang amateur.:p).

So malamang alam niyo na yung resulta ng game, sila yung kontrabida kaya... talo. JOKE LANG, syempre sila yung bida. Hahahaha!


Pictures...? wag na tinatamad ako!


edit Ansaya naman may worth na yung blog ko, $22,581.60! Kaya lang yung old URL ko yan, yung ngayon, yung bago $0.00 pa. Ang sweet naman.:) /edit

Thursday, May 11, 2006

Akala nung isa jan hindi ako magpopost, pwede ba naman yun. Hahaha!

Natawa ako sa sinabi ni besy. HA-HA-HA! Tumawag siya kani-kanina lang. Sabi 7:30 daw kami bukas sa McDo. 7:30 AM! Natawa nalang ako. Sabi nya, "SERYOSO AKO!!!". Sabi ko, "BAKIT? Natatawa lang naman ako a. Seryoso din ako. Hahaha!".

7:30am sharp daw sa McDo. SHARP!!! 7:40 lang daw dapat ang pinaka late. WALA DAW DADATING NG 8:30. Kaya ako tawa nalang.

Sa totoo seryoso naman talaga ako. Natatawa lang talaga ako dahil ang aga ng call time namin. Parang di ata kaya ng powers ko! Lalo na alam kong party naman ang pupuntahan namin. Pero syempre dahil mabait ako (at kyut pa), gigising ako ng maaga. Gigising ako ng mga 7:00, siguro naman andun na ko ng mga 7:40. ;)

Wednesday, May 10, 2006

ANG GWAPO GWAPO NI PAPA PIOLO.:x

Ang galing sabi na makakapagpost lang ako kapag andito na nanay ko! Andaldal kasi, kung anu ano lagi sinasabi.

WARNING: Boring post ahead. (Magpopost lang ako for the sake na... may post ako ngayon atsaka kyut ng layout ko, kaya kyut magpost.)

Sabi ng nanay ko natutuwa sya sa mga babaeng health at figuro concious. Edi tinanong ko kung bakit (para lang hindi nya mapansin na bored ako sa sinasabi nya). Ayaw nya sa mga babaeng porket matanda at losyang na, at napag-iwanan na ng panahon, e wala ng pakielam sa figure at itsura nila. Ang pagpapaganda nga naman ay hindi ginagawa para sa iba, para sayong sarili.

Dun ako sa mga babaeng walang pakielam. Siguro pag wala ng glow ang pagkatao ko, come what may nalang. Basta mamatay ako ng masaya.

Pero hindi rin pala, masaya ako sa pagiging maganda (popompyangin [jap] ko ang kokontra) kaya hindi ko rin siguro matetake na makita ang sarili kong losyang at lumba-lumba. Masaya maging maganda no. Try mo!

Nanay ko "konsyus" kaya nya nasasabi yan. Ang arte, kung anu ano tuloy pinapapahid sakin sa mukha, sa katawan. At ang latest.. . sikret! Malalaman mo pa byuti sikret ko, gumanda ka pa sakin. Hmpf, hindi ako papayag bakla.


Nagtataka ako kung bakit hindi ko pa nasasabi sa inyo ang isang napakagandang GOOD news. May maid na kami. Gash, hinintay pa ni Papa Lord na magreklamo ako.:P

Isa pa palang napakagandang good news. NAITONO KO YUNG GUITARA KO! Wooohoo. Nababawasan na ang POSER meter ko. \:D/



Ayan nanaman, dinadaldal nanaman ako ng nanay ko....

Tuesday, May 09, 2006

Text conversation:

Itay: Pakitext naman si Ailah kuya, patawagin mo dito, 644****. Kasi hindi ako makacontact sa pldt. AILAH TAWAGAN MO RAW YUNG NUMBER NA TO, KAY STAR YUN.
Ako: Bakit? Hindi nako nakanet.
*after 2 minutes*
Itay: Gusto mo raw sali sa group nya, may band sila.
Ako: Ngak, hindi naman ako magaling tumugtog e. Hahaha!
Itay: Sinabi ko nga e.

Natawa na lang ako! And I thought parents are made to encourage their offsprings (parang mali).


Hindi talaga ako magaling. Posero kasi ako. May strat, hindi naman marunong (marunong pala, slight lang). Ni hindi ko nga kaya itono yung guitara ko e. Hindi ito pagpapa-humble ha, kasi kung magaling ako, tagal ko ng pinagmayabang, mayabang kasi ako. Wala akong talento sa musika. Hindi man lang ako binigyan ng magnadang boses, ng malambot ng katawan. Wala talaga akong talento. Puro mukha lang biniyaya sakin, mukha at utak. Tsktsk. Wawa naman ako!

Pucha.. ang pangit nun ha! Ang angas amp. Nakakatawa. Hahahahaha! Naku, daming magrereact nito. Stop it na nga. Kakanta nalang ako at bibinyagan ang new lay out.


"now people loving me and hating me treating me ungratefully
but not knowin' that they ain't making or breaking me
my life I live it to the limit and I love it
now I can breath again
baby I can breath again"

Monday, May 08, 2006

Typical na sa mga bata ng generasyon ngayon ang pagiging mapili sa pagkain. Kadalasan ang alam lang kainin ay noodles at fried chicken.


Commercial:
Ok pala ang mundo kung kulay Red, Black at White lang.

Canon Ixus i Zoom
uyy may naiinggit.:p Joke lang, labs kita. Mwah!


Yung pinsan ko, u-mOA sa pagka-OA. Kinakain lang fried chicken, BALAT LANG NG FRIED CHICKEN. Kaya kung nakita mo yung manok mo na SKINLESS, alam mo na kung sino ang salarin.


P.S (pahabol post) May ROBOT IPIS na umaatake sa nanay ko. Wahahahaha! Ang kulit, paghahampasin nya ng tsinelas, aba sumusugod! Ang ingay tuloy sa bahay namin ngayon. Natatawa ako. *Hihihi*.

P.S.P.S (pahabol sa pahabol post) Iinggitan sana kita Japanese Girl kaya lang yung tsokoleyt namin sing tigas ng ulo mo (acheche), sing tigas ng bato. Di ko makain. Ilagay ba naman sa freezer ni Inay, sabagay nung nag-arrive kasi yang mga tsokolates na yan e parang milk shake. Iinggitin kita mamaya.:P

Sunday, May 07, 2006

Sayang hindi ako nakapag post kahapon, pang limang araw ko na sanang nagpopost ng araw araw.


Early birds kami. Hindi ako sarcastic dyan. Usually kasi kapag nagkikita kaming mga friendships ko daig pa namin ang Filipino time, at top one lagi ako sa pa-late-an. Napaghihintay ko sila ng hanggang mga dalawang oras. Buti at mababait at kyut ang mga kaibigan ko kung hindi matagal na nila akong nakonyatan at nabuhusan ng tunaw na tirang sundae. (Syempre sinong bobo ang magbubuhos ng kinakain nya pang ice cream, sayang no?!) Anyway, highway.. may laweyy. KOOORNY!!! Nagpunta kami sa debut ng klasmeyt namin sa review classes. Masaya, maingay as usual. If it wasnt for us, bored ang lahat ng tao. Joke lang, baka may makabasa. Kung titignan mo kami, aakalain mong close friends kami ng debutante dahil lagi kaming gumagawa ng eksena doon.

Is it just me, or ang boring talaga ng kwento ko?

Sa totoo hindi ako sanay magkwento sa blog, ang korny kasi. E bakit ka pa nagblog? Para ma-enhance ang writing skills ko! As if you have one. *tawa ng pangit* E sino ka ba, pake mo ba? *Whistle! Whistle!* Waaaa, si chaka doll. *kumaripas ng takbo*


Antagal naman ng ice cream ko! Katabi lang ng bahay namin yung pagbibilhan ka-kupad pa. Daig pa ang mga pagong. Edi ikaw bumili? Katabi lang naman pala e. O bakit andito ka nanaman? Pinalapa na kita sa goldfish namin a. *Whistle! Whistle!* LAYAS NGA! BAMONOS!! Chupe..

Suuus. Kaya naman pala ang tagal ng ice cream ko, memory gap nanaman nanay ko. Hehehe.:P Haaay.. wala na kong masabi, ubos na yung ice cream ko *sob*. Tsk.


"anata ni koi shiteru no"
Adik nanaman ako sa Sweet Soul Revue.

Friday, May 05, 2006

Hirap na hirap na ko. !@#$%^&*. Di ko na kaya ito. Antagal na naming walang katulong sa bahay.

Oo na.. alam ko na yang iniisip mo, feeling mo senyorita ako sa amin. Well, ayoko maging hypokrita kaya hindi ko i-dedeny. Naaalala ko dati, katapat lang ng kama ko yung electric fan pero tinawag ko pa sya (kung sino man yung maid namin nun) para ipabukas yun. Sinabay ko na rin yung pagpapakuha ng tubig sa kabilang kwarto, pagpulot ng remote sa lapag (na kung saan katabi lang ng kama ko) at kung anu ano pang kaya ko naman gawin ng walang ka-effort effort. Nabwisit nga ata, pagbalik nung huli kong utos nagmaganda sakin at sabi, "Meron pa?", with matching taas ng kilay yan ha. Kasalanan ko naman kaya ok lang.

Ang pangit na ng image ko sa inyo, siguro kung anu ano na yang binubulong mo sa katabi mo.

Antagal tagal tagal tagal tagal (exage na) na talaga naming walang maid. Nakakapagod na! Pero sa totoo eksaherada lang ako kasi ang ginagawa ko lang naman e, mag ayos ng kwarto ng magulang ko (hindi na yung akin, nagiging typical room na nga ng mga teenagers ang kwarto ko e), ibalik lahat ng wala sa puwesto. Magsaing. Hugas ng hugasin. Kompyuter. Internet. Internet. Internet. Net. Net. Net. Net. At net. Tapos saing ulit. Refill ng tubig sa mga bote. Hugas ng hugasin. At net ulit. Ewan ko ba kung bakit napapagod at nabubugnot ako jan. Lumaki lang talaga siguro akong tamad at senyorita.

Tae, bakit ba ko ganito? Nabubugnot talaga ako kapag inuutusan ako. Hindi talaga ako pwede maging nurse nito, kaya nung nag-oojt ako mas nakita ko na mas umaayon sa ugali ko ang pagiging doktor. Mas gusto ko maging doktor. Teka, ayoko pag usapan to. Para kasing pagtinignan ko pa lalo yung gusto ko talaga maging (something sa media) nawawala yung interest ko sa nursing, baka magback out pa ko sa course ko ng wala sa oras. Wawa naman magulang ko.


Pero kahit senyorita ako, butuhing anak parin ako. Sabi sa inyo mabait ako e. Kyut kyut pa. *KOREK KA DYAN!!?* (tagalog audible) Hala.. sino nag-pm? :P Sayko na ko!


Dapat magdradrama talaga ako sa post ko ngayon pero nawala yung momentum. Hindi kasi ako malungkot, pero hindi rin masaya. Neutral kung baga, at dead kid naman sa iba. Teka, nagugutom na ko.



Wala lang, inepal ko lang yung mga litrato, kyut kasi e. Hehe! Pictures taken by yours trulu

Thursday, May 04, 2006

Naaliw naman ako kakakuha ng mga litrato ngayon. Feeling ko naman may potential ako maging photographer. Hayaan niyo na, feeling ako e! Pero lintek, bakit ko pa pinakeelaman yung functions.. peste! Hindi ko na tuloy mabalik yung gusto ko, yung setting na gamit ko sa pagkuha nung litrato sa baba ng post na to. Sayang. Haaay... *sigh*

Tapos wala akong ibang place na mapagkukuhaan ng litrato, !@#$ kasi yung mga katapat-bahay namin, nagsisipaglakihan ng bahay parang mga building sa Makati.


Sa totoo wala akong masabi, gusto ko lang magpost kasi masaya pala magupdate araw-araw. Tsaka may humahamon sakin ng pahabaan ng post. Pero hindi naman ako kumasa dahil TALONG TALO na ko sa kanya. Nobela kasi magpost, onti nalang matatapatan na mga masterpiece ni Shakespeare. At *ehem* isang post lang yun ha! Paano pa pagpinagsama sama mo. Wag magalit, nagsasabi lang ako ng totoo. Hahaha!

Naku.. nilalangaw na audience ko! Ang sesenseless na ng mga pinagsasasabi ko. YAK!


Kanina nung kakain na ko, kinutuban ako na ako ang maghuhugas ng pinggan. Oha, tama ako! Ako nga ang naghugas. Matagal tagal na rin akong hindi naghuhugas ng pinagkainan. Bakit? Tinatamad ako e, pake mo!? Kaya pagkatapos ko kumain, takbo kagad sa taas. Hahaha! Ewan ko ba sa nanay ko, nahihiya akong tawagin para maghugas. Pero iba ngayon, hindi ako pwedeng basta bastang mag EAT AND RUN. Nasugutan si inay sa hinlalaki. Kasi kung hindi ba naman WAN PORT na [insert adjective here], ginamit pang taas nung sa delata (ano ba tawag dun?) yung thumb nya, na ginagawa ko rin naman. Wan port din pala ako. Syempre, isa akong butihing anak, inako ko ang lahat ng hugasin. Ambait bait ko talaga. Kyut kyut pa.:P

Medyo ayos ang araw ko ngayon ha, infairness.. pero kaninang madaling araw, nawindang ako!!! Ewan ko ba, basta nawindang ako. Kakaisip siguro ng english ng "madaling araw". Ano ba ingles nyan??? Ayan.. sabi ni inay early dawn daw. Tama ba sya? Ang amas ko, parang nagaalinlangan ako sa sagot nya.:P

Okey. May nagapila kagad.. Redundant daw ang EARLY DAWN. Dapat daw, dawn lang. Hehehe! Natutuwa ako sa mga redundant na mga salita. Ansaya saya nila! Tulad nalang ng:

*moral lesson
*blissful happiness (mga jobie baliw yung gumawa ng ritual natin)
*napakalaking big deal
*mahabang long test

Marami pa yan e, benta kasi samin yang magpipinsan. Teka pakielam nyo nga naman. Hahahaha!


Uyyy.. 10:01pm na pala. Nanay ko talaga, labs na labs ako. Sabi sakin kahapon may curfew na daw ako sa computer, hanggang 9 nalang daw. Anong oras na ngayon. Tsk, kaya hindi umuunlad ang Pinas e. Buti yung yung sugat ko umuunlad na. Peklat nalang ngayon (koneksyon). Katulad ng sabi ko kanina, butihing anak ako kaya ako ay magshushutdown na.. titigil na sa kadadaldal dahil pagod na ang kamay at ngawit na ang balikat. Na sa totoo mga palusot ko lang dahil wala na kong masabi. *Zzzzz.*

Wednesday, May 03, 2006


"I should've given you a reason to stay."



taken by: yours truly
edited by: yours truly
original picture: click

Catch phrase from the song "A Lack of Color".
Ooohh. Bagay sa buhay ko ngayon.

-----

Okay.. buti inuwian ako ng krayola ng nanay ko kahit bago nya ibigay sinermonan muna ako (di mo naget no? GO FIGURE!).

Masaya ako... slight.. medyo.. onti! Narinig kong nagsisigawan ulit yung nanay at tatay ko, pero hindi ako kinakabahan. Bago yun!? Dedma ako, siguro kasi nanonood ako ng PBB kaya hindi ko inintindi. Pero pag baba nila.. ok naman sila. Hindi nga lang ganun ka-sweet, pero ok na. YEY!!! Ang saya nun.. parang buo ulit ang pamilya. Naiisip ko kasi kaya lang sila nag-sstay together (sorry di ko maisip tagalog nyan) dahil sakin. Siguro ayaw nilang akong magkaroon ng kahit anong saydepek kapag naghihiwalay sila.

Noong bata ako, lagi nila akong tinatanong kung anong gagawin ko kung maghihiwalay sila. Sinasabi ko lang, kung saan kayo masaya na taos naman talaga sa puso ko. Oo, promise. Maniwala ka! Sa isip isip ko nga, I'm a better person kung sakaling separated sila. Ewan ko, feeling ko lang. Feeling ako e!


Na blanko ako bigla a. Nilangaw yung utak ko. Zzzzzzzzzzzzzzz. Binubuyog pala! Ekekek.

Tuesday, May 02, 2006

Buhay ko ngayon parang isang malaking riot on mute na nagpapatayan mentally. TANG INAAAAAAAAAAAAA!!! Gustong gusto ko na sumigaw ng.. "Lord.. kunin nyo na ko!". Joke lang. Pero gusto ko na talaga sumigaw, SCREAM MY LUNGS OUT IN TRYING TO GET TO YOU. PUTANG INA TALAGA. Putang ina. Tang ina. PUTARAGIS!!!


....


TANG INA TALAGA!!!



TANG INA!!!



PUTANG INA TALAGA!!!


Dahil sa isang maikling pangungusap.. nasira utak ko. Mukhang masisira pa paninindigan ko. "MY GLASS HOUSE IS BURNING DOWN!!!". Nawala nanaman ako sa circulo.


Pasalamat ako sa sarili ko, gusto ko makita si San Pedro at magtanong ng sangkatutak na katanungan na gustong malinaw ng isip ko. Siguro kapag nagmeet kami at nasagot nya lahat, Ill be the 3rd most knowledgeable person on heaven.

Pero may mga pagkakataon talaga na may humihikayat sakin magpunta sa balkunahe ng kwarto ko at mag ala wonderwoman na hindi marunong lumipad. PUTANG INANG KORNY NITO!

Ayoko pa namang mamatay dahil marami pa kong gustong patunayan, pero sa dami nyan nawawalan ako nang pag-asa para lumaban na gusto ko nalang isang araw mapugutan ako ng hiningi! Mahirap lumaban sa hindi mo alam. Mahirap lumaban sa tama. Mahirap lumaban sa tunay mong nararamdaman. Mahirap maglaro ng bluff, kaya nga lagi akong talo dyan. Hanga talaga ako sa mga lawyers!


BES.. too obvious no? Hahaha. Kadiri.


Well, atleast kaya pang sikmurain ng bibig kong ngumiti at magbigkas ng HAHAHA! (may sikmura pala ang bunganga) EKEKEK!

P.S. Galing ako sa lakwatsahan, house hopping lang. Its PHOEBE day kasi. Marami kaming litratong masaya pero NASA MOOD TALAGA ako para magpost. Sarcastic ba? T_T